Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920) | Page 2

Honorio López
taong magaslaw at mapagin~gay. Ang
may m~ga yabag na kaugaliang bigat n~guni't maayos, sing isa, ay
taong may itinagong bait, matalino, maliksi at mahinahon. Yaong m~ga
taong may yabag na mabigat na halos nababakas ang yapak at tila ibig
palubugin ang lupa, ay m~ga taong palalo, hambog, matabil at
mapagmatapang. Ang m~ga humahakbang n~g walang wawa na di
iniíno kung mahusay ó hindi ang lakad, alalaon baga'y iniindayog ang
boong katawan kasabay n~g paa ay m~ga magagaspang na tao at
un~gas. Yaong nagbabago n~g an~gat n~g m~ga paa, minsan
mapahaba at minsan mapaikli ay m~ga taong masasawiin sa hanap
buhay at sa pagbabago n~g pagiisip ay di malayong maulol, at madalas
naman na mapatigil sa pagiisip at kung minsan ay nagdudumali sa ano
mang gagawin. Ang m~ga may hakbang na maiikli at madalas ay m~ga
may pusong babaye, kulang n~g tapang at siglá. Ang taong kung
lumalakad ay tila nanghihina ang tuhod na napapasulong ang katawan
at ulo sa paglakad na tila may nagtutulak sa harapan at sa likuran ay
m~ga taong may ugaling pagkababae at walang iniibig kundi ang sarili
katulad ni Narciso sa Mitolohiya; m~ga taong han~gal. Yaong m~ga
taong ang yapak n~g m~ga daliri ay nalilihis ó nalilisyang patun~go sa
labas na nabubunggô ang dalawang sakong ay m~ga taong walang ayos,
m~ga pangkaraniwan at mapagpabaya ó malilin~gatin. Ang m~ga
taong kung yumapak ay papasok ang dulo n~g daliri na di
nagkakaumpugan ang m~ga sakong ang karamihan ay m~ga taong
matalino, maliksi sa pagtuklas n~g ano mang ibigin. Yaon namang
m~ga pikî ay m~ga taong mahih na ang loob at kung minsan ay

nagpapakita n~g ugaling nakayayamot.
Ang alin mang masamang "senyal" ó kasamaan n~g ugali ay nababago
alinsunod sa itinuturo sa KARUNUNGANG LIHIM NI HONORIO
LOPEZ na ipinagbibili sa kanyang bahay sa halagang P1.70 at kung
ipadadala sa bahay n~g nakakaibig bumasa ay magpadala n~g P2.00 sa
bahay ni Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila at
ipadadala sa nagbilin sa pamamagitan n~g sulat sertipikada. Hindi
tumatanggap n~g bayad sa selyo kundi papel na dadalawahin.
Ang KARUNUNGANG LIHIM ni Honorio Lopez ay isang aklat ó
librong katutuklasan n~g Astrolohiya ó Lunario Perpetuo na kakikitaan
n~g sasapitin n~g tao sa kanyang pan~gin~gibig, paghahanap buhay
ibp. Ang Secretos de la Naturaleza ay siyang bahagi n~g aklat na ito na
nagtuturo sa pagkilala sa tao, pagtingin sa kabuhayan sa palad n~g
kamay, sa m~ga nunal ó taling, tabas n~g pagmumukha. Hipnotismo.
N~g tanun~gan n~g panaginip. N~g Oraculo ni Faraon. N~g tanun~gan
n~g kamatayan n~g isang tao. N~g Signo n~g Pagaasawa at n~g
Paggawa n~g Gayuma. May arte pa n~g pagkaroon n~g magagandang
anak, bagay na malaman n~g m~ga bagong kasal. At kalihiman n~g
paggamot sa nakukulam.
Totoong makabuluhan ang aklat na ito sa lahat, lalo na sa m~ga
kabataan at dalaga n~g makilala nila ang kanilang kapalarang aabutin
at ang ugali't magiging kabuhayan n~g taong kinakatungo.

=Aling gulang ng dalaga ang dapat mong pangasawahin binata?=
Ang pahayagang aleman na may pamagat na "Frankfuster Zeitung" ay
siyang may bigay n~g kaparaanang dapat gawin n~g isang lalaki upang
matuklasan niya ang bagay na gulang n~g isang babae na dapat niyang
pan~gasawahin.
Sinasabi n~g naturang pahayagan; n~g upang--anya--ang isang lalaki
ay makatagpo n~g isang babayeng babagay sa kanya, hangga sa
pagtanda at di niya pagsasawaan habang buhay, ay kailan~gan piliin

niya ang sunod sa gulang niyang taglay at na ito ang gulang n~g
babaeng dapat niyang piliin.
Halimbawa: ang lalaki ay may gulang na 18 taon hatiin ito sa makatwid
ang kalahati n~g 18 ay 9, at ang 9 ito ay dagdagan n~g 7 ang labas 16.
Ang 16 na ito ay siyang gulang n~g binibining dapat hanapin n~g
binatang may 18 gulang. Sa makatwid, sa alin mang pagsubok para sa
iba ay dapat hatiin ang edad n~g lalaki at saka idagdag ang 7 at
kalabsan ay siyang gulang n~g babaeng, dapat pan~gasawahin.
¿Alin naman ang pagmumukhâ ó buwan n~g kapan~gakan n~g dalaga
na dapat hiran~gin n~g isang binata? Ang sagot ay basahin ninyo sa
librong Karunun~gang Lihim ni Honorio Lopez at n~g lalo kang
masiyahan ay basahin mo ang Aklat na Ginto ni Honorio Lopez at ang
m~ga aklat na ito ay siyang magbibigay sa iyo n~g sagot. Magpadala
ka n~g pitong piso kay Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Maynila
n~g magkaroon ka n~gayon din n~g m~ga librong naturan.

=Sa ibig bumuti ang buhay at yumaman=
Mga paalala ni Franclin.
Pamahalaan mo sa sarili ang iyong m~ga tikma ó negosyo at húag kang
pababahala sa kanila.
Ang sino mang nabubuhay sa pagasa ay mamamatay sa gutom.
Walang pakinabang kung walang paggawâ.
Ang paggawâ ó trabaho ay siyang nagbabayad n~g m~ga utang at ang
paglilimayon ó ociosidad ay nagdaragdag n~g hirap.
Ang kasipagan ay siyang ina n~g magandang kapalaran.
Bunkalin sa boong pagsisikap at tiyaga ang iyong m~ga bukurin,
samantalang nagsisitulog
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 22
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.