Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

Honorio López
Dimasalang Kalendariong
Tagalog

Project Gutenberg's Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920), by
Honorio López This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost
and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it
away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License
included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)
Author: Honorio López
Release Date: September 4, 2005 [EBook #16641]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK
DIMASALANG KALENDARIONG TAGALOG ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar
Somoza and PG Distributed Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng
panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
=DIMASALA~G=
KALENDARIO~G TAGALOG (_DATI'Y LA SONRISA_)
NI
Don Honorio López _SA TAOG 1920

BASAHIN NINYO ANG
=AKLAT NA GINTO=
¿Ibig ninyong matutuhan ang kalihiman n~g magmukhang bata
hanggang tumanda, lumakas at walang sakit?
¿Ibig ninyong malaman ang kalihiman n~g pagpapalubag loob, gayuma
at makapanghila n~g ano mang nawawala o pangyayaring lihim sa
ibang tao o sa ibang bayan?
¿Ibig ninyong makilala ang lihim at bagong paraan sa panggagamot
n~g sakit na walang gamot na gagamitin?
¿Ibig ninyong matutuhan ang lihim na kayo'y kagiliwan n~g sino mang
tao at kumita ng kapalaran o kayamanan sa inyong hanap buhay na
taglay?
Basahin ninyo ang AKLAT NA GINTO ni Honorio Lopez, tiglilimang
piso ang halaga at naririto ang lahat n~g lihim ó sekretong
karunun~gan dito sa mundo.
Magpadala n~g sulat n~gayon din kay Honorio Lopez, daang Sande
1450, Tundo, Maynila at ipaloob sa sulat na ito ang isang limang
pisong papel at pagkatanggap niya ipadadala sa, inyo ang aklat.

Bagay na basahin n~g lahat lalo na n~g m~ga matatanda, binata at
dalaga.
* * * * *
¿Ibig ninyong matuto n~g iba't ibang karunun~gan ukol sa
pakikipamayan, sa pagsasaka, sa industria ó kagamlaman, sa
pan~gan~galakal at iba pang ikasusulong n~g inyong isip at kabuhayan?
¿Ibig ninyong matalastas ang nangyayari sa iba't ibang bansa sa
pamahalaan, at sa iba't ibang pook n~g bayan natin? Bumasa kayo n~g
pahayagang buwanan ni HONORIO LOPEZ na may pamagat na
PILIPINAS na lalabas sa tuwing ika unang araw n~g bawa't buwan.
Nasusulat sa kastila at tagalog. Piso isang taon. Pauna ang bayad n~g
pagpapadala. Sa pahayagang ito sa panig n~g dahong tagalog,
maglalathala n~g maiinam na tulâ, n~g mainam na babasahin n~g
m~ga magsasaka at n~g lahat n~g ibig bumuti ang buhay at yumaman.
Walang kinikilingang pangkatin ó partido politiko. Matiyagang isipin.
May tan~gang pitak na nalalaan sa m~ga dalaga at binata upang
magpaliwanag n~g nangyayari sa kanilang pan~gin~gibig. Gayon din
naman may pitak ukol sa m~ga may usapin upang magpaliwanag n~g
nangyayari sa kanilang usap. Nagtuturo n~g mga bagong hanap buhay.
Maraming balita.

=DIMASALANG=
* * * * *
Kalendaryong Tagalog
ng
Kgg. Honorio Lopez
Nag-Konsehal sa Siyudad ng Maynila
_Bachiller sa Leyes. Bachiller sa Artes. Agrónomo ó_ Marunong sa
Pagsasaka. Agrimensor na may titulo n~g Gubierno. Mamamahayag.

Kasapi sa _Los Veteranos de la Revolucion._ Naging
_Asesor-Técnico_ sa Union Agraria de Filipinas. Kasaping Pandan~gal
sa Kapisanang Conciencia Libre sa Madrid, España.
=SA TAONG BISIESTONG=
=1920=
SUMILANG NG TAONG 1897
* * * * *
=¿Ano ang inyong ituturo sa inyong mga anak na dalaga?=
Ang tanóng na ito ay naging sanhî n~g isang timpalak sa Estados
Unidos, at ang sumusunod na sagot, ay siyang pinalad na nagtamó n~g
pan~gunang ganting pala, at ito:
"Bigyan n~g mabuting turò na pagkilala sa Diyos at matipunong
kaalaman sa mabuting kaugalian.
Turûan pagkatapos na matutong manahî, maglabá, mamalantsa,
maglutò't ibp.
Pagbilinan tuwi na, ukol sa pagtitipid, alalaon baga'y matuto silang
gumugol n~g kaunti kay sa hawak nila sa kamay.
Turûan din sila ukol sa pamimili, gayon din sa pagbili n~g m~ga
kagamitan sa paglulutò at mamatnugot sa m~ga gawain sa bahay.
Ipakilala din sa kanila na ang isang lalakeng nakaputót at mapaglilis
n~g manggas n~g bisig sa pagkita n~g ikabubuhay, ay katimbang n~g
isang "dosenang" mapagmagaràng palalò't mahihilig sa kamunduhang
naggalà riyan.
Iturò rin sa kanila ang pagwawalang kabuluhan sa kapalaluwan at
malabis na pagbibihis, at iyukilkil ang mapoot sa katamaran at
kasinun~galin~gan.

Pagkatapos n~g lahat n~g ito ay ituro sa kanila ang pag-aaral n~g
pagtugtog n~g piano, n~g pintura at n~g iba pang m~ga kasinin~gan ó
artes."
=Ang pagkilala sa tao alinsunod sa kanyang lakad.=
* * * * *
Dapat talastasin na ang m~ga paa ay gumagalaw sa paghakbang
alinsunod sa laman n~g ulo, at sa paghakbang ó paglakad n~g tao, ay
nakikilala ang kanyang kaugalian at kanyang m~ga anyô.
Ang lumalakad n~g marahan ay may pagiisip na mabagal. Ang
lumalakad n~g matulin ay isang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 22
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.