Dakilang Asal | Page 5

Aurelio Tolentino
kaliwa doon
lumagay ka.
N~guni at kung kiles ang inyong sasakyan
lalut apat kayo'y huli ka
rin naman;
sila'y paupuin sa dakong unahan,
sa tabi n~g pinto doon
ka lumagay.
Paghintu na ninyo at kayo'y bâbabâ,
ikaw ay maunang umibis na kusà.

kung siya'y babayi ó kaya matandâ,
agad mong abutin alalayang
lubha.

Babayin tumitindig sa kaniyang upuan
at anyong aalis, may
paroroonan,
ang iyong pagsuyo pagdaka,y ialay:
"_Ikadadan~gal
kong kayo po'y samahan_."
Ito'y kagawian sa asal dakilà,
maging sa dulaan, maging sa pag-galà,

maging sa pagkain kung uupu na n~gâ,
sumaliw sa piano ó
tumugtug kaya.
Pagka't sa babayi'y pagdusta n~gang tunay
n~g isang lalaki kung
hindi samahan;
kaya,t ang babayi'y nararapat namang
lalaki'y huag
hiyain at pasalamatan.
At kung hindi gayo'y mapipintasan ka,
mangmang na babayi, walang
munting sigla,
para kang babayin bundok na talaga,
sa ugaling
bayan ay di pa bihasa.
Huag mong gagayahan ang m~ga pintasin
ang balang makita'y agad
susukatin:
gumagawa nito'y iyong m~ga haling
na hindi nag-aral
n~g pagka-mahinhin.
Kung paparoon ka sa m~ga sayawan,
sa m~ga teatro't m~ga
kapisanan,
pakatandaan mong iyong katunkulan
ang lalong
mabining pagkamatimtiman.
Sa alin mang bagay na sadyang di pan~git
ay huag mong hiyain ang
sino man kahit;
magbigay loob ka, na di mo man ibig,
upang
purihin ka n~g m~ga mabait.
Alin mang Religion ay huag mong tawanan
m~ga dasal nila ay
pagpitaganan.
Ang m~ga ugali sa alin mang bayan
gayon din ay
dapat na iyong igalang.
Ang sa protestanteng ginagawang kulto,
at ang kay Mahoma, at ang
kay Confucio,
at ang sa Iglesia Filipinang bago
ay iyong igalang,
sampu n~g Romano.

Ang ugaling moro, ang ugaling insik,
ang sa amerikano, ang sa m~ga
ingles,
kastila,t aleman, ang sa taga bukid
at kahit alin pa,y igalang
mong tikis.
Ang iyong Religion ay kahit alin man
at ang iyong ugali,y dalisaying
tunay:
hayaan ang iba,t huag ipagputakang
lahat ay masama,t ang
iyo'y mainam.
X
SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN
Sa harap ng iba ay huag kang magbihis,
magputol n~g kuko,
maghilod, mag-ahit,
huag kang magpabahin, magpunas, magwalis

at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git.
Bawal na totoo sa dakilang asal
sa harap n~g iba'y
makipagbulun~gan;
n~guni at lalu pang kasama-samaan
ang
nakikibasa sa bukás na liham.
At gayon din naman ay masamang lubos
ang sa sumusulat kusang
panonood;
ang sa nag-uusap naman ay manubok
ay pan~git na
lubha at asal na buktot,
Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin
n~g napakalakas, sapagka't
pan~git din.
Ang labi mut kukó ay huag mong kagatin,
ang m~ga
paa mo'y huag pakinigin.
Huag mong gagayahin ang asal mababa
n~g sa bawa't bigkas, isang
panunumpa
ang m~ga mahalay salitang salaula
na gaya n~g
_--¡Kulog!_ ... ay kahiya-hiya.
Magmatimtiman ka sa m~ga harapan,
ang masayang mukha'y lubos
na kailan~gan
ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan
at kung
matawa ka ay huag mong lakasan.

Kung nakatayu ka't may kakaharipin,
ay huag kang sumandal sa pinto
ó dingding;
ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin,
ang
dalawang paa'y itayong butihin.
Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita
ay huag pagpatun~gin
sapagka't pan~git n~ga
at huag mu rin namang paunating lubha
ang
iyong m~ga paa sa may dakong gitna.
Sa usapang di mo lubos nalilining,
ay huag kang sumisid n~g lubhang
malalim:
ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil;
ang bawat bigkás
mo'y timban~ging magaling.
Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang
parang sinisiyasat:
ang gayon ay bawal;
n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan,

n~g di parang iyong pinagmamalakhan.
Pintasan ang m~ga birong matutulis,
n~guni at kailan~gan ang huag
kang magalit:
kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig,

humanap n~g ibang iyong makaniig.
Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan,
at gayon din naman ang
sa ibang yaman;
subali kung siya kay sa iyo,y mainam,
ay ipagtapat
mong mainam siyang tunay.
KATAPUSAN
MABUTI ANG BATANG MAY DAKILANG ASAL KAY SA
MATATANDANG WALANG NAMUMUAN~GAN DAKILA
ANG DUKHANG MAY UGALING MAHAL KAY SA WALANG
TUTONG M~GA MAYAYAMAN.
MGA TALABABA:
[1] Ang DAKILANG ASAL na ito ay akma sa lahat n~g maran~gal na
ugali sa Sanglibutan.
[2] Dalaw na _bigay-loob_ ay ang unang pagdalaw sa isang


nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay.
[3] Ang salitang _ipagmaka-anó_ ay siyang katuturan sa
tagalog na
dalisay n~g maling salitang "_cumusta_" na nangaling sa wikang
kastilang "_¿Como está_?"
[4] Ang kahulugan n~g bali n~g tarheta sa alinmang apat na
sulok ay
dalaw.
[5] Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ó
nahihiya,
kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g baiwang,
kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha.
[6] Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama,
at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin
n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa
katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA
KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit
pakingan ang "_Magtuloy po_ SILA _dine sa_ AMIN" Kay sa
"Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN".
[7] Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang
pan~galan
n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.
[8] Mga Liham
(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA).
M~ga G. G. Miguel Bantog at
Esther Dalisay.
M~ga piling kaibigan.
Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa
ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.
Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git
n~g saganang biaya.

Na sa panunuyo.
Feliza Ilawdagat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.