Cinematografo | Page 8

Jose Maria Rivera
sa bayang pan~garap at doo'y, walang bagabag!
(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Maririn~gig na dagli ang sipol n~g "auto". Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.)
Lahat:--???Angeling....!!!
Ten:--Bili na kayo n~g man��....
Tib:--???Angeling....!!!
Peli:--(Sa lahat) ?Sino pu ba ang hinahanap ninyo?
Bal:--Ang aming anak. ?Nakita mo ba, among?
Peli:--Iyon po bang maganda?
Tib:--Oo, iyon n~ga, ?saan naroroon?
Peli:--Tinan~gay po n~g lawin......
(Pagkarin~gig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatun~gan~gang lahat.)
TABING.

=MGA KUROKURO=
?CINEMATOGRAFO!
Ang "libreto" n~g "Zarzuelang" may tinurang pamagat, na buhat sa panitik n~g manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si G. Jos�� Maria Rivera ay nabasa ko at napanood ko pa n~g ganapin ang unang tanghal sa Dulaang Rizal.
Sa tugmang ito ay ipinakilala n~g "Kumatha" na siya'y maalam sumulat n~g dula; ang pagkakasunod n~g m~ga tagpo (escenas) ay napakahusay, hindi nawawala ang "continuidad" na kailan~gan sa isang obra at ang galaw at m~ga anyo n~g m~ga "personages"; ang paglalabas pumasok sa tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na "mecenica teatral."
Ang "caracter" n~g m~ga personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos.
Ang kanyang "vis comica" ay kilala na n~g madla. Ang pagkakalahok n~g salitang kapampan~gan sa kanyang '"obra" ay totoong mainam at matatawag nating "a lo hermanos Qu��ntero" na pawang nabantog at nan~gagsidakila sa kanilang "sistema" na ang kanilang m~ga tugma na tunay na wikang kastila ay nilalahukan n~g m~ga "dialectos espa?oles"; magpan~gayo'y hinahan~gaan n~g boong Esga?a ang magkapatid na Quintero.
Pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan n~g pagpapalago n~g ating dulaan; ang pagsulat n~g mabubuting dula ay higit pa n~g pagkamakabayan kay sa magmakisig na "politico".
_=Severino Reyes=_
* * * * *
=ANG PAGKAMANGDUDULA NI RIVERA=
Si Jos�� M.a Rivera �� Pepe Rivera, gaya n~g karaniwang palayaw sa kanya n~g kanyang m~ga kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may sariling gabay at sariling watawat. Siya ay lumalakad sa laran~gan n~g pangdudula na masasabing hindi sumusunod sa ilaw n~g iba.
Nagbukas siya n~g landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'y lalong malapit para sa ikapagtatamo niya n~g tagumpay. At ang pagasang ito ni Pepe ay hindi nabigo. Kung ang tagumpay n~g mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya n~g lalong marami't piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa m~ga dulaan kailan pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang m~ga akdang "M~ga Pagkakataon," "Opereta"? at "M~ga Bin~gi", ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na. Anopa't sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailan~gan ni Rivera ang sumulat pa n~g lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan n~g ating m~ga ipinagkakapuring man~ga mangdudula. Ang pagkamandudula n~g isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan n~g dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na m~ga katan~gian n~g kanyang nakatha na. At inuulit kong labis ang kanyang m~ga kathang nabanggit sa itaas, upang siya ay mapapiling sa unahang hanay n~g ating m~ga maginoong guro n~g dulaan.
=_E.L. Valmonte,_= Kinatawan ng AKLATANG BAYAN Sa Kalipunan ng mga Samahang Mananagalog.
Maynila, Mayo 30, 1920.
* * * * *
=SI PEPE M.a RIVERA=
Tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan n~g sipag at tiyagang siyang pan~gunang kailan~gan sa m~ga kawal n~g panitik, gaya n~g pagiging kailan~gan n~g tikin sa isang bangka, kaya't hindi katakatakang si Pepe M.a Rivera, ang karapatdapat na Pan~gulo n~g Ilaw at Panitik, ay maantayan natin n~g lalong kisig at m~ga bun~gang hinog n~g kanyang halamang itinanim sa panahon, at n~gayo'y malusog na nagbubun~ga.
Sa likod n~ga n~g may mahigit na dalawampung taong ginugol ni Rivera sa kanyang paghahanda sa isang kabuhayang dapat niyang kapulhan n~g suson susong putong n~g tagumpay, gaya n~g tinamo niya n~gayon sa sunod-sunod halos na pagtatanghal n~g kanyang m~ga akda, ay di katakatakang, ang lahat n~g humahan~ga sa kanyang panitik ay kapitan siya n~g karapatdapat na taguring "hari n~g m~ga mapag-patawa".
Nariyan ang katan~gian ni Pepe. At hindi katakataka! Ang isang taong pinagkalooban n~g Maykapal n~g isang loob na maluwag at isang damdaming walang iwing pagiimbot na linangkapan n~g isang mukhang wari'y nakan~giti sa lahat n~g oras, saan hindi ang kanyang paguugali'y masisinag sa kanyang mga akdang sa twing itatanghal ay "nagpapasakit n~g maraming tiyan".
=_Crispin._=
ANG MITHI, ika 28 Mayo, 1920.
* * * * *
Jos�� M.a Rivera, con su esfuerzo personal verdaderamente laudable y con su talento, ha llegado a una altura a la que ya quisieran llegar muchos de nuestros autores dram��ticos. Es de la madera de dramaturgos y triunfar�� a��n m��s. Comenz�� a estrenar en el Teatro Rizal sus primeras producciones dram��ticas y que fueron del agrado del p��blico. Las operetas austriacas vertidas por ��l al tagalo y representadas con ��xito, di��ronle adem��s un notable prestigio como traductor, distingi��ndose adem��s de los adocenados como autor dram��tico.
Rivera es uno de nuestros contados aficionados a escribir obras teatrales. Como tiene mucha voluntad, sobre todo constancia y esfuerzo en el trabajo, se puede esperar mejores cosechas a��n de su numen creador �� inventivo. En sus obras, en donde se exponen al estudio, a la
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.