ustuna. (Sa lahat) Tarana, lumub tana qng Cine.
Tib:--(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok. (Lahat ay magsisipasok. Matitira si Angeling.)
_Tagpo VI._
=Si ANGELING at si LUISITO.=
Lui:--(Kay Ang.) Angeling, panahon na itong dapat nating samantalahin.
Ang:--Maghintay ka pa n~g ilang saglit.
Lui:--?Maghintay pa?
Ang:--Oo. Pagka tayo umalis n~gayon din, ang dulo'y abutin tuloy tayo n~g habol.
Lui:--At, ?paano ang ibig mong gawin ko?
Ang:--Sinabi ko na sa iyong, maghintay ka pa n~g ilang saglit,
Lui:--?Lalabas ka bang uli?
Ang;--Oo. Ang "chauffeur" namin ay pinagsabihan ko na. Hanggang mamaya.
Lui:--?Salamat ...!
Ang:--Hintain mo ako sa auto. (Papasok.)
Tagpo VII =Si MARCOS at si LUISITO=
Mar:--(Kay Luisito) Ano, kaibigan; tila n~gayon ay, sigue Dagupan kana, ha?
Lui:--Wala n~g kasalasala.
Mar:--Mabute. N~guni't, tila ang lalong magaling, ay magbihes ka muna, at baka maamuyan ni Angeling.
Lui:--?At, bakit?
Mar:--(Sa sarile) Bakit pa daw....(Hayag) Hale n~ga, amuyan mo n~ga ang suot mong damit, kundi, amoy supot n~g bakang australiano. ?Sino ba ang naglalaba sa iyo?
Lui:--Makao, bakit?
Mar:--?Kaya pala....!
Lui:--Puro biro ang katawan mo!
(Maririn~gig sa loob na ipalalagay na nagbubuhat sa cine, ang m~ga hiyaw na: "Sigue" ... "Sigue" ... "Ibigay mo ang lines" ... "Ibigay mo ang nueve", kasunod n~g palakpakan at baswitan. Lalabas si Tio Bestre, at si Beteng, itong huli ay sapupo ang kaniyang tiyan.)
Tagpo VIII =Tio BESTRE at si BETENG.=
Tio Bes:--Bah, Beteng, makanyan lamang pala ing Cine. Magdidilim ampong sasala ... ?Damongkal, makasira ya pa ng mata ...!
Bet:--Yapin, tatang. Atinaku malili��. Saka, masaquit ya pa ing atyan ku.
Tio Bes:--Saka purus mung halikan, ampong magnanakaw.
Bet:--Yapin pu, p��ro, masakit ku atian, tatang. Bisa kung....(Ibubulong sa tain~ga ni Tio Bestre)
Tio Bes:--(Galit) ?Demonios ...! Mallari, kumain ka n~g dakal na man�� ampong uminom ka n~g sorbetes ...! ?Salbaje nakang tau ...!
Tara na qng lub ...! (Papasok silang dalawa. Magkakain~gay na muli sa Cine. Lalabas si Tia Martina at Matea.)
_Tagpo IX._
=Si TIA MARTINA at si MARTA=
Mat:--Inang, inang, masakit ku buntuk ...
Mat:--??Siablos, makanyan mu naman pala ing cineng amanuan da. Makasakit ya palang buntuk....!!
Mat:--O, Inang, maliliu ku pu.
Tia Mart:--Bah, ing anaku, aku man, maliliu ku.
Mat:--Ing mayapa Inang, mulitana.
Tia Mart:--Ba, e maliari. Paintunan dacatamu di tatang mu.
Mat:--Ba, milalu naku saquit buntuk.
Tia Mart:--Tara, lumub tamung pasibayu.
(Papasok silang muli, at ulit na magsisigawan sa loob n~g cine gaya n~g una.)
Lalabas si D. Tiburcio.
_Tagpo X._
=Si D. TIBURCIO, pagkatapos si BRUNO at si MARTINA.=
Tib:--(Lalabas) Talagang ako'y inaalat yata. Kung alin pa naman ang aking pinakaiilagang makita sa Cine; Kung alin ang minamasama ko, ay siya pang napanood n~gayon. At, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi n~g kung bakit sa tuwing ang ilalabas sa Cine ay m~ga pelikulang "Indian at Cowboy", hindi na nanalong minsan man ang m~ga Indian, at kung talunin pa sila, ay palakpakang wahumpay ang ginagawa n~g m~ga nanonood. ?Ano ang ibig sabihin n~g gayon?
Mart:--(Mula sa loob.) ?Hayop!...?Demonio!... ?Walang hiya! ?Isusumbong kita!... (Lalabas na kasunod si Bruno.)
Tib:--(Pagkakita sa dalawa.) ?Bakit, Martina, ano ang nangyare Bruno? ?Bakit ninyo iniwan ang bahay?
Mart:--(Iiyak) Mangyari po, iyang si Brunooooo, uuuhhh!!...
Bru:--(Gagayahan si Martina) Mangyare po, si Martina, uuuhhh.
Tib:--(Galit) ?Demonio!...Magisaisa kayo sa pagsagot. Ikaw, Martina ang siyang ang umuna. ?Ano ang nangyare?
Mart:--(Paiyak na sasagot) Iyan pong si Bruno, pagkaalis ninyo, ay isinarang lahat ang bintana pati pintuan at.....??Naku ...!! Napakahayup pong tao niyan ...!!
Tib:--(Kay Bruno: Galit). At, bakit mo naman ginawa ang gayon? (Pipiralin sa tayn~ga)
Bru:--Kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos.
Tib:--?Ano, utos ko?
Bru:--Opo. Kan~gina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog n~g ika 7 at kalahati n~g gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana?
Tib:--(Sa sarile.) Tunay n~ga. (Sa dalawa) Siya, umui na kayo.
Mart:--(Paiyak) At, ?paano po ako?
Bru:--Hayaan mo't ako, ang bahala.
Tib:--Siyan~ga, siya na ang bahala sa iyo. Hala magsiw�� na kayo.
(Aalis silang dalawa. Si D. Tiburcio, ay papasok uli sa Cine. Lalabas ang isang Pulis.)
_Tagpo XI._
=Ang PULIS lamang=
Pul:--(Dala ang isang pahayagan) Esti periodico, motso, jabla robo. Every days, jabla robo. Every days, jabla olicem, Motso nakaw, pero, mi no bisto nada jasta hora. (Palakpakan sa loob n~g Cine, kasabay n~g sigawan)
Sa loob:--(Pahiyaw)!!Sigue ... Zigomar ... sigue!! (Palakpakan)
Pul:--(Gulilat) Cosa jabla esti jombres dentro c��ne? (Anyong papasok na tan~gan ang batuta.) ?Aqui gat ladron?!My godness ...! ?Oh, this is creasy ...!...Mi cabeza motso loko ... Aqu�� dentro no ladron sino cine nomas ...! This is.... ?Oh, mi poco tempo, bamus casa con una se?orita motso rica, motso money, nomporta masque pea ... And, bay and bay, mi vamus America y no more polis ... ?Ja ...! ?Ja ...! Este motso bueno bisnes (Papasok na bumabaswit n~g isang "rag".)
(Lalabas si Angeling na parang lin~gas. Sasalubun~gin siya ni Luisito.)
_Huling Tagpo._
=Si ANGELING at si LUISITO._
TUGTUGIN
Ang:--?Luisito!
Lui:--?Oh, Angeling!
Ang:--Paglisan na'y ating gawin.
Lui:-- ?Oh, pan~garap kong nalaing, natupad ka at dinating!
N~gayon di'y atin n~g lisan itong pook, at tumanan.
Ang:-- Luisito kong liniliyag laan ako sa iyong han~gad.
Lui:-- Tayo na't ating tungain saro n~g ating paggiliw.
Ang:-- Ang bawa't iyong mahiling, ay aking tatalimahin.
=SILANG DALAWA=
Tayo na sa himpapawid na pangdulot ay pag-ibig.... Doon, ang lahat ay tamis, aliw, ligaya at....lan~git!
Ating limutin ang hirap at lasapin ay pagliyag. ?Tayo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.