ay makikita
ang panglabas (fachada) ng isang mainam na Cine. Maraming tao na magyayaot dito sa
naturang daan, na ang ibá'y magsisipasok sa Cine matapos namakakuha sa taquilla ng
bilyete. Sa gawing kanan ng Cine, ay makikita ang isang tindahan na may babala na:
MONGO CON HIELO Y LECHE-EXTRA. Sa gawing kaliwa, ay makikita naman ang
isang babae na nagtitinda ng mga kakanin. Mag-iikawalo't kalahati ng gabi.
Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gabí.
_Tagpo I._
=Coro ng mga BABAE at LALAKE.=
Coro:--¡Tayo! ... ¡Tayo na sa Cine! Tayo nan~ga magliwaliw! ¡Anong inam! ¡Anong
bute! Nang Cineng kawile-wile.
Sa cine'y napapanood maraming kababalaghan Laging sayá ang pangdulot sa madlang
nasasakitan.
¡Tayo!...¡Tayo na sa Cine! Tayo na n~ga magliwaliw!
¡Anong inam! ¡Anong bute!
Nang Cineng kawile-wile...!
(Pagkatapos n~g pag-awit, magsisigawa n~g isang "evolución" at saka magsisipasok sa
pinto n~g Cine.)
Lalabas ang batang lalake, si PELI, at lalapit sa may tindang m~ga kakanin.
_Tagpo II._.
=Ang TINDERA at si PELI=
Ten:--(Kay Peli) Ano, Peli, ¿Papasok ka na naman sa Cine?
Peli:--(Waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) Hindi po. Wala po akong pera, eh.
Ten:--Bakit hindi ka humin~gi sa iyong Nanay?
Peli:--Humin~gi po ako, n~guni't, ang ibinigay po sa akin, ay palo.
Ten:--¿Ha? ¿At bakit?
Peli:--Mangyari po, n~g ako'y humihin~gi ay nataon naman na sila'y napantoche sa
pan~guingue, kaya po,t en vez na kuwalta, ang ibinigay po sa akin ay palo at kurot.
(Lalabas sina LUISITO at MARCOS, buhat sa kaliwa.)
_Tagpo III._
=Sila din, at sina LUISITO at MARCOS=.
Mar:--(Kay Luisito) Luisito, dito ang mabuting paghihintay, n~g makapangaliskis tayong
mabute n~g m~ga dalaga.
Lui:--Ikaw naman ang taong wala nang na-aala-ala kundi ang dalaga. At, minsan man, ay
hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. Marahil ang puso mo'y walang iniwan sa
repollong china.
Mar:--(Patawa) Nagsermon na naman si Padre Luis. Nalilimutan mo lamang marahil
kaibigan ang kasabihang: Pues que la vida es corta, soñemos, alma, soñemos! Hale n~ga,
sabihin mo n~ga naman, eh bakit ikaw, hindi ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon
at sa di pagsusuot n~g sumbalilo?
Lui:--Tao ka n~ga pala. ¿Hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre americana?
Mar:--Naku, maniwala kang kung ang lahat n~g costumbre ang susundin natin, eh hindi
malayong, bukas o makalawa, ay maglagay ka na n~g kumot sa ulo.
Lui:--Aba, iyan ang hindi ko magagawa.
Mar:--At, ¿bakit hindi? Eh, kung mamoda?
Lui:--Kahit na.
Mar:--(Pagkatapos na masdan ang bata: si Peli: Kay Luisito.) Luisito, masdan mo ang
batang iyan. (Ituturo si Peli na nakaupo.)
Lui:--¿Sino bang bata iyan?
Mar:--Iyan ang isa sa m~ga dakilang amateur n~g Cine. Walang gabi na di nanasok sa
Cine ang batang iyan.
Lui:--¿Gayon ba? ¡My God!
Mar:--Oo, maniwala ka. Halika't ating lapitan at kausapin tuloy, samantalang hindi pa
dumadating ang ating hinihintay. (Lalapit silang dalawa, at kakausapin ni Marcos si Peli.)
¡Hooy, Peli, narito ka na naman, ha? Tila nawiwili ka sa panonood n~g Cine, ano?
Peli:--(Pakimi) Kaunti po lamang.
Lui:--¿Bakit mo ba naiibigan ang Cine?
Peli:--Mangyari po'y sa Cine ako inpinan~ganak n~g aking nanay.
Mar:--¿Siyan~ga ba?
Peli:--Gayon po ang sabi n~g nanay ko sa akin. Buntis daw po silang kagampan, n~g
naisipan nilang masok sa Cine. Nan~gan~gahalati na daw po ang pelikulang kanilang
pinanonood, n~g ipinan~ganak nila ako.
Lui:--¿Saan ka inpinan~ganak?
Peli:--Sa Cine po.
Mar:--¡Jesus......!
Lui:--At, ¿ano daw naman ang pelikulang ilinalabas n~g ikaw ay ipan~ganak?
Peli:--Zigomar daw po.
Lui:--(Sa sarile) ¡¡Que barba....ridad!!!....
Mar:--(Sa sarile) ¡¡¡Kay liit namang Zigomar nito....!!!
Lui:--(Kay Peli) Eh, ano naman ang in~ginalan n~g nanay mo sa iyo?
Peli:--Pelicula, po.
Mar:--¡Santa Barbara!.... (Makakarin~gig n~g yabag at sipol n~g auto: kay Luisito.)
Luisito, tila sila na ang dumarating. Hayan at sipol n~g auto nina D. Tiburcio ang
naririn~gig ko, ah.
Lui:--Sila nan~ga. ¡Salamat sa Dios! Tayo kumanlong.
(Lalabas sina D. TIBURCIO, BALTAZARA, ANGELING, TIO BESTRE, TIA
MARTINA, BETENG at MATIA. Ang tatlong nauuna, ay mabute ang gayak, ang apat
na huli, ay lalo pang nakatatawa ang m~ga suot.)
Mar:--(Kay Luisito.) Ang mabute. Luisito, ay pumasok muna tayo sa magmomongo.
Lui:--Pakikita muna ako sumandali, at pagkatapos ay tumun~go tayo sa mongo. (Sa sarile)
¡Sinabi ko na, at papagkakagastahin ako, ah....! ¡Ipapalo't ipapalo ang kaniyang
kaliskis.....!
_Tagpo IV._
=Sila din, at ang mga bagong dating=.
Bet:--(Hilahila ang kanyang aso.) ¡Tatang, burique ing cacung pinsan.
Tio Bes:--Sinabi ko na sa keka, aku ing bahala.
Mat:--(Kay Angeling) Pinsan, iti wari ing cine? O, itang metun nanu neman ing lagyu na?
Ang:--(Wala sa loob) Mongo con hielo.
Tib:--(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok, mientras maaga, at n~g makauwi agad.
Tio Bes:--Yaping mabute. Tarana. (Magkukunwang kukuha n~g kuwalta upang ikuha
n~g bilyete, n~guni't uunahan siya ni D. Tiburcio sa taquilla. Si Tio Bestre ay lihim na
tatawa. Si Beteng ay magaanyong bibile n~g mani.)
Lalabas ang PULIS.
_Tagpo V._
=Sila din at ang PULIS=.
Pul:--(Pagkakita sa aso na hila-hila ni Beteng.) Se, jombre ¿cosa, esti aso gat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.