araw po n~gayon n~g kambio.
Bal:--Kambio ba ng ano ang pinagsasabi mo?
Ang:--Kambio n~g programa po.
Bal:--At, ¿ano daw na naman ang palalabasin?
Ang:--Zigomar contra Nick Carter po.
Bal:--¿Magaling daw ba iyon?
Ang:--Magaling daw po, ayon sa balita ng m~ga pahayagan. Papasok ako, ha nanay?
(Lalabas si BRUNO na sumisigaw at waring may hinahabol na aso. Tan~gan sa kanang
kamay, ang isang postizong buhok at sa isa naman ay postisong n~gipin,)
_Tagpo VII._
=Sila din at si BRUNO=.
Bru:--(Waring hinahabol ang aso. Humihin~gal. Takot.) ¡Che ...! ¡Che ...! ¡Cheeeee ...!
(Lalong takot) ¡Nakú, malaking basagulo ang nangyare; ang aso ... ay nakakawala, at ...
nakamatay ng tao ...!!!!!
Ang:--(Gulat) ¿Ano ang nangyare, ha, Bruno? ¿Ano ang nangyare?
Bal:--(Lalo pang gulat.) ¿Ano, ano daw ang nangyare?
Bru.--(Takot) Ang atin pong aso na Mariano Gil ay nakakawala at....
Ang: at:--¿At, ano? Bal:
Bru:--¡¡Nakamatay po n~g tao....!! ¡¡¡Nakuuu.!!
Bal:--¡¡Susmariosep!!....(Manginginig sa takot)
Ang:--¿Tunay n~ga ba?
Bru:--Opo, at sa katunayan, ay naririto po ang buhok at sampu n~g n~gipin n~g taong:
napatay ...¡Susmariosep.....! ¡Talagang hayop si Mariano Gil! ¡Naku ang n~gipin n~g
taong napatay! (Ipakikita ang n~gipin at buhok na postizo)
Bal:--(Tatan~ganan, at mapapasigaw sa takot.) ¡¡¡Naku po, Dios ko ...!!! (Pagkatan~gan
sa n~giping pustiso ay makikilala. Galit) ¡Aba, eh ito ... ang n~gipin kong postiso na
hinahanap ah ... (Galit) Ang hayop na ito. (Kay Bruno) ¡Animal, sa lahat ng ginawa mo
sa akin, ito ang....
Ang:--¿Bakit po, Nanay?
Bal:--Eh, iyan bang hayop na iyan, linoko na naman akó.
Bru:--(Sa sarile) Sa lahat daw n~g ginawa ko sa kanya ...(Harap) ¿Kaylan ko po ba kayo
linoko? (Papakumbabá)
Bal--(Ipakikita ang pustiso.) At, itó, masama pa bang pagloko?
Bru:--Eh, hindi po ba buhok iyan?
Bal--Oo n~ga, buhok, n~guni't ito'y pustiso ko animal at hindi sa patay na taong gaya n~g
sinabi mo. (Sisiyasating ang buhok.) Tignan mo ang ginawa mong ito, ginusot mo.
Babayaran mo n~gayon ito.
Bru:--Aba, hindi po ako ang sumira niyan. Di po, pabayaran natin sa aso.
Ang:--(Kay Balt.) Siyan~ga naman, nanay.
Bal:--(Kay Ang.) Aayunan mo pa ang hayop na iyan. (Kay Bruno) Babayaran mo
n~gayon itong aking buhok.
Bru:--(Sa sarile) Katuwirang diablo na itong nalalaman n~g aking ama. Iba ang sumira, at,
ako ang papagbabayarin. Maniwala kan~ga naman sa ayos n~g babae. (Titigil) Kay don
Tibursio, ay walang sandaling di pagpuri sa buhok n~g kaniyang asawa ang naririn~gig
dahil sa kalakihan umano, ito pala'y ...pustiso lamang ...Baka pa kaya, pati ang......este,
pati ang mata nito'y pustiso na din ah.....!
Bal:--(Galit) ¿Ano ba ang ipinagbububulong mo, ha?
Bru:--Wala po, señorita, wala po akong ibinubulong n~g laban sa inyo....Na aala-ala ko
po lamang ang nangyare sa pustiso....
Bal:--(Galit na lalo) Pues, hindi mangyayare. Ginusot mo ang aking buhok, at babayaran
mo n~gayon.
(Lalabas si D. TIBURCIO na kasabay nina TIO BESTRE, TIA MARTINA, BETENG at
MATEA. Ang m~ga ito, tan~gi lamang si D. TIBURCIO, ay paraparang may m~ga bitbit
na tampipe. Si BETENG ay hilahila ang isang asong payat. Ang gayak n~g m~ga itó, ay
m~ga lipas na sa "moda". Si TIO BESTRE, ay nakasuot n~g isang "chaqueta" n~g m~ga
tininté sa barrio n~g panahong yumao n~g kastila. Ang magsisiganap n~g m~ga
tungkuling ito, ay nararapat na, ang kanilang isuot na damit ay iyong nakatatawa. Ang
m~ga bagong dating ay m~ga tagalog na napatirang matagal sa isang nayon n~g
Kapampan~gan.)
_Tagpo VIII._
=Ang mga dati at ang mga bagong dating.=
Tib:--(Mula sa loob) ¡Tuloy, tuloy kayo! ¡Sarang....! (Kay Baltazara) ¡Sarang ...! Eto, eto
ang mga kaka! Nagsidating na kasama ang dalawa nilang anak na kambal, iyong madalas
na isulat sa atin noong hindi pa malay na dumating dito sina Dewey.
Bal:--(Sa m~ga bagong dating) ¡Naku ...salamat sa Diyos, at na ka-ala-ala pa kayo sa
amin.
Tio Bes:--Bah, taganang maluwat nang tutu ing sa aming buri na dalawin ikayu, pero
dapo't, tutung marayu ing sa amin, saka ame karagul ing sa kekaming gastus. Lalu na
n~geni, malaki ing natuyot na pale sa kekami.
Bru:--(Sa sarile) ¡Diablo ...! Saan kaya nagsipangaling ang m~ga bikas na ito? Ito ata ang
tinatawag na antidiluviano ah! Naku, kung panahon lang n~gayon n~g Karnabal, sinabi
ko na sanang sila'y m~ga naka balat kayo.
Tio Bes:--(Sa dalawa niyang anak) Oh, Beteng, Matia, ano, oh bakit hindi kayo
sumiklaud n~g gamad sa inyong bapa? ¿Nanung hihintain yu?
Tia Mar:--Yapin naman, obakit ekayu siklaud? ¡Diablus kong anak....!
Mat:--(Tatan~ganan ang kamay ni D. Tib.) Mano po, m~ga bapa. (Madalas na sasabihen)
Kamusta kayo, ali ko pu misasalunan? Ikami pu mayap, lugud ing Ginung Dios. Nukarin
lapú ding anak, kumusta la naman? ¿Nuya pu karin ding kakung pinsana ¿Ala lapu?
Tib:--Naririto. (Kay Angeling) Angeling, heto ang m~ga pinsan mo.
Mat:--¡Ah, ikayu pala! ¡Kalaguyu! (Kay Angeling) Kumusta ka pisan, nanu ing bili mu
queti? Masaya ba queti quecayu, ja? ¿Ali ba masaya, ja? (Madalas)
Ang:--(Sa sarile) ¡Naku, parang kalakwerda kung magsalita ito.
Mat:--(Kay Ang.) ¿Mayap wari?
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.