Cinematografo | Page 3

Jose Maria Rivera
tungak.
Bru:--
Hindi totoo: Ang sulit Na n~gayon ay kasasambit. Ang babaye'i naninikit Sa binatang
makikisig.
Ako ay may nalalaman Na m~ga dalagang momay, Na sa boong isang araw, Yao't dito sa
lansan~gan.
SILANG DALAWA
Martina: Bruno:
Kahit ano ang isulit Kahit ano ang isulit Ako'y hindi makikinig, Ako'y hindi makikinig,

Sa batang walang batid, Sa babaeng walang batid Ang mabuti ay pagtikis. Nararapat ay
pagtikis.
SALITAAN.
Mar.--(Tatawa) ¡Ha....Ha....Ha....!! Kawawa naman itong si Bruno.
Bru:--(Natutuwa.) ¡¡Ay,.... salamat, Martina ko at, sa akin dinaingdaing, ay nakuha mo
din ang maawa.
Mar:--(Galit) ¿Ha? ¿Baka naloloko ka na! Sino ang nagsabi sa iyong ako'y....?
Bru:--Sino daw, hindi ba't, kasasabi mo pa lamang n~gayon?
Mar:--Hooy, maglubay ka n~ga n~g pagsasalita n~g ganiyang m~ga kamangman~gan.
(Sasabihin ito n~g padabog)
Bru:--At, hindi ba sinabi mo kan~gina lamang na, naaawa ka sa akin?
Mar:--(Patuya) ¿Na-aawa pala ako sa iyo, ano ha? Mangyari n~ga ba, (Lalong patuya.) sa,
mukhang tinampalasan ka na naman n~g ating pan~ginoon.
Bru:--Aba, Martina, naloloka ka na ba? ¿Bakit ako tatampalasanin n~g ating pan~ginoon?
¿Hayop ba ako na kaparis n~g iba diyan?....
Mar:--(Patuya.) At, hindi ka pala tinampalasan, ha? Sabihin mo n~ga, ¿bakit ba
namumula ang mukha mo na para kang merikanong lasengo?
Bru:--¡Ah, loka, loka ka n~ga! ¿Di mo ba, nalalaman na ang gayon ay isang malaking
saksi n~g pagmamahal niya sa akin?
Mar:--¿Ang tampalin ka ba?
Bru:--Oo, dahil na iyan ang tinatawag ng m~ga kastila na tunay na kariño. Ikaw ba, ay
tinampal na o hinawakan man lamang ang mukha mo n~g ating pan~ginon?
Mar:--(Galit) Hindi n~ga, ¿bakit?
Bru:--Nakita mo na, di hindi ka niya minamahal, ni kinakariño?
Mar:--(Yamot.) Kuñg hindi, ay hindi. Kariño pala ang tawag mo sa papamulahing parang
saga ang mukha mo. ¿Bakit ba naman, namimiskotso ang iyong m~ga labi?
Bru:--Mangyare, ako'y kaniyang pinan~gan~ga.
Mar:--¡Ah ...han~gal, ...torpe ...gago ...!! (Hihilatan n~g mata, at pagkatapos ay aalis.)

_Tagpo IV._

=Si BRUNO lamang.=
Bru:--¿Han~gal? ¿Torpe? ¿Gago? ¿Gago ako nitong kay tuwid kong magsalita? ¡Ah....
hindi, ako'y wala ni alin man sa m~ga ipinaratang sa akin ni Martina. Naiingit lamang
siya sa aking pamumuhay.
Voz 1.a:--(Buhat sa loob) ¿Are you going to the Cinema to night?
Voz 2.a:--Yes.
Voz 1.a:--¿Is it true, dear Angeling?
Voz 2.a:--Yes.
Voz 1.a:--I shall await you there.
Voz 2.a:--Yes. Don't speak to loud; we might be heard.
Voz 1.a:--At the same place?
Voz 2.a:--Yes. Go away now, Papa might see you. (Pagkatapos ay makariringig ng
animo'y naghahalikan.)
Bru:--Nakú, nandagit na naman ang lawin....! Diablo!...Dimonyo! Heto ang nagiging tubo
n~g magulang na bayaan matuto ang anak n~g "yes". Buhay na buhay siyang
napaglalakuan....¡¡Kuuuu!! Magtiwala ka n~ga naman sa anak na babae. Panibulos na
panibulos ang aking pan~ginoon na hindi pa natatalos ng kanyang anak ang gawang
umibig....¡Ha....Ha....Ha....!! eh ito pala'y papauwí na. At, ang na iibigan pa naman, ay isa
diyan sa mga binata na, palaging walang sumbalilo kung magpasyal sa lansan~gan, tatlo
o apat na lupí ang laylayan n~g pantalon at kung mag mericana'y yaong palaging may
bigkis sa likod....!! ¡Maniwala, maniwala ka n~ga naman sa babae....Hesus!....(Aalis at
papasok sa kaliwa.)
Lalabas si ANGELING.

_Tagpo V._
=Si ANGELING lamang=
TUGTUGIN
Ang:--Tulad sa simoy n~g han~gin sa gabing batbat n~g bituwin, katamisan ng pag-giliw,
ni Luisitong aking aliw.
Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa
tuwi na.

* * * * *
¡Oh, ligaya n~g mabuhay, ¡Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tan~ging ikaw.... Ang
lunas ko, kaylan pa man!
Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalun~gin sa bisig mong
ginigiliw....
* * * * *
Kung ang buhay ay pan~garap ay nasa ko ang man~garap. Sa bisig ng aking liyag na
panin~gi'y minamalas...!

SALITAAN.
Oo n~ga, wala nang buhay na gaya ng akin; punong punó sa ligaya, busog sa kasayahan.
Sa m~ga magulang ko ay wala akong na pita na hindi ipinagkaloob sa akin sa lalong
madaling panahon. ¡Ah ...! ¡Anong sarap n~g buhay na gaya nitong aking taglay....
Lalabas si BALTAZARA.

_Tagpo VI._
=Si ANGELING at si BALTAZARA.=
Bal:--(Buhat sa loob) ¡Angeling, Angeling ...!
Ang:--¡Pooooo ...!
Bal:--(Parang may hinahanap) ¿Hindi mo ba nakikita ang aking pustisong buhok?
Ka~ggi-kan~gina ko lamang hinusay, eh, nawaglit na n~gayon. At napakiramay pa
mandin ang aking postisong n~gipin na kalilinis ko din.
Ang:--Hindi ko po nakikita, nanay.
Bal:--¿Saan kaya napasaksak? Hale n~ga, hija, tulun~gan mo n~ga ako sa paghanap.
Ang:--Opo, nanay. (Kunwa'y hahanap n~g sumandali at pagkatapos ay babalikan ang
kaniyang Ina,) nanay, mamaya ay magpapasyal ako, ho? (Palambing na sasabihen)
Bal:--¿Na naman? ¿Saan ka na naman paroroon?
Ang:--Sa Cine, po. ¿Papasok akó, ha nanay?
Bal:--¿Cine na naman? ¿Hindi ba't, kagabi lamang ay nasok ka na?

Ang:--Siyan~ga, nanay. (Lalong palambing)
Bal:--Gayon pala, ¿bakit ibig mo na namang pumasok mamaya?
Ang:--(Tatawa ng palihim) Aba, si nanay naman! Hindi ba ninyo nalalaman na n~gayon
ay Huwebes?
Bal:--¿Eh, ano kung Huwebes?
Ang:--Eh,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.