conoua,?na padalhan siya nang ibinalita?na bun~ga,i, bulac-lac na man~ga sariua.
Ang sabing birong uala sa loob niya?at pagpalibhasa lamang na talaga,?ang pagmamartir ni Santa Dorotea?na tinangap naman ay nang matapos na.
Niyong oras din n~gang sinasaysay naman?ni Teopilo, sa ilang caibigan,?ang biling bulac-lac at bun~gang halaman?na ipinan~gacong siya,i, padadalhan.
Ay nagtatauanan silang para-para?ualang ano ano,i, nacakita sila,?niyong isang batang lalaking maganda?sa cay Teopilo,i, lumapit pagdaca.
Siya ay binigyan nang tatlong manzanas?na sa isang san~ga nabibiting lahat,?saca tatlo naman nang sariuang rosas?na cahan~ga-han~ga sa mat��ng mamalas.
Tuloy na sinabi naman sa caniya?yaon n~ga ang bilin niyang ipadala,?sa minartir na si Santa Dorotea?at biglang nauala naman capagdaca.
Nagtac�� si Teopilong hindi hamac?yayamang caniyang napagtalastas?na sa man~ga araw na yao,i, di dapat?na mamun~ga yaong halamang manzanas.
At ang man~ga rosa,i, di capanahunang?magsipamulac-lac ayon sa dahilan,?na noo,i, panahong laking calamigan?caya lubos siyang nagulumihanan.
Pinagcalooban din siya nang Dios?nang bisa nang gracia na icatatalos,?na Dios n~gang tunay si Cristong sumacop?sa salang minana nitong Sansinucob.
Ipinagsigauan na n~ga ni Teopilo?na siya,i, totoong tunay na cristiano,?humarap sa Hucom at sinabi dito?hangang sa minartir siyang naguing Santo.
Caya at siya rin nama,i, nacasama?nang Martir na si Santa Dorotea,?at kinamtan ang lualhating gloria?na bayan nang madlang tua at guinhaua.
=STA. CATALINA MARTIR=
Si Santa Catalina Martir ay An��c?nang mahal na tauo sa nasabing Ciudad,?sa Alejandr��a ay siya,i, namulat?sa man~ga Idolo nang pagsambang ganap.
N~guni at pinaturuan naman siya?na magaling nang caniyang Am��,t, In��,?madaling natuto niyong iba,t, ibang?man~ga carunun~ga,t, lubhang na bihasa.
Linoob nang Dios siyang liuanagan?nang gracia niyang camahal-mahalan?nakilala niya ang catotohanan?na si Jesucristo ay Dios na tunay.
At ualang aral na matuid na puspos?cundi ang lahat nang man~ga sinusunod,?nang man~ga cristiano caya,t, tumalicod?sa Idolo,t, siya,i, nagbinyagang lubos.
Nang macaraan nang man~ga ilang araw?sa pagtulog niya,i, napakita naman,?yaong Pan~ginoong Jesucristong mahal?at V��rgen Mar��ang cabanal-banalan.
Casama ang madlang maraming Angeles?na sinootan siya ang napanaguinip,?nang isang singsing at n~ginalanang tikis?na Esposa niyong Pan~ginoong ibig.
At nakita niya nang siya,i, maguising?sa isang daliri ang nasabing singsing,?magmula na noo,i, nag-alab na tambing?sa caniyang pusong pag-ibig na angkin.
Sa Dios, at di na sa bibig naualay?ang Jes��s na n~galang catamistamisan,?at uala n~ga cundi si Jes��s na lamang?sa hinin~ga niyang pinagbubuntuhan.
Caniyang pinag-nanasa ang malabis?na makita niya ang Dios sa lan~git,?at yaon ang siyang ikinasasabic?na muntima,i, hindi maualay sa isip.
Mana,i, nagpatauag nang panahong ito?ang Emperador na si Maximiano,?na balang binyagang cahiman at sino?talicdan ang Dios nang man~ga cristiano.
Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay?ay magsihanda na,t, sila,i, mamamat��y,?sumunod sa utos niyong napakingan?si Catalina n~gang babayeng maran~gal.
Caya,t, ang guinaua ay cusang humarap?sa Emperador at ang ipinahayag,?ay binyagan siya na cusang tatangap?niyong camatayan sa Ley ay atas.
Ang Emperador ay cusang natiguilan?pagca,t, tila manding na��lang-alang,?ang malabis niyang man~ga calupitan?doon sa dalagang puspos carunun~gan.
Bakit kilala nang ang babayeng ito?ay tunay na An��c nang mahal na tauo,?ang taglay na gulang ay lalabing-ualong?ta��n nang humarap cay Maximiano.
Sa Emperador na inacala naman?na madaling yaon ay mauupatan,?at dahilan doon sa caniyang taglay?na cabataan pa,i, marupoc ang lagay.
Ipinasund�� n~ga ni Maximiano?lalong marurunong niyang fil��sofo,?niyong tanang man~ga Idolatrang tauo?siyang laang magsisihicayat ito.
Sa cay Catalina na babayeng Virgen?na sa Idolo ay ibig pasambahin,?limang pu pagdaca doon ang dumating?pinacamarunong nan~gusap na tambing.
Guinamit ang lahat nang man~ga paraan?sa cay Catalina upang mahiboan,?sa Demonio pa silang tinulun~gan?n~guni,t, sila,i, ualang nagauang anoman.
At kinasihan nang Esp��ritu Santo?ang abang babaye cung caya natuto,?nang man~ga panagot caya n~ga,t, nagtamo?siya, sa calaban niyong pananalo.
Nagpilitang nan~gagsikilala tuloy?yaong fil��sofong limangpung marunong?sa cay Jesucristo na Dios na Poon?at nan~gagsisamba silang mahinahon.
Minagaling nilang man~ga catuiran?at ang marir��kit na man~ga pan~garal,?n~g caharap nilang dalagang timtiman?na hindi nan~gambang naghain n~g buhay.
Sa malaking galit niyong Emperador?ay pinasungaban yaong marurunong,?na fil��sofos at iniutos tuloy?na silang lahat ay sunuguin sa apoy.
Caya't silang lahat nama'y para-parang?sinac-lolonan nang mahal na gracia,?sa gayong pasakit ay namatay sila?alang-alang sa cay Jesucristo bag��.
Si Catalina,i, ipinahampas naman?at di pinacaing labing isang araw,?at di pinainom n~ga sa bilanguan?hinihimutoc niya sa madlang paraan.
Hindi naman pinahalagahang lubos?ang tanang pan~gaco na idinudulot,?sa caniyang lahat na pakitang loob?cahit camunti man ay di nalamuyot.
Emperatriz tuloy ay pinapugutan?na asaua niyong mabunying General,?na si Porfirio dahil sa pagdalaw?sa cay Catalinang na sa bilanguan.
At silang lahat ay nanampalataya?sa Dios, at tuloy nan~gagbinyagan pa,?saca iniutos niyong palamarang?gulun~gan n~g bat�� ang dakilang Santa.
Na may nacapacong maraming patalim?sa boong paliguid caya't nanalan~gin,?sa Dios, si Santa Catalinang Virgen?sa hirap na yaon na dadalitain.
Caya n~ga nasira,t, sumabog pagdaca?ang gulong, at madlang sumampalataya,?sa cay Jesucristo n~guni at lalo pang?tumigas ang loob sa pagpaparusa.
Nang tacsil na Emperador Maximiano?ag��d iniutos na putlan n~g ulo,?itong V��rgeng M��rtir at nanaw sa Mundo?yaong calulua,t, Lan~git ay tinamo.
Catauan n~g Santa,i, sa Dios inibig?na buhatin naman n~g man~ga Angeles,?sa taluctoc niyong bundoc inihatid?n~g Sinay, at doon nalibing na tikis.
=SANTA POTAMIANA=
Ang V��rgen at Martir at hirang na Santa?na alilang tan~gi na si Potamiana,?puspos cahinhina,t, dalagang maganda?na nacalulugod sa titig n~g mat��.
Na di nahicayat camunti man lamang?niyong pan~ginoon sa pitang mahalay,?ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban?ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.
Pagca,t, ang ginaua niyong pan~gino��ng?malibog, sa bagay na hindi pag-ayon,?ay dumulog n~ga siya sa Gobernador?sa Alejandr��a ay ipinagsumbong.
Ang di miminsang caniyang pagcahiya?doon sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.