Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona | Page 8

Cleto R. Ignacio
na Santang maran~gal.
Ang Santo Papa Benidicto Tercero?ipinag-utos na ipagdiuang dito,?n~g Santa Iglesia nitong boong Mundo?sa kinabucasan nang pagpanaw nito.
Iniin~gatan n~ga n~g puspos na galang?ang di nabubuloc na caniyang catauan?sa kinalalagyang mahal na Simbahan,?niyong man~ga Pareng Franciscanong tanan.
Tauag nang Simbahan ay binago nila?na cay S. Basilio ang n~galan nang una,?n~gayo,i, inihayag ang Simbahan bag��ng?sa babayeng bunying Santa Margarita.
Ito n~ga ang siyang dinaanang buhay?nang babayeng hayag na macasalanan,?na iniuan yaong man~ga casamaan?at hinarap yaong man~ga cabanalan.
Gaya nang palaguing caniyang uicain?na inuugali tuing dumaraing,?sa cay Jesucristong Pan~ginoon natin?nang pagpapakitang loob na magaling.
Pan~ginoon aniya,t, Ama cong mahal?bakit ipinayag mo po caya naman,?sa isang gaya co na macasalanan?ang cahan~gahan~ga na cababalaghan.
At iba pang bagay na calooban mo?naririn~gig naman ang sagot na ito,?niyong Pan~ginoong nating Jesucristo?cahalimbaua icaw nang lambat co.
Na ipanghuhuli nang macasalanan?na nan~gahihilig sa man~ga casam��n,?na lumilipana sa Mundong ibabaw?at nan~gag-uaualang bahala sa buhay.
Huag cang manimdim at lubhang marami?ang macasalanan na nan~gag-sisisi,?nag-pepenitencia cung madilidili?ito,i, calooban cong biyayang malaki.
Di dapat na ipag-caloob sa iyo?cundan~gan siya cong sinusunod dito,?yaong mataimtim na pag-sisisi mo?lahat namang ito ay naguing totoo.
Na ibinibigcas sa bibig na mahal?ni Jes��s na Poong sumacop sa tanan,?na nagcacaloob nang lahat nang bagay,?sa ating ovejang canyang kinapal.
At ito n~gang lubhang marikit na lambat?na siyang sa atin ay humuling cagyat,?sa dalampasiga,i, hangang sa masadsad?nang isang magandang pag-sisising uagas.
Sa dakilang pag-babalic loob natin?nang tayo,i, caniyang papaguing dapatin,?magtamong graciang ualang pagmamaliw?gaya nang caloob sa Santang butihin.
Niyong Am��ng Dios na ualang capantay?na lubos ang aua sa tanang kinapal,?at si Margarita ang ating tularan?tan~gisang ang ating sala,t, pag-sisihan.
Ipagmaca-aua natin at iluhog?nang buong capacumbabaan cay Jes��s,?sa pamamag-itan tayo ay sumunod?sa cay Margarita na magbalic loob.
?Oh malualhating Santa Margarita?na sa penitenteng naguing huarang ca,?sa macasalana,i, ulirang talaga,t,?ca��liuang lagui sa tuitui na.
Liniuanagan n~g tunay niyang ilaw?ipinagpighati mo pa,t, tinan~gisan,?ang lahat n~g iyong man~ga casalanan?na naguing dapat cang pinagpakitaan.
Ni Jes��s na Am�� at ipinahayag?di mamacailan na ipinatauad?ang man~ga sala mong lubhang mabibigat?n~g boong, capacumbabaang di hamac.
At sa madalas mong pag-pepenitencia,i,?laguing dinadalaw na inaaliw ca,?n~g Esposong lubhang maauaing Am��?sa iyo,i, ipinagcatiualang sadya.
Yaong matataas na lihim n~g Lan~git?at minarapat cang lambat na guinamit?humulili n~g calulua at naghatid?niyong pagsisisi at panunumbalic.
Nangloob, na hilig sa pagcacasala?caya n~ga bunying malualhating Santa,?na tan~ging cay Jes��s na iniibig ca,t,?calacasang lubos n~g man~ga sa sala.
Tanang penitente icaw ang uliran?caya lumuluhod sa iyong paanan,?nagmamacaaua na ipamagitan?sa Dios, at upang gracia,i, aming camtan.
Nang makilala co,t, tan~gisang palagui?ang casalanang co,t, nan~gagauang saui,?at macatindig din sa pagcalugami?sa daya n~g Mundo at pagcacamali.
Madin~gig co yaong iyong napakingan?n~g lubos na igauad ang capatauaran,?sa lahat n~g aking gauang catacsila,t,?aco,i, magcaroon n~g capayapaan.
Ang nagpipighati na calulua co?ipagmacaamo n~gayong iluhog mo,?sa iyong caibig-ibig na Esposo,t,?sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.
Paglampasan niyong totoong palaso?at boong pag-ibig niyaring aking puso,?at huag manaig ang anomang anyo?cundi ang sa iyo,i, lubos na pagsuyo.
At yayamang n~gayon ay napapahamac?yaring cahinaa,i, upang magcapalad?na mag-penitencia,t, sa iyo,i, tumulad?magsisi,t, ang Lan~git n~g aming matuclas.
Di cung magcagayon ay macaaasa?caming maliligtas sa bilis n~g dusa,?cung cami,i, matuto na man~gagsigaya?sa guinaua niyong Santa Margarita.
=BUHAY NANG MARTIRES=
Ang lalong mabuti sanang uliranin?n~g m~ga dalaga ay ang limang Martir,?na minatamis pang buhay ay nakitil?main~gatan lamang yaong pagca V��rgen.
Sasalaysaying co n~gayong isa isa?ang pinagdaanang man~ga buhay nila,?n~guni at ang aking sasaysaying una,i,?ang pag-mamartir ni Santa Dorotea.
Bantog sa Ciudad yaong cagandahan?niyong Cesarea, at sa cabaitan,?cagandahang yaon ang naguing dahilan?n~g calunos-lunos niyang camatayan.
Manang isang araw ay tinauag ito?nang Hucom na nagn~ganlang si Apricio,?at hinicayat siyang di mamagcano?na siya,i, sumamba sa man~ga Idolo.
Pagca,t, ang uica niya,i, isang caululan?ang gauang pag-samba n~g man~ga binyagan,?doon n~ga sa isang tauong hamac lamang?na nag-caroon nang laking casalanan.
Caya n~ga at ipinaco siya sa Cruz?na pinarusahan nang man~ga Judios,?cay Santa Dorotea n~gang isinagot?ay si Jesucristo ang totoong Dios.
Sa Lupa at Lan~git siya,i, Haring tambing?na dapat igalang natin at sambahin,?cung caya ang dusa ay dahil sa atin?nang tayo,i, matubos sa pagca-alipin.
Ang sa cay Apriciong guinaua pagdaca?tinauag si Crista,t, saca si Calista,?man~ga babayeng tumalicod sila?sa totoong Dios nang sampalataya.
Na cay Doroteang capua capatid?at inihabiling himuking mapilit,?ang naturang Virgen at upang ma��kit?na siya,i, sumamba sa man~ga Dioses.
Datapua,t, tunay na nasayang lamang?yaong capagalan nang dalauang hunghang,?sa pagca at sila,i, siya pang na��cay?sa pag-sisisi at pagbabagong buhay.
Caya,t, ang guinaua nang lubhang malupit?na Hucom ay pinahubaran nang damit,?si Santa Dorotea sa laking galit?at ipinag-utos nang labis at higpit.
Na dictan ang caniyang boong catauan?niyong linapad na man~ga tanso,t, bacal,?na man~ga binaga,t, upang mahirapan?at cung matapos na ay saca pugutan.
Yaong Martir namang si S. Teopilo?dating ca��uay nang man~ga cristiano,?doon sa Hucoman ay palagui ito?sa dahilang siya,i, isang Abogado.
Pagca,t, lubos niyang kinatutuaan?cung may isusumbong na pagbibintan~gan,?na cahima,t, sinong man~ga bininyagan?at inaari niya na isang aliuan.
Caya,t, ang sinabi na narin~gig niya?sa Hucom, niyong si Santa Dorotea,?na di nauaualan cailan man bag��?nang man~ga sariuang bulac-lac at bunga.
Sa halamanan nang caniyang Esposo?sa lualhating bayang Paraizo,?ang nasoc sa isip n~ga ni Teopilo?ay sa paglacad ay salubun~gin nito.
Ang V��rgeng mapalad na si Dorotea?caya n~ga noong ilinalacad na,?sa pag-pupuguta,i, ihahatid siya?sinalubong naman na caracaraca.
Inaglahi na niyang lubos na tinuy��?at pinag-bilinan pa niya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 16
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.