kung hindi n~ga sana, ang nálalarawan, dini sa puso ko'y larawan mo Tetay.
Iyong pag-isipin: ikáw ay magandá, sa iyo'y di bagay ang maghirap ka pa; n~guni't kung tanggapín ang aking pagsintá ay masusunód mo ang lahát n~g pita.
Ikáw magíng akin, at bukas na bukas, may bahay kang bató't sarisaring hiyas, may sasakyán ka pa't hindi maglalakád, at salaping labis sa gugol mong lahát.
Mádin~gíg ang gayón n~g ating dalaga'y nagtindíg sa upo, ang mukha'y namulá, at biglang naparam sa noong magandá iyong kaamuang laging dinádalá.
--Di ko akalain--ang wikang matigás-- na ikáw'y mámali sa iyong pangmalas; akala mo yata'y sapagka't mahirap ay nárarapa na sa ningníng n~g pilak?
Akó'y marálita, at kung di gamitin ang munti kong lakás ay hindi kakain, datapwa'y libo mang hirap ang danasin, ang handóg mong sintá'y hindi maaamin.
Di ko kailan~gan ang magandáng hiyas, ni ang titiraháng bahay na mataás ... ang buntón n~g yama'y pisanin mang lahát ... walang kabuluhán sa aking paglin~gap.
?Ang kataasan ba nitóng batóng bahay ay tataas kaya sa pulang kakamtán? ?at ang m~ga ningníng n~g hiyas at yama'y makatakíp kaya sa puring hahapay?
Kung ang karan~gala'y hindi mo kilalá't ang pilak, sa iyo, siyang mahalagá; unawain mo pong sa aking pangtaya'y sa salapi't hiyas ang puri ay una.
Sapagka't ang tao, kahit na mayaman, kapag walang puri'y walang kabuluhán, ?aanhín ang hiyas, ang pilak, ang bahay kung akó'y yagít na't yúyurakyurakan?
Mahan~ga'y ganitóng dukha't nasasalát, may kapuwa tao, kahit m~ga hamak, at hindi pasasang baluti n~g hiyas at wala n~g linis ang dan~gál na hawak.
--Mataas mag-wika-- --Talagáng mataas kapag dinudusta ang isang mahirap na may pagmamahál sa puring inin~gat; nariyan ang tahi, antáy ko ang bayad.
--?Ang bayad? kung ikáw sa aki'y iibig hindi lamang tumbás ang ipakakamít, datapwa kung hindi, ay ipagkakaít ang sampu n~g upa sa m~ga náhatíd.
Mádin~gíg ang gayón n~g ating dalaga ay halos nanglumó, ang puso, sa dusa, sapagka't sumagi sa kanyáng alala na hindi kakain ang salantang iná.
Kaya't namalisbís sa matá ang luha, at sumabudhi na ang magmakaawa, n~guni,t ang kausap na ma'y maling nasa ay hindi dumin~gig sa anó mang wika.
Subali't nag-ulól sa pakikiusap na siya'y lin~gapin sa haing pagliyag, at sinamahan pa ang balang marahás n~g kapan~gahasang gahasai't sukat.
Dapwa'y nang dulugín, sa kinátayuán, ang ating dalagang nag-íisá lamang, itó'y ay lumayo't ang lilong mayaman ay pinapagkamít n~g mariíng tampál.
--Iyan ang marapat sa isáng kuhila na di gumagalang sa bawa't mahina upang matuto kang huwag gumahasa sa hindi pumayag sa buhóng mong nasa.
Nang masabi iyon ay biglang iniwan ang nahilóhilóng taksíl na mayaman, saka nang sumapit sa pinto n~g daan ay muling linin~gón ang pinangalin~gan.
--Walang budhi--anyá--Taong walang damdám! Ikaw, kung tawagi'y: mayaman! maran~gal! n~guni't walang kayang gipití't tamban~gán kung hindi ang dukhang walang kakayahán.
Iwan natin siya sa kanyáng pag-uwi na ang nagíng bao'y isáng dalamhati, at ang unawain ay ang m~ga sawi na anák paggawa na namimighati.
XII.
ANG M~GA MANGGAGAWA.
Isáng lingóng singkád na pigta sa pawis at kinakabaka ang madlang pan~ganib, kahit nanglalata ang n~galáy na bisig ay di makahinto, at nagsusumakit na ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.
Pagka't alaala ang giliw na anák, ang sintáng asawa, ang ináng naghirap ó kaya'y ang madlang kandiling kaanak na walang timbulan kung di iyóng hanap na sa pagkain lang ay di pa sasapát.
Di namán mangyari, sa dukhang may dan~gál, ang gawang mang-umít sa pinápasukan, kay n~ga't ang tan~ging pinanánan~gana'y yaong pinan~ganláng bayad kapagalan na di halos upa kundi limos lamang.
Sapagka't ang bagay na pan~ganláng bayad, ay yaóng katimbáng n~g puhunang hirap, datapwa'y ang labí n~g sakím na pilak na hindi marunong humati n~g sapát, ay di nababagay sa upang pag tawag.
Iyán ang matimping kampón ni Minerva, iyán ang may tagláy n~g igiginhawa nitong Sangsinukob; silá, silang silá ang nagpapayaman, n~guni't alimura nang m~ga puhunang may gútom buwaya.
Silá ang kaulóng n~g Nan~gan~gasiwa n~g itó'y abutin n~g ating si Teta, silá ang katun~gong nagmamakaawa na huwag nang gawín iyong pagbababa sa dating upahá't kabayaráng takda.
Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás, (labis pa sa bagsík n~g sadyang may pilak) ay inalimura iyong mahihirap, at saka matapos pan~galán n~g tamád ay di ibinigáy ang ukol na bayad.
--Kayó'y m~ga hungháng, m~ga waláng isip, ibig pang lumampás sa puhunang kabig; kung ayaw tumangáp n~g upa kong nais, kayó ang bahala; n~gayón di'y umalís at baka abutin ang akó'y magalit.
At biglang iniwan ang m~ga kausap, matapos masambít ang ilán pang sumbát, (na ating natalós sa dakong itaas); doon na nangyaring si Teta'y hinaráp na ang katapusá'y tampál na malakás.
Siya ay iniwan na hilóhiló pa niyong namumuhing mahinhíng dalaga, dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'y nag-alab ang poot at ang pinagmurá'y ang m~ga upaháng kapulong na una.
At saka nagbihis n~g lubhang madali, sinunda't hinabol iyong mananahi, hindi na ininó ang pamimighati n~g m~ga upaháng nan~gaglulungatíng ibigáy ang upang ukol sa nayari.
?Iláng m~ga lunó't matandang magulang, iláng m~ga anák at asawang hirang ang hindi kakain sa gayóng inasal niyong walang lin~gap!? Kaya 't pinasukan din
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.