na kalangkap; gamogamo'y hamak lamang, pag ang ilaw'y walang ningas, datapwa't kung may sindi na'y bayani ring matatawag.
May halamang gabigabi'y tikom nga ang mga dahon. parang taong natutulog na nahapo sa maghapon; n~guni't tao't halaman ma'y nagigising, nagbabangon. pag ang araw'y may sikat nang sa lahat na ay pagukol.
Katiyap n~g panghuling alin~gawn~gaw n~g tulang itong bininigkas sa sarili ay naulinigan n~g mestisa ang ilang sunodsunod na yabag n~g m~ga paang mandi'y pumapanhik sa hagdan. Siya noo'y nabubun~gad sa pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit n~g tin~gi'y hindi mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. At nakilala n~ga: ang makatang hinihintay na darating.
--?Ah!...
--?Oh!...
Sa pagsasagupa n~g kanilang m~ga mata, dalaw at dadalawi'y kapwa napatdahan n~g dila't tila nan~gapatulos sa kanikanyang kinatatayuan....
Inibig ni Elsa na tumakbong magtago o magtun~go sa may sisidlan n~g damit, datapwa't ang kanyang m~ga paa'y hindi naian~gat sa pagkakayapak sa ibabaw n~g tabla.
Si Tirso nama'y nagtangkang manaog na walang paalam upang makaiwas sa gayong napakatuksong pagkakataon. Subali't walang anoano'y tinanggap n~g kanyang m~ga tayn~ga ang ganitong malambing na tawag n~g birheng iyon na wari'y naghihimala sa harap niya:
--?Magtuloy ka, Tirso!
At ang lalaki'y napalin~gon sa kabila. At ang babae, sa gayong pagkakimi, ay madaling nakahalata. Kaya't sa nakakikiliting kilos ay itinanong n~g boong lamyos:
--?May hinihintay ka bang kasama?
At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling inilantad ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, n~guni't noon di'y waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't ang m~ga ito ay mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing:
--?At ikaw ba ay napuwing?
At ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya n~g di mailarawang m~ga tibukin.
Sinaksihan n~g m~ga namamalikmatang balintataw ni Tirso ang banaybanay na pagan~gat at pagdipa n~g dalawang bisig ni Elsa, na, nang m~ga unang sandali'y nagmistulang lawin na dadagit n~g sisiw, datapwa't kaginsaginsa ay nagsalan~gaylan~gayang mandi'y lumalan~goy sa gitna n~g alapaap.
--Nagiisa ka yata ...--pautal halos na namitiw sa m~ga labi n~g lalaki, pagkalipas n~g saglit na walang imikan.
--?At kung nagiisa man?--isinambot n~g mestisang sinundan n~g isang hakbang na papalapit sa kausap.--?Nahahalayan ka bang makiharap sa akin n~g sarilihan'?--idinugtong pang punongpuno n~g lambing.
--Hindi naman, Elsa ...--tan~ging naitugong lipos n~g pagkakimi n~g makatang pinaghaharian n~g kabaklahan.
Mabilis na gaya n~g isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na nagdaan sa papawirin n~g alaala ni Tirso ang larawang mistula n~g kanyang kabiyak n~g dibdib na hindi niya matulusan kung saan naroroon.
--?Teang! ...--ang naibulong na lamang sa sarili.
Datapwa, ang paglalatang n~g budhi n~g mestisa ay patuloy na walang untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa kanyang maaaring lakumin.
--Halika sa loob, Tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong ayos,--anya.--Masok ka, at may m~ga kalugodlugod na balita akong iuulat sa iyo.
Pagkarinig sa gayong binigkas n~g dalaga, isang pagkahalinang hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman n~g makata sa kaibuturan n~g kanyang sumisikdong puso. Kaya't pigil halos ang paghin~gang sumunod sa nais n~g magandang si Elsa.
Dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'y tinatanuran n~g isang nakapatun~gong salamin ang napili nilang pagtigisahan. At pagkahilig sa tinurang likmuan ay si Elsa ang unang nagbukas n~g pananalita.
--?Pinapagtataka mo akong lubha sa m~ga kilos na iyong ipinamamalas sa akin!--ang wika.--Natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa m~ga tulain. Datapwa, sa di iilang pangyayari'y napagkilala kong ikaw ay isa pa pala riyan sa m~ga kawal n~g pagpapakunwari ... Gayon man, ay pakikibagayan din kita....
--?Elsa!
--?Na ikinahihiya mo ang ganito kong ayos na iyong nataunan sa iyong pagdating? Magdadamit ako, kung gayon.
Pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinun~go ang magarang aparador at nuha n~g isang marin~gal na kasuutan, yaong kakulay n~g apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso ... Pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan n~g lalaki. ?Oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa m~ga balintataw n~g makata!
--?Di ba tayo pasasa Pandakan?--ang mayamaya'y naitanong ni Tirso, nang mamasdan niyang si Elsa'y parang naghihintay sa kanya n~g anomang sasabihin.
--Oo n~ga,--isinagot n~g mestisa,--n~guni't mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa Escolta at makapanood sandali n~g sayawan sa Plaza Moraga.
--Kung gayon, ay tayo na.
--Bago tayo lumakad ay ibig ko munang man~gako ka: ?hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya n~g iyong ginawa noong tayo'y nakaautong magtun~go sa Luneta?
Hindi naikubli ni Tirso ang isang n~giting may lihim na kahulugan, bago nakapakli.
--Ibig kong ibalita sa iyo, Elsa,--anya,--na sa m~ga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan n~g "Club Filipino", at gaya n~g pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. Gayon ma'y wala ako sa sayawang iyon at n~gayo'y nasa piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa Pandakan. Sa pangyayaring ito, ay dapat nang mahulaan mo na kahi't abutin tayo roon n~g umaga, ay nalalaan akong hindi magsasawa ni lalayo sa iyong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.