sa pagsasalo nati'y saka ko ibabalita sa iyo ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas hangga't may panahon.
Pagkakai'y magpapasyal pa tayo sa Escolta, at manonood sandali ng sayawan sa Plaza Moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa Pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid.
Kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa sa mga ninanasa nitong "kapatid" mong walang itinatangi sa ubod ng kanyang puso kundi isa....
Naghihintay,
ELSA.
Habol--Tanggapin mo sa maydala nito ang isang "maralitang handog" ...--AKO RIN.
Isang kibit lamang n~g balikat ang ginawa ni Tirso pagkatalos sa laman n~g sulat, saka pan~giting nasabi ang ganitong m~ga kataga:
--?May katuwiran na n~ga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?...
XVI
"?KAY GANDA MO, ELSA!"
Kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan n~g bawa't bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad n~g katan~gitan~ging buhay ni Elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa't gawi, kilos at pan~gu~gusap n~g matalinong mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa m~ga sadya niyang layon at lihim na han~garin. Kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya n~g gayon na lamang ang balitang galing sa "malaking kababalaghang ipinaghimala n~g martir na si pari Casio sa bahay ni donya Basilia", ay kaagad matatanggap na isa m~ga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay Tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa Pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok n~g pumipintong Bagong Taon.
Minarapat n~ga n~g mestisa na ang makatang sa palagay niya'y nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa Pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya n~g pagkakataon na mailipat sa kabatiran n~g tinukoy na makata ang balitang kanyang natanggap tungkol sa nangyari sa San Lazaro.
At, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. Para na niyang natatanaw, kahi't malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas n~g kanyang m~ga gagawin.
--Inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni Tirso ang aking sulat,--ang naibulong sa sarili sa gitna n~g kanyang pagmumuni.--Kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'y talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol....
Nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang pagsasalo, ang kapatid niya't hipag ay hindi daratnan ni Tirso sa bahay, sapagka't ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa n~g araw na iyo'y magpapauna na sa Pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging. Kung si Elsa ay maiiwan, ay sapagka't gayon ang kanyang pinakikunang hilin~gin sa kapatid at hipag, at di umano'y ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon n~g ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. At ang gayo'y kanyang binalangkas, upang madulutan n~ga n~g kasiyahan ang m~ga mithi n~g kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya n~g kaligayaha't tamis n~g buhay.
Hangga't hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso't kalooban n~g makatang kinahihiban~gang labis n~g kanyang boong pagkababae, at hangga't nagugunita niyang may isang "mulalang taga lalawigan", na kinabubulagan n~g m~ga panin~gi't "tila" nagkakapan~galan sa pitak n~g dibdib n~g nabanggit na makata, sa pakiramdam n~g mestisa ay palusong na yata sa libin~gan ang tun~go n~g kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw n~g ligaya sa pakikihalubilo sa daigdigang ito. At yamang nalalaman niyang gayon, ay kautan~gan na naman niya ang gumawa n~g tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan.
"...At ang tao ay nalikha na may isip na kasama" ang narinig niya sa isang tula ni Tirso. At ang isip na iya'y nakay Elsa: kinakailan~gang gamitin niya sa lahat n~g bagay at sa lahat n~g pagkakataon. Nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan n~g walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si Tirso; nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha n~g tanang kaparaanang kailan~gan upang masunduan ang ikapagtatagumpay n~g pagibig na iyan. Ang tunay na katamisang idinudulot n~g pagibig ay di maaaring sayurin n~g kahi't sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa makipot na galawang gawa n~g pagpapakunwari, n~g pagbabalobalo at n~g kung sabihi'y pakikibagay sa lakad n~g kaugalian. Ang hinhin, yumi, kahihiyaan ... ?ano ang m~ga katagang ito kundi m~ga patibong lamang na nililikha n~g Kapisanan upang mapagkasanhian n~g pagkaduhagi n~g m~ga kaloobang madaling malamuyot at n~g m~ga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat n~g buhay? Ang tunay na tamis n~g buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa m~ga dalisay na itinitibok n~g damdamin. Namamali iyang m~ga nagpapalagay na kabanalan n~g isang babae ang tuwina'y kikimikimi, hindi makapagpahayag n~g kanyang isinasaloob, ilas na parati sa bahagyang silay n~g mata n~g kapwa ... Ang nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang anomang baga'y at gawang nan~gan~gahulugan n~g pagkakasala. N~guni't ?pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag n~g pusong dumaramdam n~g paggiliw? Ang pagkakasala, ay ang pagsuway
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.