n~g sarisaring hiyas at kayamanan n~g tulang tagalog, mayroong naghahamon n~g ahedres, domino at dama, saka mayroon pang nagaagawan sa paghanap n~g larawan ni Teang sa makapal na album na inabutang nasa ibabaw n~g sulatan--nang walang anoano'y nakarinig sila n~g m~ga kaluskus n~g isang sasakyang biglang tumigil sa tapat n~g bahay.
Ang lahat ay dumun~gaw. Datapwa't nakita nilang ang tinurang sasakya'y muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan n~g isang babaeng nagtatago n~g mukha't ayaw manding pakilala.
--?Sino iyon?--ang naging tanun~gan n~g isa't isa,--?Ah, marahil siya ang ating reyna Dorotea!
At noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa lupa.
At nang kanilang dunghali'y natunghan ang isang babaeng anyong alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo n~g m~ga bulaklak. Ang mukha n~g babaeng iyon ay dating kilala ni Tirso, kaya't oras na makita'y dagli siyang nanaog na sumalubong. Ang m~ga pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nan~gagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin n~g gayong biyayang balot n~g hiwaga.
N~guni't ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata.
--?Makatang mapalad!--ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.
At sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may lakip pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong kayarian n~g bagay na yaong likhang di sasala n~g m~ga kahan~gahan~gang kamay n~g isang tunay na alagad n~g arte.
--?Pagkagandaganda!--ang wika na namang namutawi sa bibig n~g tanan--?Singganda n~g puso n~g babaeng nagbigay!
At si Tirso, na pinaghaharian n~g ilang lihim na paghahaka, ay di makahuma.
?Talagang maganda nga't kalugodlugod ang handog na iyon! Isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, m~ga saglitsaglít na bulaklak n~g m~ga sariwa't nagbaban~guhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, rosas-de-pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas n~g m~ga halamanan sa Singgalong; na binagayan n~g man~gilann~gilang dahon n~g papwa, malba-rosa, at m~ga baging n~g kadena-de-amor; na walang tan~ging laman kundi isang kalapating singputi n~g gatas, na sa kanyang makinis na tuka'y taglay ang isang munting tarhetang may ginintuang titik.
Ang tarhetang ito'y pinagsambilatan n~g m~ga kaibigan ni Tirso, palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga n~g handog na yaon.
At sa isang daan n~g mata'y ganito ang nabasa n~g lahat:
_Sa karangalan n~g makatang kapatid n~g m~ga salamisim kay Tirso Silveira: alangalang sa kadakilaan ng Bagong Taon. Kalakip ang pusong nagtatangi ni
ELSA BALBOA 12-31-15_
Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga kaibigan ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. Mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang inaatupag.
--?Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong ikaaabot kay Silveira!--ang wika n~g pandak.
--?Tatawagin pa ba namang "mapagwaging makata," kung hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw!--ang agaw naman n~g tila higante sa taas at laki.
--?Mabuhay ang mapalad! ?Mabuhay ang mapagwagi!--ang katlo pa n~g nakasalamin.
--"?Mamatay!" at hindi "?mabuhay!" ang isisigaw ko, kapag ako'y hindi ipinakilala ni Silveira sa masintahing iyan na si Elsa Balboa, --isinabad pa rin n~g malakas tatawa.--?Ay Elsa! ... ?Ay, Balboa!...
-?Di mo ba nakikilala ang Elsang iyan?--ang halos magkatiyap na tanong sa nagsalita n~g kanyang m~ga kasamahan.--?Atrasado ka rin pala!--idinugtong pa.
--?Sino n~ga ba ang babaeng ito?
--?Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao!
--?Ah! ?Ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan n~g "Aklatang Bayan"? ?Balu ku na ketang misterio!
Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso Silveira. Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na iniaalay. ?Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip!
At si Tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay n~g taga kamanunulat niya, ay gumamit noon n~g lubos na paglilihim. At sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa mestisang kay Elsa.
Pagkapanaog n~g m~ga panauhi'y saka lamang inilabas na binasa ni Tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya n~g alila n~g kaibigang mestisa. At ganito ang natunghayan:
TIRSO:
Ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong kasaysayan? Kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na makisalo sa akin mamayang gabi,--yamang gabi rin lamang ito ng mga pagpupuyat,--at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.