n~g tanaw ang kanilang nakita.
At ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto.
--?Nakilala ba ninyong mabuti? Dr. Nicandro?--itinanong n~g nasa kanan sa kanyang kaagapay.
--Kailan ma'y hindi ako pinagdadayaan n~g m~ga mata ko, G. Martinez,--ang naging sagot n~g nasa kaliwa.
--Sa pagkatin~gin ko man ay sila rin.
--Kung gayo'y madali tayong magpihit at sila'y tultulan natin.
--Mabuti n~ga,--at sa isang tukoy sa tagapagpalakad n~g sasakya'y sinabi:--Kutsero, vuelta.
N~guni't ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi kadaglidagling nakukuha sa m~ga pabiglabiglang ubos. Nagumurong pa muna sa m~ga tabi n~g bakod na parang tumututol sa m~ga hampas na tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik n~g lakad at muling tumakbo.
Nang makapihit ang sasakyan ni Dr. Nicandro at ni Martinez ay di na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina Tirso at Elsa. Gayon ma'y pinilit nilang magdagdag n~g bilis ang mabilis nang takbo n~g kanilang kabayo, sa nais na mapalapit din sa tatlong nagpapalusutan.
--?Palo, kaibigan!--ang utos pang nagkakanggagahol ni Martinez sa kutsero.
--?Buwisit na kabayo!--ang payamot namang saad ni Dr. Nicandro na sinasabayan pa n~g kamot n~g ulo.
--?Pagkabagalbagal!
--Babayaran ka namin n~g doble, abutan lamang natin ang isa sa tatlong kalesang iyon,--sinabi pa ni Martinez sa kutsero.
At ang kutsero, sa panghahawak sa karan~galan n~g pan~gun~gusap n~g m~ga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang n~g sunod sa bawa't sa kanya'y sabihin, samantalang ang likod n~g kabayo'y siyang nag-uumas�� halos sa malimit na lagpak n~g pamalo.
--?Kaliwa!
--?Kanan!
Ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina Martinez na iisa na lamang ang kalesang kanilang nasusundan. At nagtibay sa kanilang paniwala na iyon ang kinasasakyan n~ga n~g makata't n~g mestisa. Ang iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na nila mabakas.
--?Habol, at malapit na tayo!--ani Dr. Nicandro.
--?Huwag na tayong hihiwalay sa sinusundang iyan kahi't saan makarating!--ang wika naman n~g isa.
Samantala, ang m~ga sanhing naguutos n~g gayong pagtultol n~g dalawang lalaking magkasama sa lakad n~g sasakyan nina Elsa at Tirso, ay mapagkikilala sa ganito nilang salitaan:
--N~gayon tayo dapat maniwala sa kutob n~g ating loob,--ang sabi n~g isa kay Martinez.
--Siya n~ga po, Dr. Nicandro,--ang ayon n~g kapiling.--at ito po'y hindi na kutob lamang n~g loob, kundi isang katotohanan nang itinatalampak n~g m~ga pangyayari sa ating m~ga mata.
--Ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong aking napagsapit,--ang wika pa n~g manggagamot habang nagkukumamot halos ang kanilang kabayo.
--?Bakit po?
--Sapagka't gayong sa "Club Nacionalista" ay may nahalata na ako ay kung ano't hindi pa nagbago n~g loob sapul noon.
--?At matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan?
--Mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine "Ideal". ?Kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa nasabing mestisa?
-?Ako? ?Oh, di ko na ibig alalahanin, doktor! Sukat ang nalalaman na ninyong kapwa tayo sinawi n~g ating pagasa, at wala na. Sa ganang aki'y wala na n~ga pong nalalabi kundi ang masunduan ko n~gayon kung saan naroroon ang pugad na pinagpapasasaan n~g aliw n~g dalawang ibong iyan....
--?Kundan~gan naman kasi'y nagpakahilam tayo sa babaeng iyan! ?Parang ipinagtatanong pa natin kung ano ang mestisa!...
--N~guni't kung ang babae po ay di ko pinagn~gin~gitn~gitan; at ang kanyang pagpapahalaga sa iba ay walang anoman sa akin na gaya rin n~g pagkawalang anoman n~g pagkahalina ninyo sa kanya. ?At di ba ninyo natatantong tayo ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay n~g di mabilang na m~ga lalaking paris natin na naaakit din ni Elsa sa minsang pagbabati o sa isang pagkakatitigan kaya? At ang kilos na iyan ni Elsa ay siyang talagang kilos na sarili n~g mestisa.
--?Samakatwid ay kay Silveira kayo nagtatanim?
--Paano po'y pinamuhunanan ko n~g magandang loob ang lalaking iyan, saka ganito ang iginanti sa akin....
--?Ah, magkasama n~ga raw yata kayo sa "Philippine Law School"!
--Tangi po sa riya'y nakatukatulong din niya ako sa kanyang m~ga lakad para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman.
--?At may nililigawan pa bang iba?
--Di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na.
--?At saka n~gayo'y si Elsa Balboa naman ang kasama?
--?Iyan po ang labis kong ipinagdurugo n~g puso!
--Tunay n~ga palang ang poeta ay walang kabusugan, walang hindi pinipintuho, walang hindi inaawitan n~g kanilang m~ga tulain. ?Paano ka n~ga ba sa m~ga taong iyan!
--?Pasasaan ba't hindi ako makagaganti!
Pagsapit dito n~g salitaan n~g dalawa, ay namalas nilang ang sinusunda't ayaw hiwalayang sasakyan ay biglang nagtigil sa isa sa m~ga tagong lansan~gan sa Sampalok.
--?Aha, at dito pala!--ang sabi ni Martinez, kasabay n~g pigil sa balikat n~g kutsero.
-?Nalalaman na natin n~gayon!--ang susog naman ni Dr. Nicandro.--Kutsero, huwag tayong pakalapit at baka makita nila.
N~guni't ang kabayong nagn~gin~gitn~git mandi'y hindi napigil n~g nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang n~g kanilang kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni Tirso at ni Elsa. Sa gayo'y kapwa walang maalamang gawin sa pan~gun~gubli, dahil sa malaking pagaalaalang sila'y makikita n~g makata at n~g mestisa, kung ang m~ga ito'y magsiibis sa sasakyan. Datapwa't wala nang magagawa; nagkasubuan na. Maghintay na lamang sa pagibis n~g dalawa.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.