piling.
--?Diyata? ?At sino ang kapareha mo?
--?Sino pa! Walang iba kundi ang aking mabait at butihing kaibigang nagpahatid sa akin kanina n~g isang mahalagang aginaldo, ang pinakatatan~ging mestisa na kausap ko n~gayon....
--?Mestisa! ... ?ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing kalagayan!...
--?Inihahatid sa alan~ganing kalagayan?
--Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya....
--Alalahanin mong may sulat ka sa akin tungkol sa sayawan sa Pandakan; anyayahan kita sa klub ay sasabihin mo na lamang na talagang binibigo ko ang iyong m~ga lakad.
--Tirso, tila bumabait ka na n~gayon....
--Mangyari'y nagaaral sa m~ga turo mo....
Sa lihim na pitak n~g dibdib ni Elsa ay dumalaw noon ang ilang tilamsik n~g liwayway na waring naghatid sa kanyang kaluluwa n~g m~ga unang balita n~g isang kapalarang di maglalao't mapapakanya. Nang sandaling iyon ay naitanong ni Elsa sa kanyang sarili kung tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay n~g ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya n~g una, kundi papalapit na't magbibigay kasiyahan sa kanyang m~ga lihim na pan~garap. Tiningnan niya si Tirso n~g isang tin~ging parang nan~gun~gusap. At ang bilang naging tugon n~g makata:
--?Kay ganda mo, Elsa!
Kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita n~g mestisa na siya ay nakarinig na n~g gayong hayagang pagpuri n~g makatang si Tirso, kundi nang gabing iyon. ?Magdudulot na n~ga kaya n~g masaganang ani ang m~ga pananim ni Elsang inaalagaan sa pitak n~g kanyang dibdib?...
--Maalaala ko pala,--ang mayamaya'y narinig kay Tirso,--?di ba't wika mo sa iyong sulat na ako'y babalitaan mo n~g ilang bagay na mahalaga ukol sa aking kasaysayan, kaya mo ninasang n~gayo'y maparito ako?
--Oo n~ga,--ang amin n~g dalaga,--n~guni't nagaalaala akong baka hindi mo na naman paniwalaan....
--?At bakit hindi? Huwag lamang bang hindi ikaw ang magbabalita eh....
--?Nanuya ka na naman!
--Sabihin mo na n~ga, Elsa.
--Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan.
--?Ayoko!
--?Anhin ko kung ayaw ka! ?Di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo!
At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik.
--?May kinaalaman kay Teang?--itinanong na agaran.
--Hindi ako nagbibiro,--ang matatag na sambot n~g mestisa.
--?Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon?
--Sinasabi ko sa iyong mamaya na.
--Kung gayo'y tayna sa Pandakan.
--Subali't ... ayoko na yatang sa Pandakan tayo magtun~go.
--?Ibig mo sa aming klub? Mabuti, kung magkagayon. N~guni't lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito.
--?Sa klub at saka sa Pandakan pa?
--Una muna sa "Club Filipino", saka kapag maghahatinggabi na'y tumawid tayo sa Pandakan.
Ikinatuwa n~g mestisa ang mungkahi n~g makata. At noon di'y inilabas na ang kanyang mahahalagang hiyas, isinakatawan ang m~ga ito, at pagkatapos ay isinuot ang kanyang bagong sapatos na kakulay n~g ginto.
Dumating ang m~ga alila na taglay ang m~ga ipinabili ni Elsa.
--Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang Silveira,--ang manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili.
--Kapag naghintay ay talagang may darating ...--itinugon namang lihim n~g pinagsabihan.
At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g mestisa ang loob n~g kabahayan.
--Naito ang mansanas,--ang magiliw na alok ni Elsa sa kanyang panauhin.
--Nagpabili ka pa pala niyan,--ang nawika ni Tirso pagkamalas sa ipinagaanyaya n~g mestisa.
--Nagpabili ako nito, Tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay mahulaan ko ang iyong m~ga niloloob....
--?Sa paanong paraan?
--Kung mamasarapin mo ang m~ga frutas na ito, ay ituturing kong mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; datapwa't kung mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay ko namang magpaunlak ka ma'y napipilitan lamang....
--?Mabuting panghuhula! At sa panghuhula mong iya'y walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, sapagka't kakanin ko n~g boong pananabik ang ... iyong mansanas.
Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso.
Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa.
--Natatandaan mo marahil na sa sulat ko'y nasasabing magsasalo tayo sa gabing ito,--anya, samantalang tinatapos sa bibig ang huling kagat n~g isang mansanas na kanyang tinalupan.--Ang pagsasalong iya'y matutuloy; hindi n~ga lamang dito kundi sa isa sa m~ga hotel o restaurant sa Maynila, sapagka't hindi na napigil ang pagpapauna sa Pandakan kanina pa n~g m~ga kapatid ko.
--Tayna, kung gayon,--tan~ging naipulas sa bibig ni Tirso.--May kalesang naghihintay sa atin sa daan.
--?Mayroon ba?
--��o.
At pagkapagiwan n~g ilang tagubilin sa m~ga alila, ang mestisa't ang makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim n~g gabi....
XVII
?ANG BUWISIT NA NEGRO!
Ang kalesang sinasakyan ni Elsa at ni Tirso na isang de primerang walang taglay na bilang sa likod at hila n~g isang masipag na kastanyong ayaw manding madiktan n~g pamalo sa katawan, ay sinusundan n~g dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat n~g gusali n~g "Germinal" at paakyat sa tulay n~g Ayala, nang masalubong n~g isa pa ring kalesang kinalululanan naman n~g dalawang lalaking sa wika ni Cervantes naguusap.
Pagkalampas n~g sasakyan nina Tirso ay halos nagkasabay ang pagulat na turing n~g dalawang lalaking kasalubong:
--?Si Silveira at ang mestisa!
At kapwa hinabol
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.