Ang Mananayaw | Page 9

Rosauro Almario
itinulak ang pintûan, patakbóng pumasok sa loób, at hálos sa
isáng lundág lamang ay dumatíng sa itaás n~g bahay.
Nang naroroón na'y isáng káluskusan sa may dakong silíd ang kanyáng
náhiwatigan.
--¿Sinó ang nag-uusap na naririníg ko?
¡Tinig ni Pati ang isá at ang isá ay tinig lalaki!
--¡Ngitn~git ng Dios! ... ¡tinátaksíl akó! ¡¡tinátaksíl akó!! ¡¡¡tinátaksíl
akó!!!...
Ang katulad n~g isáng balíw na labnót ang buhók, nagaalab ang
dalawáng-matá, na pumasok sa loób n~g silíd.
¡Oh, kataksilán!...
--¡Si Pati, sa piling ni Tamád!
Si Sawî (na dî iba't kundî itó ang dumatíng) sa haráp n~g gayóng
pag-yurak sa kanyáng dangál ay biglâng dinatnán n~g isáng dilím ng
tin~gín.
Lumapit sa dalawá na bumubugá ng apóy ang paningín, nanínindíg ang
m~ga balahibong animo'y maliliít na pakòng nagtimò sa kanyáng balát,
at bágo nilurhán sa mukhâ si Pati, nilurhán sa mukhâ si Tamád, at si
Pati at si Tamád ay kapuwàng pinisíl sa liíg n~g tigisáng kamáy.
--¿Dios ko?--ang panabáy na sambit ng mga sinakál.

Noón ay minsáng nabuksan ang mga labì ni Sawî, mga labìng
nagdúrugûan pa sa baón ng ngipin, at ang matunóg na sigáw sa lalaki:
--¡Imbíl!...
At sa babae'y
--¡Magdarayà!...
Si Pati'y hindî nakahuma.
Si Tamád, na warì'y nadaráng sa alab n~g poót ni Sawî, ay umambâng
tátakbó.
Ngunì't, ang malalaking dalirì ng binatà ay lumatay noón sa mukhâ
n~g bugaw:
--¡Anák ni Lusiper! ¿Ibig mong tumanan? ¡Ah, duwág!
--¡Patawad!...
--¡Patawad! ... ¿patawarin kitá pagkatapos dumhán ang pagkatao ko?
¿patawarin kitá pagkatapos na akó'y maibulíd sa impierno, pagkatapos
na akó'y matuksó, at akó'y malinláng?
--Hindî na....
--Hindî na ... ¿hindî na, pagkatapos na akó'y masipsipán n~g katás,
pagkatapos na akó'y maghirap, pagkatapos na akó'y mainís sa
kandun~gan ng babaeng itó?--at sabay itinurò si Pati, na noó'y
nan~gangatál sa takót.
--At ikáw--ang pihit dito--na nagíng dahil ng aking mga kasawîang
dinanas; ikáw, na nagíng dahil ng aking pagkakápalayô sa mga dating
kaibigan; ikáw, na nagíng dahil n~g aking pagkakápalayô sa amá't iná,
ng pagbawî sa akin ng kaniláng pagmamahál; ¿nasaán ang pusò mo
upáng akó'y gantihín n~g ganitóng kataksilán? ¿Mainam na bayad sa
pilak ko na iyóng nilusaw; mainam na bayad sa dugô ko na iyóng
ininóm!

Si Pati ay nangínginíg na sumagót:
--¡Patawarin!...
--¿Nálalaman mo, Pati--ang patulóy ni Sawî--nálalaman mo kung
gaano ang nagíng halagá n~g pag-ibig ko sa iyó? Pilak, maraming
pilak ... gintô, gintóng dakótdakót. Gintô't pilak na bawà't piraso'y
nagkákahulugán ng isáng sarong pawis, isáng sarong dugô ng aking
m~ga banál na magulang.
--¿At ang pan~galan ko--ang dugtóng na hálos mahirin sa nag
úunaháng piglás ng m~ga salitâ--ang aking pan~galang ngayó'y siyáng
hantungan n~g lahát nang pulà, ngayó'y isáng sukal na
kinaririmariman ng lahát nang bibíg, paris ng pagkarimarim sa isáng
pusalì, sa isáng tambakan n~g mabahòng yagít? ¿saan mo inilagáy ang
pagkatao ko?
Si Pati'y hindî sumasagót.
Nagpatuloy si Sawî:
--¡Ah, ngayó'y lúbusan nang pinaníniwalàan ko ang sabi n~g mga
páhayagáng sa mga palaisdâan (bahay-sáyawan) na nilalanguyán mo
ay walâng ibáng nápapansíng kundî pawàng isdâng kapak, isdâng
pawàng kintáb n~g kaliskís ang námamalas sa labás, bago'y pawàng
burak ang lamán n~g loób!
--¡Sawî, patawad ... akó'y walâng sala!
--¡Walâng sala! ...--at gumuhit noón sa gunitâ ni Sawî ang m~ga
pamamaraáng ginawâ sa kanyá n~g mánanayaw, ang unang pagtatagpô
nilá sa isáng handâan, ang pagkakádalaw niyá sa bahay-sáyawan, ang
m~ga kasinungalin~gang sinabi sa kanyá ni Tamád tungkól sa
kabuhayan ng babaeng itó, ang lahát n~g yaón ay napagkurò niyáng
pawáng laláng lamang na iniumang sa kanyá, upáng siyá,
tagálalawigang walâng kamalayán sa buhay-Maynilà, ay magiliw na
pumasok sa lambát ni Pati, na gaya ng isáng isdâ sa pabahay ng
baklád.

At lalò pang nag-alab ang kanyáng damdamin, lalò pang nag-ulol ang
kanyáng poót; kayâ't sa isáng pag-lalahò n~g isip ay minsáng dinaklót
si Pati sa kanyáng gulónggulóng buhók, at ang tanóng dito sa buháy na
tinig:
--¿Walâ kang sala, ang sabi mo?
--Walâ, walâng walâ.
--¿At bakit, bakit walâ kang kasalanan sa aking pagkakapàlun~gi?
Si Pati, sa ganitóng tanóng, ay kimî at hálos pabulóng na sumagót.
--Pagkâ't alám mo nang akó'y MÁNANAYAW....
* * * * *
BAGONG PARE
NOBELANG TAGALOG
NI
Ros. Almario
KASALUKUYANG TINATAPOS SA LIMBAGAN
* * * * *
"Pinatatawad Kitá!..."
Nobelang Tagalog na ipinagbibilíng kasalukuyan sa lahát n~g Librería
dito sa Maynilà, sa halagáng Isáng Peseta.
Maykatha: MATANGLAWIN.
* * * * *
Huling Habilin

(NOBELANG TAGALOG)
KATHA NI
Maximino de los Reyes.
Ipinagbibilí sa lahát ng Librería buhat sa unang araw ng Juliong
papasok, 1910.

End of the Project Gutenberg EBook of Ang Mananayaw, by Rosauro
Almario
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG
MANANAYAW ***
***** This file should be named 14794-8.txt or 14794-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
http://www.gutenberg.net/1/4/7/9/14794/
Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders.
Produced from page scans provided by University of Michigan.
Updated editions will
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.