Ang Mananayaw | Page 8

Rosauro Almario
na hindî mo pagdalaw sa kanyá....
--Luhà, lumuhà si Pati n~g dahil sa akin?
--Lumuhà n~g dahil sa iyó. Pagkâ't kung dî akó namámalî, ay ... tila,
tila may hináhabol sa iyó.
--¡Ang puri niyá!--ang náibulóng ni Sawî sa sarili.
¡Puri! ... mainam na puri ang sa isáng talimusák.
Samantalang si Sawî ay natítigilan sa m~ga ganitóng pag-íisip, si
Tamád, sa kanyáng sarili'y walâng hintô namán n~g kábubulóng:
--¡Talagáng martir ngà ang binatáng itó! ¡iláng sungay ang na sa ulo
niyá! ¡mahigít pa sa isáng demonio sa impierno!
Pagkatapos ay hinaráp na pamulî ang kanyáng dinalaw at ang m~ga
hulíng bigkás:
--Sawî: bukód sa pasabi ni Pati, ay nárito ang isáng sulat niyáng

ipinadádalá sa iyó....
At yumao nang walâng liwagliwag.
Nanabík si Sawî na binuksán ang liham.
Doó'y nabasa niyá ang sumúsunód:
Ibon ko:
Mag-iisáng linggó na n~gayóng akó'y inúulila mo sa laot n~g mga
himutók at pagluhà. ¡Isáng linggóng hindî ka mákita, pará sa aki'y
isáng linggóng pagkamatáy ng Dios!
_¿Nálimot mo na kayâ ang kulang palad na si Pati? ¿nálimot mo na
kayâ ang abâng mánanayaw, pagkatapos manakaw ang kanyáng PURI?
¿nálimot mo na kayâ ang m~ga dakilàng sandalî na dinanas sa kanyáng
piling? ¿nálimot mo na kayâ ang mga dampî ng labì mong ibinakás sa
aking mga pisn~gi, m~ga dampîng hanggá ngayó'y nararamdamán
kong wari'y nag aalab pa sa apóy ng pag ibig? ¿nálimot mo na kayâ
ang mga sandalîng sinamyô sa aking kandungan, sa nin~gas n~g aking
mga suliyáp, sa lambing ng aking m~ga n~gitî, sa tunóg n~g aking mga
halík?_
¿Nálimot mo na ba?
¿Nálimot mo na ba ang gabíng yaón na ikáw ay máhimláy sa mga bisig
ko na, minsán, makalawá't maikatlóng AWITIN ang m~ga tagumpáy ni
Kupido? ¿nálimot mo na ba ang sandalîng yaón na iyóng isinimsim sa
mga labì ko n~g walâng kasingtamís na pulòt ng pag ibig? ¿nálimot
mo na ba ang mga sandalîng yaóng katasin sa mga labì ko ang alak na
nakalálasíng ni Kupido?_
¿Nálimot mo na ba?
¿Nálimot mo na ba ang m~ga sandalîng, sa bugsô ng iyóng nag aapóy
na damdamin ay sinabi mo sa aking: «Pati, ikáw ang pusò ko, ikáw ang
buhay ko, ikáw ang diosa ko»?_

¿Násaan ang pagtupád sa m~ga ganitóng pan~gakò?
¡Ay, Sawî! ¡ay, ibon ko! pumarito ka't sa lahát ng oras ay bukás na
áabutan mo ang haulang nagíng pugad ng ating mga ginintûang
pangarap n~g ating m~ga ligaya't alíw!
ANG KALAPATI MO.
Si Pati, babaeng walâng káluluwá kundî pawàng lamán, ay nátutong
magtirik ng m~ga karayom sa m~ga talatang itó n~g kanyáng liham,
mga karayom na siyáng dumurò at sumigíd sa hayop, sa maban~gis na
hayop, na iníin~gatan in Sawî sa pusò: ang pag-ibig sa kanyá.
At noó'y isaisáng nagbangon sa alaala n~g binatà ang m~ga gunitâ ng
nagdaán, parang mga patáy na sa tawag ng Mánunubos ay mulîng
nagsilabás sa hukay ng libingan.
At ang ganid, ang ganid na alagà ni Sawî sa kanyáng pusò, ay minsáng
nagbangon, umangil, pumalág, hanggáng sa si Sawî ay mapatindíg sa
pagkakáupò at ulit na masabing:
--¡Pati, Pati, papariyanán kitá!...

=WAKAS=.
Hating gabí.
Madilím, maulap ang langit, at ang hangin na animo'y isáng mahabàng
hiningá, ay kasalukuyang nagn~gin~gitn~git; kayâ't bawà't datnín ng
kanyáng malakás na hampás ay tumutunóg, umáan~gil na anakì'y
tumátanggáp n~g isáng ubos diíng sampál.
Mápamayâmayâ'y bundókbundukang usok ang napatanáw sa malayò.
Makasandalî pa'y bumuhos ang ulán.
Mga kulóg na nakabibin~gáw ang dumadagundóng sa lupà, at sa

langit ay nagháhagarán ang matatalím na lintík na anakì'y m~ga
gintông ahas.
Sa malapad na liwasan n~g Azcárraga, sa oras na itó ay isáng
mahiwagàng naglálamay ang napamámasíd.
¿Sinó siyá?
¿Sinóng káluluwà ang matapang na naglálamay sa gitnâ n~g ganitóng
sigwá?
Nagtútumulin sa kanyáng paglakad, tun~gó ang ulo, at walâng
lin~góng-likód.
Ngayó'y dumáratíng na siyá sa tapát ng bahay na nátitirik sa gawîng
kaliwâ n~g líwasan. Sa bahay na itó'y walâng tumátanglaw kundî ang
isáng ilaw na kúkutikutitap.
Hakbánghakbáng na lumun~go sa pintûang noó'y nálalapat pa ang
dalawáng dahon, n~gunì't nang siyá'y nálalapit na ay siyáng
pagkabukás nitó sa tawag n~g isáng nakatalukbóng na itím.
At isáng mukhâ ang sumilip doón, mukhâng babae, ¡ang mukhâ ni Pati!
--¿Pumarito pa kayâ?--ang tanóng sa mánanayáw n~g aninong
tumawag sa pintô.
--Hindî na; marahil ay hindî, pagkâ't umúulán. Tumulóy ka.
Ang pinagsabihan n~g ganitó ay túluyang pumasok sa loób.
Samantalà, ang naiwan sa labás, ang unang násumpun~gán natin sa
haráp ng ganitóng námasdán, ay minsáng napakagát-labì at ang
nagn~gángalit na turing:
--¡Oh, tila dinadayà akó!
At sandalîng natigilan na áandáp-andáp ang loób.

¿Sinó ang kanyáng pinapasok? Kilos lalaki, lalaki sa kanyáng tayô,
kilos at pangangatawan ... ¡Dinádáyà akó! ¡¡dinayà akó!! Pati, Pati,
magbabayad ka, pagka nagkátaóng napatunayan ko ang aking
panibughô!
At ipinatulóy ang kanyáng paglakad: sandalîng tumigil sa labás n~g
pintûang pinasukan n~g unang nákita na natin, at pagdatíng doón ay
marahang nakimatyág. Walâ, walá siyáng máriníg.
Minsáng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.