inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipina?ga?ganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapa?ga'y kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya, na tila walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hina ?g loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo, nagtitiis ?g tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ?g iba sa pagka't kung walang natakbo'y walang manghahagad; kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibig��n, ?g isang mara?gal at mapuring ?galan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng h��rap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pa?ganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ?g bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata ?g anak sa pagii?gat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ?g ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta'y sukat kunang uliran at dito'y ilalagda ko ang aking halimbawa:
Nang iniaabot ?g isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: "ibalik mo �� ibalik ka," ito ?ga umuwi kang manalo �� mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ?g talong natakbo �� inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ?g kalasag. Nabalitaan ?g isang ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pul��, ?guni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ?g siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ?g isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anak niya,--"hindi iyan ang tanong ko ang sagot ?g ina, kundi nanalo �� natalo tay��?--Nanalo ang sagot ?g bayani. Kung ganoo'y magpasalamat tayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan.
Minsa'y nagtag�� sa simbahan ang isang napatalong har�� nila, sa takot sa galit sa bayan; pinagkaisahang kulu?gin siya doon at patain ?g gutum. ?g papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot ?g bato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kay�� ?ga't iginalang ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ?g babai, ang pul�� ?g isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang sagot ?g babai, ay kami lamang ang nagaanak ?g lalaki. Ang tao, ?g mga Esparta ay hind�� inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ?g lupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ?g hukbo ng kaaway.
D�� ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong d�� natingin sa katuiran at tunay, kund�� sa habito, sa put�� ?g buhok �� kakulangan kay�� ng ngipin. ?gun�� at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ?g tand�� sa akin, kahit maikl�� man. Malay�� ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili kay�� sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yuk�� ang ulo at halukipkip ang kamay; ?guni't ang hiling ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakal�� sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi:
Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil ?g ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ?g iba."
Ang ikalawa. Ang iniaalipust�� ng isa ay nasa kulang ?g pagmamahal sa sarili at nasa labis ?g pagkasilaw sa umaalipust��.
Ang ikatlo. Ang kamangma?ga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa tal��.
Ang ikaapat. Ang ibig magtag�� ?g sarili, ay tumulong sa ibang magtag�� ?g kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapu�� ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, ?gun�� at mahirap baliin ang isang bigkis na walis.
Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay d�� magbabago, ay hind�� dapat magpalaki ?g anak, kungd�� gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag kakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat.
Ang ika-anim. Ang tao'y inianak na paris-paris hubad at walang tal��. D�� nilalang ?g Dios upang maalipin, d�� binigyan ?g isip para pabulag, at d�� hiniyasan ?g katuiran at ?g maulol ?g iba. Hind�� kapalaluan ang d�� pagsamba
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.