kinikilingan, Dios na d�� tumatab�� sa dug�� ng mahirap, na d�� nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihand�� ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akal��: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapu��, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang itur�� sa anak. At dahil ang buhay ay pun�� ng pighat�� at sakun��, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapa?gin ang pus�� sa ano mang pa?ganib. Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang lik�� ang pagpapalaki sa bat��, samantalang lugam�� at mangmang ang babaing magpapalaki ?g anak. Walang maiinom sa lab�� at mapait na bukal; walang matamis na bu?ga sa punlang maasim.
Malaki ngang hind�� bahagy�� ang katungkulang gaganapin ng babai sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y d�� hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog. Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kay�� ?g�� kanilang binulag, iginapus, at iniyuk�� ang loob, panatag sila't habang ang iba'y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugam�� ng Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo'y ang mga babai'y malaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob.
Alam na kapus kayong totoo ?g mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kund�� ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tant�� ang lahat na ito, kay�� pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapu�� ninyo babayi; dito sa Europa kung hind�� kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ?g masantin na sikat ?g araw, at sisikat kahit banaag lamang ... D�� kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpaw�� ?g ulap, palibhasa'y siya ang Dios ?g katotohanan; at isasaul�� sa dati ang dilag ?g babaying tagalog, na walang kakula?gan kund�� isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lag�� sa panimdim, na napapanaginip, ang kara?galan ?g babaying kabiak ?g pus�� at karamay sa tu�� �� hirap ?g buhay: kung dalaga, ay sintahin ?g binat��, di lamang dahilan sa ganda �� tamis ?g asal, kund�� naman sa tibay ?g pus��, taas ?g loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahin�� �� maruruwagang lalaki, �� makapukaw kay�� ?g madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ?g bayan, pagpitaganan ?g iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ?g mga kastil�� at pari na nangagaling diyan ang karupukan at kamangma?gan ?g babaying tagalog, na tila baga ang mali ?g ilan ay mal�� na nang lahat, at anaki'y sa ibang lup�� ay wal��, ?g babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ?g ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ?g kagaanan ?g lab�� �� galaw ?g dil��, ang mga kastil��, at par�� pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipust�� at tawa, kund�� ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapag?ga?galit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng mal�� ay gaw�� ?g kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ?g loob �� kabulagan kayang kalala?gan din nila..... May isang kastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapangpa?gan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ?giti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayaba?gan at karumihang hindi mapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig �� mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ?guni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't d�� ako paring confesor, �� manunuluyang kastil��, na makapaninir�� ?g puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ?g babai.
Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ?g Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.