Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

José Rizal
A free download from http://www.dertz.in



Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa
mga Kadalagahan sa Malolos,
Bulakan

The Project Gutenberg EBook of Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga
Kadalagahan sa Malolos, Bulakan, by Jose Rizal This eBook is for the
use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions
whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms
of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at
www.gutenberg.net
Title: Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos,
Bulakan
Author: Jose Rizal
Release Date: November 20, 2005 [EBook #17116]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG
LIHAM NI DR. JOSE RIZAL ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net

ANG LIHAM
NI
Dr. JOSE RIZAL
SA MGA
KADALAGAHAN
SA MALOLOS, BULAKAN
Febrero, 1889
Epistorario Rizalino Vol.II p.122

Europa Pebrero 1889
SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:
Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung
ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko
mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat
ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang
sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na
loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal;
ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at
pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua
(tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis
na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga
lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo,
magbuñga ma'y walang katas.

Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos,
napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako
sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isang
Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang.
Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg
bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá
dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa
pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa
pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay.
Ang babaing tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa
panahong sasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na
palalakhin sa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó
ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura,
masayang pangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang
utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang
matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing
kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip.
Napagkilala din ninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang
pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't
matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg
likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi
ñg punó ó parí na sila lamang ang mananagot ñg maling utos; binigyan
ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding
mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá,
kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá
ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí
ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang
mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan
at dí kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong
larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa
atin, paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang
nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa
dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag
patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong
magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang
madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita

binigyan ng sarili mong ilaw?" Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá
sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay
totoong masamá ang daan.
Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa
sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng
iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palaló ang
nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at
sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawá kundí pagbintañgan
ang Dios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang balá niyang
nasá, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.