Ang Katipunan | Page 6

Gabriel Beato Francisco
mamiso.
DÁMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan
ng mabibili sa
pabañgo,t, suclay
saca sa banquete postiso,t, pamaypay.
BETENG.--Ayaw aco, ayaw!
DÁMASA.--Aco'y iyong bigyan.
BETENG.--Ayaw aco, ayaw!
LUSINO.--Bigyan na
KALINT.--Bigyan na
BETENG.--Bigyan co ng ano
LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta
BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco
LUSINO.--Ayaw ca ñga ba
BETENG.--Aba at nagalit ... toma!
DÁMASA.--Ayaw co na.
(_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_)
ICAWALONG DIGMA
Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna
sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas.

RICO.--Tomás! (_Hindi madidiñgig_)
PEÑA.--Tomás! (_Sasagot mula sa malayo_)
TOMÁS.--Señor! (_saca lalapit_)
PEÑA.--¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na
na sa caliua at na sa sa canan?
TOMÁS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.
Isa'y alilisan malaquing camalig
dalawa ay bañgan ng palay at guilic

caya ñga sagana ang mga himacaic
at di magugutom cahit ang
masapit.
Abutin ng buan, bumilang ng taon
at gumala-gala sa bañgin at burol.
PEÑA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy
ng ualang
siluñga't di macapag pulong.
At ualang macain sa bundoc at parang

ang mga himacsic lilong katipunan.
RICO.--Hayo na ... suluñgi!
TOMÁS.--Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang
tunay (_bubunutin ang pósporo at saca lalacad_)
RICO.--Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di
na maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.
TOMÁS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang.
RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc
ng sundang.
TOMÁS.--Capag sa castila ay mahihiualay.
Aco'y matatacot sa magcacapatid
noong katipunan na pauang balauis

na uala ñgang gaua sa parang at buquid
cung hindi mag nacaw at

mag-umit-umit.
Dañgan at ang culay tunay na tagalog
di maicaila at dito sumipot

tatalicdan co na't itulad sa hayop
tanang cababayan na pauang
balacyot.
Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya
tauaguing tagalog, tubo sa
Maynila.
RICO.--Cun gayon ay ¡Bravo! (_tatapiquin_)
PEÑA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha!
RICO.--¡Bravo! ¡bravo!
PEÑA.--¡Bravo! ito ñga ang bata
RICO.--Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at
tacsil.
(_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na
na tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni
tininteng Isiong at ilang capit bahay_)
ICASIYAM NA DIGMA
Samantalang sinusunog.
JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic
ng mga sucabang
mahiguit sa ganid.
Quinuha sa caban cuartang naiipon
ang guinto'y sa pitac noong
aparador
ang papel de Banco ay sa isang cahon
at ang mga pilac sa
lalagyang baul.
At saca sinunog damit na pangbahay
hinacot ang bigas na na sa
bigasan
ang bañga'y inabó, at sa alilisan
hinacot ang pilon ng mga
asucal.

Saca ang calabaw, buo't mga guya
sa buquid at parang nag laboy,
nag-gala
hinuli, inacay at ang boong nasa
iowi sa bayan, dalhin sa
Maynila.
ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang
dusing ng corona.
GORIA.--Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng
Tomás ... (_aagauin ang pagsasalita_)
JUAN.--¡Sucat na! ¡sucat na!...
Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin
abuhin ang bañga't
calabaw'y lipulin
cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil
lahat ng
lalaqui huli't patayin.
Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay
cumubli sa galás at gubat-gubatan

ng hindi abutin ng mga sucaban
na sadyang humanap ng
icabubuhay.
GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic
aquing mga
carmen na na sa sa liig
dinurog, linuray, pinagpunit-punit
gayon
ang estampang sa dinding nag sabit.
Saca ng macuha ang aquing postiso
sa pinit ng silid, maliit na cuarto

guinuso't guiniic saca ibinató
sa dapugang calan na punó ng abó.
Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa
blanquete co naman ang siyang
nacuha
at inahilamus sa mukha at taiñga
at di co malaman ang
naguing figura.
ICASAMPUONG DIGMA
Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.
URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na
sa unahan.

GORIA.--Ayun ñga ang mga ... (_Ituturo_)
JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na
nacaw.
ISIONG.--At may naaancás na maraming saco
ng palay at bigás,
darác, ipá't abó
at ang madaanang guya, bulabó't aso
ay inaacay din
at itinatacbo.
(_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_)
JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis
sa pagcat linoob ng
nunuñgong lañgit
subali capagca Dios ang nagsulit
na magbubunga
na mabuig na lansones.
Tanda't mag-aani sa nayon at bayan
ang magcacapatid nitong
katipunan
saca magsisisi ang lahat ng hunghang
gaya niyang lilong
ating cababayan.
At pacaasahang ualang pagbubula
itong sasabihin sa bató itaga

yamang di nasupil ng mga castila
ang bugsong nagdaan na
camunsing baha.
Di na maa-auat ang baha ng dugo
hangang sa umapaw sa luasan at
hulo
at ang kalayaan na nasa ng puso
di na masusupil sa caniyang
paglago.
Caya cun ang aquing bañga't alilisan
inabó't sinunog ng mga sucaban

at ang pag aari sa loob ng bahay
quinuha, guinagá at canilang
sinamsam.
Hindi isasama niyaring aquing loob
at di dadalawin camunsi man
lungcot
at cahit inacay ang lahat ng hayop
at quinacain pa ñga ang
itlog ng manoc.
Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan
galit sa nagnacaw na mga
sucaban
caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang
ang canilang
samá ay baka tañgisan.

O caya'y magsisi araw cung dumating
ng pagpaparusa sa lahat ng
tacsil
sa pagcat di taus sa puso't panimdim
ang guinaua nila na
nacalalaguim.
Laman ng catauan higuit sa quinurot
at di mangyayaring
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.