鶆A free download from www.dertz.in ----dertz ebooks publisher !----
The Project Gutenberg EBook of Ang Katipunan, by Gabriel Beato Francisco
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Katipunan
Author: Gabriel Beato Francisco
Release Date: November 29, 2004 [EBook #14205]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG KATIPUNAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
ANG KATIPUNAN
ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI
TUGMA NA SINULAT NI
Gabriel Beato Francisco
Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896
ICATLONG CASULATAN
MAYNILA
Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.?1899.
=Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental=
Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay, Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok.
Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang?ANG KAPATID NANG BAYAN.
=UNANG BAHAGUI=
Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang cahoy na lanca sa may mga bu?ga at ba?gin na sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may lansa?gan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_.
=Música.=
Ina naming Filipinas?sa sandaigdiga'y hayag,?ang cayaman at dilag?ualang sucat macatulad.
Iyo namang caanacan?lahing sadya cung sa tapang,?di natatacot mamatay?at marunong magsangalang.
Caya cayo lilo't tacsil?na castilang sinu?galing,?dapat bayaran sa amin?inyong mga pag alipin.
Lalo ang mga sucaban?na fraileng tampalasan,??gayon ay capanahunang?magbayad sa mga utang.
Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca paguiguitna ang calahatan.
=Hablado.=
Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang mangluluas ng gulay, na umaauit hangang tumatacbo.
UNANG DIGMA
Sila rin
JOSEFO.--Hali ... mga ale!...
LUSINO.--Dalí ... mamang cuán!...
KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_)
--cami'y balitaan!... ?mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay caya ó caya'y nasundan?...
TOMASA.--Uala po!... (_gulat._)
JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_).
TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!...
JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita. (_hahakbang_ ...)
TOMASA.--Uala po!...
IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
JOSEFO.--!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan nila!...
TOMASA.--Uala po!...
IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_)
JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y cai?gat yaong mga lilo, tacsil, buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.
TOMASA.--?Ina co!
JOSEFO.--Icao ay inanó at na paina!...
LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag ma?gamba at hindi aanhin naming magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.
TOMASA.--Cun gayo'y salamat!...
IDENG.--Cami po'y paalam!...
LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansa?gan. (_Lalayo ng caunti_)
JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humi?gi ng canin at ulam.
LUSING.--Mga aling cuan!... ma?gag hintay cayo!...
KALINT.--Duluguí....
LUSINO. (_lalapit_)--Ibabá ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.
TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha
KALINT.--Iuan na ang lahat.
LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag?(_sa cay Tomasa_)?--Ito'y quilala co na maraming anac?(_sa cay Ideng_)?--Si comare naman ay may amang bulag.
JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa inyo!...
TOMASA.--Cami'y lalacad na.
KALINT.--Ma?gag tuling cayo.
(_Muling lalacad ang mga manglalacó._)
ICALAUANG DIGMA
Josefo at Lusino.
JOSEFO.--Hindi nauucol ca?gino mang tauo balamin ang duk-hang may laco sa ulo.
LUSINO--?Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala?ualang maibili at ualang masila?uala naman tayong sucat na magaua?sa mga mayamang lubhang masagana.
Caya ang marapat ating pagtiimin?bagang at panigbi na nagcacadiin?ang gauang masama na masamang gauin?ay ipaquibilang sa gauang magaling.
Yamang na rito na sa galás at gulod?na guinagalaan mailap na hayop?ang ating catauang sa palad ay capus?at hindi na mulat sa gubat at bundoc.
At cun tayo naman ay magpapabaya?sa lagay na yari na caaba-aba?ating tatamuhin sa guinala-gala?lasapin ang dalo'y malamig na luha.
At sa abang anyo di co acalain?matuyo ang damó na lagui sa lilim?uala namang inot, usala namang cusim?at ualang masabing nag gauad hilahil.
Liban sa nangyaring aco ay natacot?sa unós ng bagyong nacaquiquilabot?caya sumaisip na bago macurot?pailanlang muna sa patoc ng bundoc.
At cung naacalang tutubo sa cutad?ang binhi ni ama sa punlang sincamas?daco aabutin ang pagcabagabag?at di sasapitin ang ganitong hirap.
?gayon co dinamdam ang saquit ng bato?cun tumitimo na sa talampacan co??gayon na danasan pagtulog sa cubo?at ?gayon lumacás ang aquing pagtacbó.
JOSEFO.--Aco caya naman dito ay sumapit?dahil sa hicayat ng isang caibig?ang mga tinuran ay napacatamis?at macahihibo sa pusong tahimic.?Aco na ?ga sana'y di maniniuala?sa mga tinuran at isinalita.
LUSINO.--?Baquin ca na ta?gay ng dagta ng lanca?
JOSEFO.--Dahil sa maba?go ang bu?ga sa lupa,?Na dili umano pilit magbubuig?dito sa Maynila puno ng lansones?cahiman bumaba hangang himpapauid?hindi tutulutan ng nunu?gong la?git.
Na ang ibubu?ga maluoy sa uica?malunot sa sabi't mahulog sa lupa?caya mag tatamo ng mga biyaya?ang baua't maglinang sa mga tumana.
At saca ?ga ?gayon uala cahit isa?ang mayroon pusil at may escopeta?ualang cigarrillo, uala namang cuarta?at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta.
Caya ang marapat ?oh piling catoto....?tayo ay sumagui sa may Ermita?o?ó cun dili naman at loloobin mo?tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató.
(_Muling magdadaan ang mga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.