Ang Bagong Robinson | Page 9

Joachim Heinrich Campe
ma,y, hindi siya maguiguing mapalad, liban na lamang cung baguhin niya ang caniyang loob, at humin~ging tauad sa caniyang man~ga magulang. Si Robinson nama,y, umiiyac.
?Datapoua,t, ?anong dapat cong gau-in?? ang tanong ni Robinson.--??Anong dapat mong gau-in?? ang sagot nang Capitan: ?magsauli ca sa bahay nang iyong man~ga magulang, humalic ca sa canilang man~ga paa, at humin~gi cang tauad dahil sa iyong man~ga camalian, para nang isang anac na may mabuting turò.?
Si Luisa. Ah! iniibig cong totoo ang Capitang iyan. ?Totoong mabuting tauo siya!
Ang ama. Ang guinaua niya,y, ang dapat nating gau-ing lahat, capag naquiquita natin na ang ating capoua tauo ay nagcacamit nang anomang camalian: itinurò niya cay Robinson ang pagganap nang caniyang catungculan.
??Ibig ninyong aco,y, ihatid na mul? sa Hamburgo?? ang tanong ni Robinson sa Capitan.--??Paanong paghahatid co sa iyo? ?Nalimutan mo na baga na ang aquing sasac-yan ay nalubog? Hanggang hindi aco macabili nang iba, ay hindi aco macababalic, at marahil ay totoong magtatagal ca dito, cung yaon ang hihintin mo. Icao,y, nararapat na lumulan sa unang sasac-yan na patutun~go sa Hamburgo, at houag mong palibanin n~gayon ó bucas.?--?N~guni,t, ualà acong salapi,? ang uica ni Robison.--?Cunin mo, ang sagot nang Capitan, itong man~ga guinea.?
Si Teodora. ?Ano ang ma~nga guinea?
Ang ama. Ang guinea ay salaping guint? na guinagamit sa Inglaterra, at ipaquiquita co sa iyo ang isa, capag tayo,y, nagbalic sa bahay.
Si Juan. Ating ipatuloy.
Ang ama. ?Narito n~ga, ang uicà nang Capitan, itong man~ga guinea na ipinahihiram co sa iyo; cahit aco,y, may malaquing cailan~gan nang caunting salaping natira sa aquin. Paroon ca sa lalauigan, at itanong mo cung magcanong ibabayad sa pagsacay sa sasac-yan. Cung tunay ang pagbabago nang loob mo, ay pagpapalain nang Dios ang iyong pagou?, na di para nang pagparito mo.?--Pagcatapus ay quinamayan na siya,y, magcaroon nang isang payapang paglayag. Lumacad na si Robinson ...
Si Nicolás. ?Cung sa bagay ay oou? na sa caniyang bahay? á Dios; cung gayo,y, tapus na ang salità, at ang isip co,y, n~gayon lamang pinasisimulan.
Ang ina. ?At di mo iquinatotoua, Nicolás na siya,y, magbalic sa bahay nang caniyang man~ga magulang, at nang mapayapà ang catacot-tacot na pagcalingatong at pagcasindac nila?
Si Ramon. ?At di mo iquinaliligaya ang pagcatalastas niya nang caniyang camalian, at nang houag namang gauing mulì?
Si Nicolás. Oo n~ga, datapoua,t, gayon ma,y, ang acalà co ay may mangyayari sa caniya na sucat nating icaalio.
Ang ama. Hintay ca muna, at hindi pa natin masasapit. Paquingan natin ang man~ga nangyari sa caniya.
Habang siya,y, lumalacad na patun~go sa lalauigan, ay sarisaring bagay ang pungmapasoc sa caniyang pagiisip. ??Anong sasabihin caya nang aquing man~ga magulang,? ang uicà niya sa sarili, ?cung aco,y, magbalic sa bahay? Marahil aco,y, parurusahan nila dahil sa guinauà co. At pagtatauanan nang aquing man~ga caquilala at iba pang man~ga tauo ang madali cong pagbalic. Pupulaan nila aco na ualang naquita cundi dalaua ó tatlong lansan~gan sa Lóndres.? Ito at man~ga ganganitong man~ga bagay ang sungmasagui sa caniyang pagiisip.
Cung minsa,y, hungmihint?, at parang nagmumulimuli, at hìndì mapasiya ang loob na siya,y, umalis agad; cung minsa,y, nadidilidili ang sinabi sa caniya nang Capitan; sa macatouid, cailan ma,y, di siya maguiguing mapalad, cung hindi siya magbabalic sa bahay nang caniyang man~ga magulang. Nagsasalauahan siya nang mahabang panahon, na di maalaman cung ano ang gagauin, at gayon ma,y, nagpatuloy siya nang paglacad sa lalauigan ó hinihimpilan nang man~ga sasac-yan. Datapoua,t, malaqui ang caniyang touà, nang matalastas na ualà pang sasac-yang patun~go sa Hamburgo, na ibinabalità sa caniya nang isa sa man~ga Capitan na palaguing lungmalayag sa Guinea.
Si Cárlos. ?At ano ang paglalayag sa Guinea?
Ang Ama. Ipaaaninao sa iyo ni Enrique, at caniyang natatalastas.
Si Enrique. ?Di mo naaalaala na may isang bahagui nang mundo na tinatauag na áfrica? at ang Guinea ay isa sa man~ga lugar na malapit sa dagat.
Ang Ama. At sa Guinea sila naghahanap buhay. Ang tauong nagsasalita cay Robinson ay isa sa man~ga Capitan sa man~ga sasac-yang caraniuang naglalayag sa Guinea.
Natotouà ang Capitan na maquipagpanayam cay Robinson, at inanyayahan siyang uminom nang isang tasang cha sa caniyang Cámara. Pungmayag naman si Robinson.
Si Juan. ?Cung sa bagay ang Capitan ay marunong nang ating uica?
Ang Ama. Nacalimutan cong di nasabi sa iyo, na sa Hamburgo ay natuto si Robinson nang uicang inglés, na siyang sinasalita sa Inglatérra.
Nang marin~gig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman: at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang pinagticahan niya sa loob na pagou?
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 62
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.