si Robinson, at pagcatapus caracaraca,y, tinapic ang camay nang caniyang casama, at naguicà: ?caibigan, tayo,y, magcamay at sumacay na tuloy.?
Capagca uica nito ay ipinagbilin sa isa na sa loob nang ilang oras ay paroon siya sa caniyang ama at ina, at sabihing siya,y, lumayag, at nang macarating lamang sa Inglaterra, at caracaraca,y, sila,y, magbabalic. Tambing na lumulan ang dalauang magcaibigan.
Si Juan. Ay, ay! hindi co naiibigan yaong si Robinson.
Si Nicolàs. Aco man.
Si Basilio. ?At baquit?
Si Juan. Sa pagca,t, iniuan ang caniyang man~ga magulang na uala silang pahintulot.
Si Basilio. Mayroon cang catouiran, Juan: gumaua siya nang malaquing camaliang dapat nating icahabag. Mabuti na lamang at bihira ang binatà na di nacatatalastas nang dapat gauin sa canilang man~ga magulang.
Si Nicolás. ?Sa bagay ay mayroong ibang catulad si Robinson?
Si Basilio. Hangan n~gayo,y, uala acong naquiquitang sinoman; datapoua,t, ang natatalastas cong malinao ay ualang mangyayaring magaling sa man~ga binatang para niya.
Si Juan. Cung gayo,y, paquingan natin ang nangyari cay Robinson.
Ang Ama. Ang man~ga marinero,y, itinaas ang man~ga sinipete, at iniladlad ang man~ga layag; humihip ang han~gin at tumulac ang sasacyan, at ang Capita,y, napaalam sa ciudad at macaanim na nagpaputoc nang ca?on. Si Robinson ay na sa ibabao nang cubierta ó carang, casama nang caniyang caibigan, at ualang pagcasiyahan nang toua, sa pagcaquitang siya,y, nacapaglayag din.
Ang arao ay mapayapa, at ang han~gin ay ayon sa canilang patutun~guhan, caya caracaraca,y, di na nila maquita ang ciudad nang Hamburgo; at nang sumunod na arao ay na sa calauacan na sila nang dagat. Ang lupa,y, unti-unting nanaualà sa canilang man~ga mata; datapoua,t, ?laquing pagcagulat ni Robinson sa pagcaquitang uala siyang natatanao sa caliua,t, canan, sa licod at harapan, cundi pulos na tubig, at sa itaas naman ay lan~git!
Si Teodora. Marahil ay iya,y, totoong mariquit pagmasdan.
Ang Ina. Hindi malayong iyong mapagmasdan n~gayong man~ga ilang arao ang naquita ni Robinson.
Si Teodora. Cung gayo,y, ?tayo p? baga naman ay paparoon?
Si Ramon. Paparoon tayo cung ating isasaloob ang pagtuturò sa atin nang Geografia, at capag natutuhan natin ang pagpapalipatlipat sa iba,t, ibang lugar.
Ang Ama. Cung sa lagui ninyong pagsusumaquit sa paggaua, at sa inyong casiyahan sa pagcain at sa paginom ay magcaroon nang lacas ang inyong catua-an, nang mangyaring cayo,y, macapaglayag doon, marahil ay tayo,y, macapagpasial isang arao hangang Travemunda, na doon ang mulà nang dagat na tinatauag na Báltico.
Ang Lahat. ?Oh, totoong buti cung gayon!
Ang Ama. Diya,y, lululan tayo, at tayo,y, dadalhin sa dagat hangang sa may icaapat na leguas. (Capagcarin~gig nito,y, agad nagtindigang lahat, at niyacap sa liig ang canilang ama. May naglalambitin sa caniyang camay, at mayroong yumayacap sa caniyang man~ga paa, na ipinaquiquilala ang canilang man~ga catouaan sa paglulucsahan at pagtatacbuhan.)
Si Luisa. ?Ipagsasama po naman ninyo aco?
Ang Ina. Oo, cung sacali,t, icao ay malacas na, na sucat cang madala roon.
Si Luisa. Datapoua,t totoong malayò, ?ano p?, di p? baga ganoon? Marahil ay malayò pa sa Vandesbec,[1] na tinatahanan nang Sr. Claudio, at nang isang Caballlero na may isang bahay na malaqui, at isang halamanan na totoong malaqui, malaquing di palac sa halamanan natin. Aco,y, naparoon na niyong arao na humahanap tayo nang man~ga batóng sarisaring culay; at niong....
[Talababa 1: Isang bayang ang layò sa Hamburgo ay calahating oras, hindi nalalay? sa bahay sa parang na tinatahan nang autor ay doon ipinalalagay na pinagsalitaan ang Historiang ito.]
Ang ama. At niong pinanonood natin ang pagaararo nang lupa.
Si Luisa. Oo n~ga pò; at niong tayo,y, pumasoc sa pandayang malapit sa daan.
Ang ama. At tayo,y, umaquiat sa guilin~gan.
Si Luisa. ?Aba! oo n~ga pò: doon inilacpac nang han~gin ang aquing sombrero.
Ang ama. Ang sombrero na pinulot at iniabot sa iyo nang batà sa guilin~gan.
Si Luisa. Yao,y, isang batang mabuti, ?ano p??
Ang ama. Isang batang totoong mabuti, na nagpautang sa atin nang loob, cahi,t, di tayo niya naquiquilala.
Si Luisa. ?At inyo pò baga namang guinanti?
Ang ama. Oo: ang baua,t, isa ay dapat gumanti sa nagpapautang sa atin nang loob. Datapoua,t, tila nalilimutan natin si Robinson. Magmadali tayo,t, cung hindi, ay di na natin siya aabutan, sa pagca,t, parang inalilipad ang caniyang paglayag.
Dalauang arao ay nagcaroon sila nang mabuting panahon at mabuting han~gin. Sa icatlong arao ay nagdilim ang lan~git at ang dagat, at nararagdagan nang nararagdagan ang dilim, at saca humihip ang han~ging totoong malacas. Cung minsa,y, totoong maninin~gas ang quidlat, na anaqui tila nagaalab ang lan~git; cung minsa,y, totoong nagdidilim na anaqui hating gabi; sacá sumusunod ang ualang licat na culog; catacottacot ang ulán, na anaqui ibinubuhos, at ang alon ay catacottacot na parang bundoc.
?Cung ating maquiquita ang linucsco-lucso nang sasac-yan! Sinasalubong nang isang mataas na alon na iquinatataas; sacá biglang ibinubulid sa cailaliman. Ang man~ga tauo,y, humahanap nang macapitan, at nang houag silang man~gahulog sa guiniuang guiuang nang sasac-yan. Si Robinson na hindi datihan sa man~ga bagay na ito, ay totoong nalulà, ualang licat ang pagsusucá na halos mamatay.
Si Juan. Ito ang caniyang napala.
Ang ama. ??Ay ama,t, ina co! ang palaguing
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.