sa magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating n��ng panahon na sila,i, paguitna sa mund��, sa masam��ng uaning sa canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.
At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua �� labing apat na taon, sa isang Escuela, Colegio �� sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na canilang pinulot ay tulad sa hir��m na damit saglit na isinoot at biglang hinub��d: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc ay agad nalimutan: caparis nang c��yong nagcuculay dilao, na initan, nang arao, hinipan nang han~gin, ay ag��d cumupas, at di nacalaban sa init at bil��s.
Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na ipinunl�� ninyo, ang hirap ay maguiguing toua.
At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa guitna nang pan~ganib sa mund�� ay nacapag iin~gat, ang maban~g��ng bulaclac na canilang puri ay di nalalant��, at pag dating nating panahon na sila,i, tuman~g��p nang estado nang matrimonio, ay maquita niny�� na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila namang maguiguing anac, ?laqui nang toua na inyong cacamtan!
Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua tauo, magalang sa matatand��, mapagtiis s�� capoua binata, maalam bumagay sa tauo sa mund��; at pagdating nang panahon na sila,i, maguing esposo at ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa paquiquisama sa canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, saan di ang sila,i, capurih��n at caran~galan ninyo.
Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na marunong tumup��d, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna nang mund�� at caguinoohan, ?laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! ?At ang pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan cayo,i, nabubuhay sa mund�� at hangan sa matapus naman ang canilang buhay sa mund��!
Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia �� mag anac. Sa magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay, ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang pagtang��p nang anac nang aral nang magulang.
Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua, macatatah�� ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa.
Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang ulir��n nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.
Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtang��p nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na.
Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang asal nang capatid na buns�� na si Honesto, macapagaaral ang bata, at macatatant�� nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatan��o nang caliuanagan nang canilang bait.
"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal naman, at palibhasa,i, sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan nang masaganang paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, naquitaan naman nang magandang loob.
Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay maniuala at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bub? ay aquing dinamp��t, binucs��n ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay iniin~gatan.
Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mul�� sa arao na yaon, n~guni,i, sariua ring parang cahapon.[1]
Limb��g ca sa dibdib, ay di ca nacatc��t nang habang panahong limb��s nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag ibig.
At cun sa hand��g cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang dumamp��t nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong paghihirap sa aquing pagsisicap, ?ay mahuhulaan caya ninyo ang aquing uiuicain?
Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.
At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita nang alio, uup�� sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman, at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uh��y, ay cumita nang say��.
Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan.
Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at palibhasa,i, cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i, malilimutan na nang mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.