pany? ay marahang gagauin, itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang camáy ay iquinacamot sa haráp. ?Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.
SA ESCUELAHAN.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Do?a Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.
Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpa sa ualang cabuluhan ay tanda nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.
SA SALITAAN.
Si Urbana cay Felisa--MANILA....
FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.