Nang Bata Pa Kami
The Project Gutenberg EBook of Nang Bata Pa Kami, by Pura Medrano This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Nang Bata Pa Kami
Author: Pura Medrano
Release Date: October 10, 2004 [EBook #13686]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NANG BATA PA KAMI ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
PURA L. MEDRANO
NA~G BATA PA KAMI
PANGUNANG SALITA NI Bb. Asuncion Palma
AT MGA KUROKURO NI G. Ros Almario
AKLATANG BAYAN
I AKLAT NG LUPON NG MGA PARALUMAN
1913
Imprenta Sevilla Juan Luna 601, Tondo Manila.
AKLATANG BAYAN
MGA AKLAT SA LIMBANGAN
Pura L. Medrano EDENG II Bahagi n~g "NA~G BATA PA KAMI"
Julian C. Balmaseda SA BAYAN NI PLARIDEL (tula) HIMIG SILAN~GAN (tula)
Benito F. Urrutia ?SINO A~G AMA KO? ?PATAWAD! BENY AT LILY
Ros. Almario NANG AKO'Y MAMATAY, BAGONG PARI
G. CHANCO SA GITNA N~G LUSAK.
=NA~G BATA PA KAMI=
KATHA NI Pura L. Medrano
PANGUNANG SALITA NI Bb. Asuncion Palma
AT
PANGWAKAS NI Ros. Almario
AKLATANG BAYAN. I. AKLAT
NG
LUPON NG MGA PAKALUMAN
=UNANG PAGKALIMBAG=
MAYNILA, 1913.
IMPRENTA SEVILLA al lado del Puente de Jose Manila
[Larawan: Asunci��n Palma-"Kay Puring Chong"]
=_LIHAM SA KUMATHA_=
KAIBIGANG PURING;
Ikaw ay nagkamali, oo, nagkamali kang lubha sa pagpili ng maglalagay ng pang-unang salita sa iyong mahalagang aklat. Ako pa naman ang napita mo, akong batid mong pahat na pahat tungkol sa gawaing ito at bago pa lamang nakikisalamuha sa larangang ng panulat. Kaya't nang sabihin mo sa aking ako ang ibig mong maglagay ng pang-unang salita, ay nasabi ko sa sariling: "?Kinukutya kaya ako o binibiro lamang niya?" Kundi lamang kita nakikilalang isang tapat na kaibigan, uliran sa pakikisama, at ako'y nananalig na wala kang pusong sukat ipang-api sa akin ay pinatampuhan na sana kita, sapagka't ?sino ako upang siyang magbigay ng pang-unang salita sa iyong aklat? ?Anong ayos pa o ganda ang maidaragdag ko sa iyong katha? Wala. Nguni't ang gawi hilig, kilos at damdamin ng dalagang pilipina. Sa pagmamahal ni Edeng kay Manuel, pagmamahal na binalot ng isang lihim na pag-ibig ay minsan mo pang naipakilala ang isang pitak ng kaluluwa ng dalaga ng ating bayan.
Sa wakas ay ibig kong masabi sa iyo na, sa pagkakalathala ng katha mong ito ay dalawang mahahalagang tagumpay ang iyong nakamit; tagumpay ng iyong sarili sa iyong pagka manunulat at tagumpay ng Aklatang Bayan sa pagka kasapi mo sa kanya.
Bumabati at nakikikamay.
ASUNCION PALMA.
[Larawan: Pura L. Medrano]
I
_MGA ALA-ALA NI MANUEL KAY EDENG._
--?...?
--!...!
--?Hindi mo na naaalaala?
Makinig ka't isa-isa kong ipaaalaala sa iyo:
Noo'y musmos pa tayo.
Musmos, oo; wala tayong kamalay-malay sa mga sigalot ng buhay; bago pa lamang tayong humahakbang sa unang baytang ng pag-ibig, at bago pa lamang tayong natututong sumunod sa itinitibok ng ating puso; nguni't hindi pa natin nakikilala kung ano ang pag-ibig. Ang tunay na pag-ibig.
Ang bahay natin ay nagkakatapat halos, at isang hapong masaya ang langit na ikaw ay nasa bintana, ako'y nanungaw, at nang maino mong pinagmamasdang kita'y tumungo ka, tumungo ka't saka ngumiti ng lihim, bago itinaas ang mata at kiming sumulyap sa akin.
Sumandali tayong nagkatitigan at pagkatapos ay isang ngiting busog sa ligaya ang ipinahatid mo sa akin.
Ako'y nasayahan at naramdaman kong sumasal ang tibok ng puso at waring ako'y napa-angat sa aking kinalalagyan na di ko makuro kung bakit.
?Pag-ibig na kaya ang kahulugan ng ngiting iyon? Kung pag-ibig ay ?paano ko maaalaman? At sakaling pag-ibig na nga'y ?ano ang maidudulot sa aking buhay? Ang sunod sunod kong tanong sa sarili.
Sa aking pagdidilidili'y naisip kong itanong sa iyo ang kahulugan ng ipinamalas mo sa akin; nguni't aywan kung bakit at hindi ko man lamang naipahiwatig sa iyo nang tayo'y magkausap. At ... ?naaalaala mo ba ang ating pinagusapan?
Panay na kamusmusan; oo, panay na kamusmusan. Datapwa't nang tayo'y maghiwalay, nang ako'y pauwi na sa amin, ang puso ko'y naligalig at naramdaman kong may bagong damdaming tumubo sa lalong pinakalihim niyang pitak.
Buhat noon, saan mang dako ako mapatungo ay waring ikaw ang aking nakikita, at sa lahat ng akin gawain, sa pag-aaral, sa paglalaro, ay ikaw ang laging sumasaisip ko.
Kung gabi at ako'y nahihilig na sa hihigan, sa piling ng minamahal kong ama, ay lagi akong balisa, napipikit man ang mga mata ko'y gising din ang aking diwa.
At ilan pang araw na gayon ang aking dinanas.
II
Kami ng Nanay ko'y naparoon sa lalawigan ng hindi ako nakapagpaalam sa iyo.
Sa aming paglalakbay ay wala akong nakasama liban sa pighati. Hindi pa kami dumadating sa aming paparoonan ay ninais ko
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.