nang magbalik; nguni't kami'y nasa laot na, at dahil dito ano pa ang aking gagawin kundi ang magtiis. At nagtiis nga ako't nasabi ko tuloy sa aking sariling: "kay hirap pala nang malayo sa minamahal" Oo, mahirap nga. At sukat bang pati ng malamig na simoy ng dagat na dati kong kinawiwililihang sagapin ay kayamutan ko!
Makailang araw, kami'y nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na hindi mo namalayan, at buhat sa "azotea" ng aming bahay ay natanaw kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata.
Noo'y gabing maliwanag ang buwan at kayo'y nasa inyong bakuran.
Agad kitang pinaroonan. At nang ako'y iyong matanaw ay huminto ka sa iyong paglalaro, humiwalay ka sa mga kasama, dalidali kang naupo sa isang nakaalimbutod na ugat ng kahoy at saka nangalumbaba.
Naalaala ko ang aking pag alis ng walang paalam, at sisikdosikdo ang loob kong lumapit sa iyo.
Tumindig ka't tila hindi mo na ako ibig kausapin; at anyo kang aalis, nguni't napigilan kita at nang titigan ko ang mukha mo'y nabanaagan kong dumadaloy sa binurok mong pisngi ang luhang buhat sa iyong pusong naghihinanakit.
Ipinatalastas ko sa iyo na ang aming pagalis ay biglaan at ang aking pagsama'y sa kaibigan ng tatay ko na ang aking ina'y huwag mag-isa sa paglalayag. At palibhasa'y nahalata kong ayaw kang maniwala, ay isinamo kong ako'y iyong patawarin.
Sa aking pagmamakaawa'y nahabag ka. Pinaupo mo ako sa iyong tabi at matagal tayong nagusap.
--?Pinatatawad mo ba ako?--ang una at kiming tanong ko sa iyo.
--Mamaya mo malalaman--ang tugon mo.
--Ayoko ng mamaya pa--ang malambing na ulit ko.
--Oo, pinatatawad kita--ang pangiting salo mo naman.
At ako'y natuwa nang gaya ng dati.
Nang gabing iyon ay marami kang sinabi sa akin gayon din ako sa iyo at kung hindi tayo pinagtuksuhanan ng ating mga kaibigang napatigil sa paglalaro ng tubigan ay hindi pa tayo magkakatapos sa paguusap sapagka't para tayong mga pinagpalang nagpapasasa sa biyayang hulog ng langit. ?Hindi ba Edeng?...
At nagalit ka sa nagsipanukso sa atin, kaya't bubulongbulong kang nakyat at ako nama'y maligayang umuwi sa amin.
III
Kinabukasan.
Pagbabangon ko sa hihigan, ay una kong tinanaw ang durungawan ng iyong silid. Nakabukas ang isang dahon at nakita kong bihis ka na.
Noo'y mag-iikapito na ng umaga, oras ng pagpapasukan sa paaralan.
Sampung minuto pa ang dumaan bago ka lumabas sa pinto ng inyong bahay na dala mo ang iyong mga aklat.
Dalidali akong nanaog at hindi mo naino na sinundan kita hanggang makarating ka sa paaralan. Sa tanghali'y binantayan kita sa aming bintana hanggang makapasok ka sa inyong pintuan.
Gumabi.
Maliwanag din ang buwan.
Ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga kababatang kalapit-bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay sinimulan ang laro. Ngayo'y patintero, mamaya'y takip-silim at bala nang maisip.
Ako'y nanaog upang makihalo sa inyo; nguni't nang naroon na ako't hanapin, kita, ay wala ka.
Kumaba na naman ang dibdib ko at aking isinaloob na ikaw ay nagtatampo pa sa akin, at dahil dito ay naitanong ko sa isang kapwa bata kung saan ka naroon.
--?Hayún ay ... ayaw maglaro!--ang tugon sa akin.
Ako'y lumingon at nakita, kitang nakaupo sa hagdan ng inyong "azotea".
Linapitan kita't aniko'y:
--?Bakit ka nakaupo diyan?
--Mangyari'y hinihintay kita--ang waring may lambing na sagot mo.
--?Ayaw ka bang maglaro?-ang ulit ko na wala nang pangambang may hinampo ka pa sa akin.
--Maglalaro ako kung kasali ka--ang may ngiti mong salo.
--?Naku!--ang pakunwa ko naman.
--Oo,--ang mariin mong agaw na parang ibig mo nang maghinanakit, kaya't sinagot kitang agad:
--Sa totoo man ó hindi ang sinabi mo, ay dapat mong malaman, na kung kaya ako naparitong maglaro ay dahil lamang sa iyo.
Tinitigan mo ako bago ka ngumiti ng ngiting may kasiyahang loob.
Tinawagan natin ang mga kasama at tayo'y tumayong pabilog at pagdaka'y sinimulan mo ang "Pepe-serepe" at....
?Kay, pilya, pilya mo! sinadya mo pang ako ang mataya.
Pagkatapos ay nagtakbuhan kayong ako ang inyong kasunod.
Aywan kung bakit, at noo'y wala akong abutan sa inyo: kay tutulin ninyong tumakbo, para kayong mga ibon.
Sa ikatlong inanduyan ay nahapo ako at....
--Batugan, batugan--ang sigawan ninyong lahat.
Ako'y napahiya.
Naawa ka sa akin, at binulungan mo ako ng:
--"May mahuhuli ka na ngayon"--at saka patakbo kang lumayo. Nguni't ilang hakbang lamang ay tumigil ka na at hindi pa mandin kita nahahawakan ay sumigaw ka:
--"Nahuli ako, nahuli ako"--at idinugtong mo pa ng marahan ang ganito:--"Kaawaawa ka naman, tutubusin kita't pagod na pagod ka na".
Oo, patangpata na nga ako; danga't kasali ka, kundi'y umuwi na sana ako sa ikalawang takbuhan pa lamang.
Ang ating laro'y natapos ng gabing iyon, sapagka't sa nagsisunod na gabi'y panay na salitaan ang ating ginawa. Nguni't ?ano ang ating napagusapan? ?Panay pang kamusmusan na gaya ng mga unang araw?
Hindi na.
?Nagkatalastasan na kaya tayo ng itinitibok ng ating puso?
?Aywan! datapwa't buhat noon ay unti-unti na tayong lumayo sa, ating mga kababata, sapagka't palagi tayong pinagtututukso.
IV
Ang patintero, ang takip-silim at iba pang laro na napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat sa bulwagan ng inyong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.