Masakím

Andrés Pacual
Masakím

The Project Gutenberg EBook of Masakím, by Andrés Pascual This
eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no
restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it
under the terms of the Project Gutenberg License included with this
eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Masakím
Author: Andrés Pascual
Release Date: May 14, 2006 [EBook #18386]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK MASAKÍM
***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed
Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng
panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay

hindi na ginagamit.]
=Colegio "LA JUVENTUD"=
Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno.
Bajo la direccion del Prof.
=Perfecto del Rosario.
MORIONES, TONDO.--MANILA=
* * * * *
=Estudios de Primary school, Intermediate y Secondary y Especiales de
Peritaje Mercantil, Mecanico y Agrimensor.
Reciben internos, medio-internos y externos.=
* * * * *
=Ang GAWAAN NG GUITARRA=
_ni Pedro Buencamino.
Calle Dulumbayan Blg. 139._
* * * * *
Ay gumagawa ñg sarisaring instrumento de cuerdas at nagbibili ñg ibat
ibang cuerdas sa mababang halaga.
=Aklatang "HANTIK" ni J.D. Ampil at ka.=
* * * * *

=¡¡¡MASAKÍM!!!=

sinulat ni
=Andrés Pascual=
UNANG PAGKALIMBAG
=NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910.
Limbagan ni MANUEL MIRANDA=
Daang San Jacinto Blg. 50
* * * * *
="LA UNION"
SOMBRERERIA
RELOJERIA
AT PLATERIA
Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello,
Punos, Korbata at iba pa.
Aring tunay ng kalahi.
A. RIVERA
Rosario, blg. 81 Maynila K. P.
May malaking pagbabawas sa pakiawan.=
[Larawan]

=I.
SINO KA?=

Hating gabi, madilim, ang mga dahon n~g halaman ay nangakayuko,
ang mga ibon ay di man lamang humuhuni, sa mga hayop mula sa
kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na
ungol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap
ng ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang
nangagpapahin~galay, ang m~ga hapó at ngaláy nilang bisig sa
pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at
waring ipinaghehele ng m~ga walang patlang at malalaking patak ng
ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa
isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong
kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at
sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may
pangkaraniwang laki.
Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at
ang langit ay biglang nasabugan n~g mga maliliit na mata ni Bathala,
noon mga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g mga lihim na
gawa at pangyayari sa boong magdamag.
Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig:
--Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas.
--Ako ... ang sagot naman.
--Sinong ikaw?
--Ako, ang iyong minamahal.
--Peping!
--Delang!
--Bakit ka naparito?
--Ayaw ka bang pumarito ako?
--Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko
matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka

nagpapakapuyat ay mayroong clase kayo bukas?
--Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka
at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang
matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko ng mga sariwang
ala-ala.
--Baka sila magising?....
--Hindi.
Makaraan ang mga ilang mabayanad na yatiit ng sahig ay nabuksan
ang tabing ng pinto at sa susungaw ang ating binibini; maputi at wari'y
isang tala na panginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningningan kaya't
walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at
pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na
n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na
pagmamahalan! at pagkatapos maigawad ng isá at isa ang nararapat
ay nangagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim ng isang
malabay na puno ng acacia.
--Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata.
--At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating
binibini.
Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at mga lan~gitn~git ng sahig
na muli ang narinig mulá sa itaas.
--¡Nagising! ¡Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa.
Isinoot na dali dali ng ating binata ang kaniyang capote_ at nagkanlong
sa puno ng kahoy na nasa gawing likuran ng kanilang pinagulayawan
sa nasang makimatyag ng mga mangyayari. Dahan dahang pumanhik
ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka nangaling" at
sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang
lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy ng umuwi at
naghintay na lamang ng kinaumagahan.

=II.
Walang Dios? ¡Nakapangíngilabot!=
Lingo.
Sa isang bahay-samahan sa nayon ng X ... ay nangagkakatipon na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.