Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo

Not Available
Mahal na Ejercicio ó Devocion
nang Pitong
by Anonymous

The Project Gutenberg EBook of Mahal na Ejercicio ó Devocion nang
Pitong
Arao na Domingo, by Anonymous This eBook is for the use of anyone
anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You
may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project
Gutenberg License included with this eBook or online at
www.gutenberg.org
Title: Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo
Na pinagcalooban nang santo papa nang indulgencia plenaria sa balang
domingo
Author: Anonymous
Translator: D. Antonio Florentino Puansen
Release Date: July 15, 2006 [EBook #18830]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK MAHAL
NA EJERCICIO Ó ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online

Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng
Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng
panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]

=MAHAL NA EJERCICIO=
Ó
=DEVOCION NANG PITONG ARAO NA DOMINGO,=
NA PINAGCALOOBAN NANG SANTO PAPA NANG
INDULGENCIA PLENARIA SA BALANG DOMINGO.
Sa capurihan nang pitong sáquit at pitong ligaya nang malualhating
Patriarca.
=SEÑOR SAN JOSEF.=
Tinagalog ni
D. Antonio Florentino Puansen,
* * * * *
Maestro sa latinidad, at ipinalimbag n~gayon nang man~ga P. P.
Recoletos.
May lubos na capahintulutan

=MANILA:--1906=
Imprenta de Santos y Bernal
Echagüe 84, (Sta. Cruz.)

=DON LUIS REMEDIOS,=
Presbítero, Secretario de Cámara Y Gobierno Del Arzobispado de
Manila.
Certifico que á la instancia presentada por Don Antonio Florentino
Puansen en solicitud de licencia de impresion, S. E. I. se ha servido
decretar lo siguiente:
Manila I.° de Octubre de 1874. Por las presentes y por lo que á Nos
toca, concedemos la licencia necesaria, para que pueda imprimirse el
manuscrito tagalo titulado =Mahal na, Ejercicio, ó Devocion nang
pitong arao na Domingo:= en atencion á que de nuestra órden ha sido
examinado, y segun la censura no contiene cosa alguna contra el dogma
y la moral, y que será muy útil, para promover la devocion =al Señor
San Josef.= Librese por Secretaría testimonio de este decreto, y
archívese original.--Gregorio, Arzobispo.--Por mandado de S. E. I el
Arzobispo mi Señor.--Luis Remedios.
Y en cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente
certificacion en Manila, á primero de Octubre de mil ochocientos
setenta y cuatro.--Luis Remedios.
[Larawan: Si Jesus at Josef.]

=JESÚS, MARÍA, Y JOSEF.=
Ang devoción sa daquilang Patriarca San Josef, ay tumutubó at
sumusulong na para nang devoción sa malualhating Virgen María.
Natalastas nang man~ga tapat na loob na anac ni María, na itong mahal

na Ina ay nalulugod sa man~ga tan~ging galang at puri sa
calinis-linisang Esposo niya.
Sinasabi nang marunong at mabait na si Padre Faber, na ang unang
dapat tun~guhin nang ating devocion ay si María, at ang icalaua ay si
San Josef: at mapatototoohanan, na anomang pahayag sa capurihan
nitong maloualhating Patriarca, ay nababagay sa man~ga ugalí at asal
nang tunay na pag-cauili nang loob sa Dios.
Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga
tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay
pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, ó pinadadalhan cayâ
nang man~ga hirap at parusa:[1] at sa bagay na ito ay parating inaalaala
sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni
Jesús, María, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa
caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cayâ ang man~ga tapat na
loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang
pitong sáquit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal
nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa
uicang castilá ay Siete Domingos.
Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos
Pontífices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito,
at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang
mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef.
Ang Sumo Pontífice Gregorio Décimosesto, sa 22 nang Enero nang
taon 1836, ay nagcaloob nang 300 arao na indulgencia sa taimtim na
pagdadasal nang pitong ligaya at pitong sáquit ni San Josef, sa balang
isang arao nang Domingo, at isang indulgencia plenaria sa catapusan ó
icapito: ang man~ga nasabing arao nang Domingo ay dapat
magsunodsunod sa loob nang taon, at bahalang pumili ang maghahain
nitong devocion.
Ang banal na Sumo Pontífice Pio Nono, sa manin~gas na pagsinta sa
Virgen María, at sa pagnanasang maquilala, at mahalin saan man ang
devocion sa Esposo niyang si San Josef, ay nagcaloob naman nang
isang indulgencia plenaria,[2] na macacamtan sa balang isa sa pitong

arao na Domingo, at maipatutungcol sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.