Mahal na Ejercicio ó Devocion nang Pitong Arao na Domingo | Page 9

Not Available
nang pagsuboc, ó año de noviciado, ay natuloy na
ang pagsosoot niya nang hábito. Pagcaraan nang labin dalaoang taon,
ay tinucsó at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na
magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hulíng panahon, at nag bago na
n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang
monasterio, at nasunod ang nasá niya; datapua mulâ niyon ay naualan
siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis
sa daang itinuró nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang
tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi
napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay huminá
ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umuî sa bahay. Tiningnan
siya, at inalagaang magaling nang caniyang familia; at ganoon man ay
hindi siya mapalagay, at parating ipinagbubuntong hinin~ga ang unang
calagayang iniuan: at limang buan na nag amoamó sa man~ga dating

punó, na siya ay moling tangapin, at hindi naman pinaquingan.
Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, ó pagsisiam na arao, nagtiis
nang hirap nang ayuno, at man~ga ibang pasáquit, at pumasoc sa ibang
convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; n~guni anoman
ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating
iquinababalisa ang nagauang sala. Sa ganoong hirap ay hinatulan nang
isang caibigan na siya ay paampon cay San Josef, at ialay sa maauaing
Patriarca ang devocion nang pitong arao na Domingo: at minagaling
niya ang hatol, at inasahang cacamtan sa buan nang Marzo ang
biyayang ninanasá. Anim na lingong nagtiagâ sa taimtim na pag amo
cay San Josef, na siya ay tulun~gan, at sa icalabing pito nang naturang
buan ay naquilala ang auá nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon
ay nasalubong siya nang dating punó, at sa pagquiquita nila, ay
nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa
inalisang comunidad, cun matapus niya ang año de noviciado, na para
nang una.
Sa icalabin siam nang Marzo, arao nang fiesta ni San Josef, ay moling
isinoot ang iniuang mahal na hábitó, at mulâ niyon ay tumahimic ang
loob niya, at nacamtan nang caloloua ang capayapaang nauala.
=SA ICALIMANG DOMINGO.=
5. Sinasalita nang isang may catungculang dumalao, at magdala nang
limos na sa ilang mahirap, alinsunod sa Regla ni San Vicente de Paul,
na siya ay dumadalao sa isang mag asauang caauaaua, na ang anac ay
lima, at ito ang naquita, at nangyaring pinatototoohanan niya. Ang ama
ay may sáquit sa hospital, at ang anac na bunsô, na si Pablo ang
n~galan, ay nahihigâ naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang
cataoan ay tuyóng tuyô, at butó at balat na lamang, at cun iburol, ay
ualáng hindi magsasabi na ang batá ay bangcay na mistulá: at ang
dumalao na médico, ay nan~gusap nang ganito sa ina: Ang anac mo ay
mamamatay na ualáng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol,
sapagcat ang sáquit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot.
Nagdalamhatí at nanambitan ang ina, pagcapan~gusap nang médico;
datapua biglang tumapang, at parang lumiuanag ang loob niya, at

inaasahang gagaling ang batang may saquit, niyong maalaala ang
devocion nang pitong arao na Domingo, na moli at moling nabasa sa
isang munting libro, na hindi pa nalalaong ibinigay sa isa sa man~ga
anac niya n~g tauong nagsasalita nito, at tinauag na n~ga, at
pinagsabihan ang caniyang apat na anac, na totoong cailan~gan ang sila
ay mag alay n~g isang novena, ó pagsisiam na arao sa malualhating
San Josef, n~g gumaling ang capatid nilang si Pablo. At guinaua na
nilang taimtim sa loob ang pagsisiam, at madali namang nagpaquita
nang aua si San Josef, yayamang sa catapusan nang novena,
lumacaslacas na, at nacacain ang batang may saquit, at gumaling tuloy
sa loob nang tatlong lingo. Ito ay nangyari sa arao n~g Pascua nang
taóng 1858, ang edad nang batâ ay limang taon, matalas ang isip at
pumasoc na sa escuela.
=SA ICAANIM NA DOMINGO=
6. Sa isang convento nang man~ga babayi sa ciudad nang Falalen,
provincia nang Namur, sa caharian nang Bélgica, ay nagcaroon nang
isang religiosa Inglesa,[7] na maraming pamangquing protestante.[8]
Dinalao ang religiosa nang isa sa m~ga nasabing pamangquin, at
sapagca,t, ito ay mairog at mababang loob, ay quinalugdan n~g ale, at
iniamô sa man~ga caibigan at casamang religiosas, na pagtulun~gan
nilang hin~gin sa Dios, na ang caniyang pamangquin ay cumilala at
sumucô sa Santa Iglesia: at inaralan nang caunti ang pamangquing
napaalam. Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga
aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating
nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang
caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na
siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral
sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na
sinundan nang dalauang novenas; ó pagsisiam
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 15
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.