Justicia Nang Dios
The Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Justicia Nang Dios
Author: Mariano Sequera
Release Date: October 10, 2004 [EBook #13683]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA NANG DIOS ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
JUSTICIA N~G DIOS
M~GA ILANG BAGAY NA INASAL DITO SA FILIPINAS NANG MAN~GA FRAILE,
SINULAT NI
MARIANO SEQUERA
Redactor sa pamahayagang ANG KAPATID N~G BAYAN, EL GRITO DEL PUEBLO at sumusulat sa iba,t, iba pang nilalathala dito sa Maynila.
UNANG BAHAGUI NANG ?NASAAN ANG DIOS!
1.a Edicion.
MAYNILA
LIMBAGAN NI CHOFR�� Y COMP.a
Escolta, num. 33
1899
Sa Inang Filipinas.
Sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'y nag-alay n~g bun~ga n~g isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing dan~gal co sa buhay na quipquip.
N~g upang sacaling man~giba mang bayan na hindi sarili,t, tungtun~g��n co lamang, ?Ina co'y! marinig mauica n~g ibang aco ay sa iyo marunong magmahal.
Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit alay co sa iyo at pag-asa'y labis na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig.
Yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, ?oh! Ina cong bayan! bulaclac n~g isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay.
Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis, itong alaala'y, papaui sa saquit sanhi rin sa iyo ?oh! bayan cong ibig.
Hanganang co ito,t, aquing ipapaling ang tan~gang cong pluma sa ibig lumining nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin yamang talastas n~g sa iyo ang dahil.
MARIANO SEQUERA.
Pasimul��.
Manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay, sa isang uupan aco'y, nagulaylay at pinaguauari itong calagayan.
Ualang ano ano'y, sumilang sa isip yaong paglilibang sa jarding mariquit caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy n~g han~ging malamig.
At aquing tinun~go na cusang hinanap ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac pagdating co roo'y, pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas.
N~guni at nalooy, nalagas na tunay nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam, napaui ang gand��, lumipas ang culay, caya,t, ang puso co ay muling nalumbay.
At saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tan~gan nalungcot naman din, puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin at uari'y, pinucao ang aquing panimdim.
Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam saca binalangc��s sa isip ang bagay, niyaong co natanto,t, nabatid na tunay, ang lungcot na yao'y, dahil din sa bayan.
Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat, pagca,t, natanto co ang fraileng dulin~gas ay binubusabos Inang Filipinas.
At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing naquita asal na mahalay guinaua n~g cura sa isang mag-inang ipinahamac niya.
Ang nangyaring ito'y siyang isusulit at gauing liban~gan n~g tanang capatid JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip itauag sa gayong namasda,t, nabatid.
Ang sumulat.
Puno nang salita.
Cailan mang panahon ang casamaan cung umiral ma'y sa sandali lamang Aco.
May isang mag-inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano ang n~galan; ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay, baquit ulila na sa dapat magmahal.
May loob sa Dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,t, mahirap maganda ang asal, matamis man~gusap sino mang tumin~gi'y malulugod agad.
Ang caniyang ina,y lubha ring mabait di saquim sa pilac, totoong malinis, sa arao at gabi'y ualang ini-isip cung hindi ang gutom canilang mapatid.
Sa isang paraang mabuti,t, mahusay, at hindi naghan~gad n~g anomang yaman, cung di yaong anac malinis matanao sa harap n~g mundo,t, hangang calan~gitan.
Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating sa canilang bayan isang fraileng saquim; at doo'y nagcura nan~garal na tambing n~g utos n~g Dios na dapat ganapin.
Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta ang puso at loob n~g nasabing cura, caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t, agad pinahanap n~g isang dalaga.
Aniya'y, libutin ang loob n~g bayan at iyong sabihin sa m~ga magulang na may m~ga anac na dalagang tunay na sa arao arao'y, pasa sa simbahan.
At huag lilimuting sila ay sasaglit matapos magsimba sa convento'y, manhic at ito'y, bilin co siyang isusulit sapagca,t, utos n~ga: n~g Dios sa lan~git.
Itong monaguillo'y, agad n~g sumagot: na caniyang tutupdin sa among na utos, caya n~ga,t, nalis na at cusang naglibot at sa bahay bahay ay manhic manaog.
Palibhasa n~gani ay utos n~g cura. lahat n~g magulang tumupad pagdaca at sa arao arao ay nan~gagsisimba,t, anac na dalaga'y, canilang casama.
Pangagaling pa n~ga doon sa Simbahan sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.