Ibong Adarna

Not Available
Ibong Adarna

The Project Gutenberg EBook of Ibong Adarna, by Anonymous This eBook is for the use
of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy
it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Ca
Author: Anonymous
Release Date: July 1, 2005 [EBook #16157]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK IBONG ADARNA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG
Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan. Dedicated
to the three Filipino comedians Dolphy, Panchito and Babalu who made this folklore
memorable in a 1970s film adaptation.

IBONG ADARNA
AKLATAN NI JULIANA MARTINEZ 116 P. Calderon, Manila
CORRIDO AT BUHAY NA PINAGDAANAN NANG TATLONG PRINCIPENG
MAGCACAPATID NA ANAC NANG HARING FERNANDO AT NANG REINA
VALERIANA SA CAHARIANG BERBANIA
Virgeng Ináng mariquit Emperadora sa Langit, tulungan po yaring isip matutong
macapagsulit.
Sa aua mo po't, talaga Vírgeng ualang macapára, acong hamac na oveja hulugan nang
iyong gracia.
Dila co'i iyóng talasan pauiin ang cagarilán, at nang mangyaring maturan ang munting
ipagsasaysay.
At sa tanang nangarito nalilimping auditorio, sumandaling dinguin ninyo ang sasabihing
corrido.
Na ang sabi sa historia nang panahong una-una, sa mundo'i nabubuhay pa yaong
daquilang monarca.
At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si doña
Valeriana.

Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang
Berbaniang caharian.
Ang haring sinabi co na ay may tatlóng anác sila, tuturan co't ibabadyá nang inyo ngang
maquilala.
Si don Pedro ang panganay na anác nang haring mahal, at ang icalaua naman si don
Diego ang pangalan.
Ang icatlo'i, si don Juan ito'i siyang bunsong tunay, parang Arao na sumilang sa
Berbaniang caharian.
Ito'i, lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang
haring amá.
Para-parang nag-aaral ang manga anác na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang
magulang.
Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang
monarca.
Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay
nag-aantay pag-utusan.
Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó.
Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó
magcorona.
Ang sagót nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona't,
cetrong mahal.
Nang itó ay maringig na nang haring canilang amá, pinaturuan na sila na humauac nang
espada.
Sa Dios na calooban sa canilang pag-aaral, di nalao'i, natutuhan ang sa armas ay
pagtangan.
Ito'i, lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbadyá itong daquilang
monarca.
Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán
niyang banig.
At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo
at pinatay.
Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa balón na
calaliman.
Sa pananaguinip bagá nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigán
niyang cama.
At hindi nanga na-idlip sa malaqui niyang hapis, sa hirap na masasapit niyong bunsong
ini-ibig.
Ito ang niyang dahilán nang sa bungang panaguimpan tuloy ipinagcaramdam at sa banig
ay naratay.
Nagpatauag nanga rito marurunong na médico, dili masabi cun anó ang saquit nang
haring itó.
Sa gayong carami bagá medicong tinauag nila, ay ualang macapagbadyá sa saquít na
dinadalá.
Ay mayroon namang isá na bagong cararating pa, siyang nagpahayag bagá saquit nang
bunying alteza.
Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpán, sa iyo'i, aquing tuturan ang iyo

pong cagamutan.
May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcantá ang
saquít mo'i, guiguinhaua.
Sa Tabor na cabunducan ang siyang quinalalaguian, cahoy na hinahapunan Piedras Platas
ang pangalan.
Cun arao ay uala roon itong encantadang ibon, sa iba sumasalilong at nagpapaui nang
gutom.
Cun gabing catahimican ualang malay ang sino man, ay siyang pag-oui lamang sa Tabor
na cabunducan.
Cayá mahal na monarca yao'i, siyang ipacuha, gagaling pong ualang sala ang saquít
mong dinadalá.
Nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca'i, inutusan ang anác
niyang panganay.
Si D. Pedro'i, tumalima sa utos nang haring amá, iguinayác capagdaca cabayong
sasac-yán niya.
Yao nanga't, lumacad na cabunducan ang pinuntá, at hahanaping talagá, mahal na ibong
Adarna.
Mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa párang, at hindi nga maalaman ang Tabor na
cabunducan.
May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan capagcaraca itong príncipeng
masiglá.
Sa masamáng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i,
namatáy.
Di anong magagaua pa uala nang masac-yán siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad
capagdaca.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 24
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.