Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting

José R. Francia
ꗖ
Biro!... ó Ang Anting-Anting, by José R. Francia

Project Gutenberg's Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting, by José R. Francia This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting
Author: José R. Francia
Release Date: July 11, 2006 [EBook #18805]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK HINDI BIRO!... ó ANG ANTING-ANTING ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=HINDI BIRO!...=
ó
=ANG ATING-ANTING=
=SINULAT NI=
=J.R. Francia=
=IKALAWANG PAGKAPALIMBAG=
MAYNILA
"STANGL PRESS"
641 Sales, Sta. Cruz Manila 1919

=STANGL PRESS
641 SALES. P.O BOX 733=
La mejor Imprenta para trabajos buenos y económicos. Especialidad en publicaciones técnicas y profesionales. Tarjetas= Membretes=Facturas= Folletos=Revistas= Programas=Invitaciones= etc., etc.
=P.L STANGL.=

=SA SIPI SA TATLONG LIHAM NA TINANGAP NG MAY AKDA=
Upang maguing sandalan n~g kahinaan n~g may akdà nitong "Hindi Biro! ó ANG ANTING-ANTING" ay salun~gát man sa kaniyang katutubong damdamin ay minarapat na isalin dito ang bahagui n~g tatlong liham na tinangap nia ukol sa ikawawasto n~g akdang ito.
--Kay G. Gregorio Orda, Abogado, taga Atimonan, Tayabas na may petsa 12 n~g Enero n~g 1911.
"Nabasa ko ang magandang akdà mo at sa pagbasa ko'y nagkamit ako n~g maligayang sandali at katuaang naka pagpaalaala sa akin sa namatay na matandang Pule (Apolinario Montese?a) baga ma't ito'y hindi tulisan, na ito lamang ang ipinagkaiba, at sa bagay na ito'y binabati kita at pinupuri ko ang akdà mo, na samantalang nakatutwa ay nakapag papaayos n~g m~ga kauagalian, sapagka't nag aanyaya sa pag gawa at nagpapatakuil n~g m~ga kagagawan."
"Ipahintulot mo na maipalathala ko sa linguhang naming "LAONG LAAN" dine sa Tayabas, upang maguing mabuting aral sa kinauukulang sinoman."
--Sulat ni G. M Quiogue, Socialista at Kalihim n~g paggawa n~g tabaco't cigarrillong "KATUUSAN" na may petsa 8 n~g Enero n~g 1911.
"Nag papasalamat po ako sa n~galang n~g Samahan sa katan~giang guinawa ninio sa pagawaang itong ganap na pilipino."
"Sa boong muni at pag lilimi ay binasa ko ang munti niniong aklat at isinaalangalang ang basal pang katayuan n~g panitikan nating tagalog, ay ang akdà ninio'y nakakapara n~g "mumunti datapua't malaking aklat" n~g m~ga Europeo, dahilan sa pagay niang lubos na makabago at mapagturo, upang sa karaniwan n~g ating m~ga kababayan ay maparam ang sinsay na paghahakà."
"Naibalita ko po at ipinabasa sa m~ga manggagawa ay nais nilang matanto kung saang mga aklatan na nabibili, at kung magkano ang bawa't isa."
--Kay G. F. Pantua, makabayan, Kalihim n~g Samahang "MAKILING" sa isang pulong na idinaos n~g Samahang ito na may petsa 31 n~g Diciembre n~g taong 1910.
"Binasa n~g Kalihim ang liham ni G. José R. Francia na may petsa 26 n~g kasalukuyan, na dito'y ibinabalita nia ang nais niang ipalathala ang kalakal n~g Samahan, na walang bayad na anoman maliban sa makatulong sa ikalalaganap nito, at nagpadalá n~g m~ga salin. Sa maunawa n~g kapulun~gan, sa mungkahi ni G. Arieta (anak) ay pinagkaisahan na di lamang itinutulot kundi pinasasalamatan at kinikilala ang katan~gian n~g gawang ito sa n~galang n~g boong Samahan."
ANG UMAKDA.

=HINDI BIRO!...=
ó
=Ang Anting-anting=
I
Noon ay panahong lumipas, n~guni't hangan n~gaio'y naaalaala pa n~g marami sa atin, na, si Juan Hanipol ay isang binatang may hilig na totoo sa pag anting anting.
Si matandang Taciong Kabál ó Bakal ay isang magaling na lalaki, at balitang tulisan noong m~ga dakódakong panahon, n~guni't matagaltagal nang na nanahimik at bagama't matanda na'y nagsasaka pa sa kaniang bukid. N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong Sistidor.
Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang nag hahanap n~g galing ó anting-anting.
--Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting kasangkapang mabuti sa katawan.
--Anong ibig mong kasangkapan?
--Ang ibig ko po'y ...yaon po bang kung ako halimbawa'y may masasalubong sa daan ay huwag akong makita.
Pinag masdán ang kausap buhat, sa ulo hanggan paa samantalang isinub? ang binayong itsó sa kaniang kalikot, at tinapik sa balikat at sinagot:
--Ako bata'y hindi na nag iin~gin~gat nian at kita mo, na ako'y matanda na: n~guni't kung ikaw ay matitirá dito sa aking bahay hangang ako'y mamatay ay pamamanahin kita, sakali't maglinkod ka n~g tapat sa aming mag asawa. Kita mong kami ay walang anak na isa man lamang.
--Kung iyon po lamang Lelong, ay pabayaan ninio't pag sisilbihan ko kayong parang magulang, lalo't ako'y hindi po naman nakakilala n~g ama't ina at n~g maewan po ako'y musmos
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.