Esperanza

Jose Maria Rivera
ᴘ
Esperanza, by Jose Maria Rivera

The Project Gutenberg EBook of Esperanza, by Jose Maria Rivera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Esperanza
Author: Jose Maria Rivera
Release Date: July 18, 2006 [EBook #18858]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ESPERANZA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

=AKLATAN N~G ?TALIBA?=
=ESPERANZA=
=DULANG SOSYAL=
NA MAY
=ISANG TANGING YUGTO=
Nagkamit n~g Unang Gantingpalà sa Timpalak n~g m~ga Dula, na binuksan n~g samahang "Ilaw at Panitik".
katha ni
=JOSE M.a RIVERA=
MAYNILA, 1916
Limb. ng ?La Vanguardia? at ?Taliba? Gunaw 126, Kiyapo.

=DULANG TAGALOG=
=ESPERANZA=
=DULANG SOSYAL=
na may
=ISANG YUGTO=
TUNDO, MAYNILA
1913.

=MGA TAO NG DULA=
ESPERANZA. ARTEMIO. RAMON. RAFAEL. SALUSTIANO. DELFIN. G. LUIS. Ga. AMALIA. G. MATEO.
Pinangyarihang Panahon: Kasalukuyan.

=ALAY.....=
sa m~ga mahal na katotong
Cirio H. Panganiban at Teodoro E. Gomez.
=ANG KUMATHA=

=TANGING YUGTO=
Bahay ni Artemio.--Pagbubukás n~g Tabing ay mamamalas ang kagayakan n~g isang loob n~g bahay n~g mahirap. Makikitang si Artemio ay nakahiga sa isang papag na may talì n~g isang pany? ang kanyang ulo. Ang ayos ni Artemio ay parang may dinaramdam na sakit. Sa kabilang panig n~g bahay, na mangyayaring maging sa batalán, ay makikita si Esperanza na naglalabá==Pag an~gát n~g Tabing at pagkaraan n~g isang sandal?, ay titindig sa kanyang pagkakaup? si Esperanza.
Hapon, at ang ilang anag-ag n~g araw na matuling tinutun~go ang kanyang kanlun~gan, ay pumapasok sa isang bintanà n~g kababayan.

=I TAGPO=
=Si Esperanza, pagkatapos, si Artemio=
Esp. (Mula sa labas.) Kaawaawa ang aking si Artemio!... Tatlong araw na n~gayong hindi makakain!.. Lagi nang isa* mo'y may malalim na iniisip!... May sakit kaya?
Art. (Mula sa kanyang hihigan. Uubo, at pagkatapos ay magtuturing.) Bathala!... Lahat na po n~g hirap ay ibagsak na sa akin, n~guni't ipagkaloob mo po lamang na magpatuloy sa pagbuti ang puso at kalooban n~g aking si Esperanza!... (Hihintong sumandali.) Di po kailan~gan na batahin ko ang lahat n~g pahirap matubos ko lamang siya....
Ay ...!!!
Esp. (Papasok.) Bakit, aking Artemio, may sakit ka bang dinaramdam?
Art. Wala, aking mahal na asawa.
Esp. (Kulang nang paniwala.) Wala? Nagkakaila ka sa akin.
Art. (Pan~giti.) Maniwala ka aking Esperanza sa katatapos na isinagot.
Esp. Huwag mong ipilit Artemio ang pagkakailá n~g iyong dinaramdam sa katawan. Talos ko, aking mahal na Artemio na tatlong araw na n~gayong hindi ko man halos makakain. ?Alin ang sanh? n~g gayon?... (Pasumala) Marahil ay hindi ko nararapat na malaman, at dahil dito'y hindi naman akó nagpupumilit na manawa ang gayon.
Art. Huwag, huwag kang magturing n~g ganyan. Esperanza pagka't ang sarili mo ang siya ring sinusugatan: Tunay n~gang may kaunti akong dinaramdam, n~guni't wala namang gaanong kabigatan.
Esp. Kung gayon, ay hayo, turan mo sana sa akin ang iyong damdamin.
Art. Tunay n~gang may m~ga tatatlong araw na n~gayon na laging sumisikip ang aking dibdib.
Esp. Gayon pala, ay ?bakit hindi mo nasabi sa akin?
Art. Mangyari, ay walang kabigatan.
Esp. Marahil n~ga'y tunay ang iyong sapantaha, n~guni't kailan~gan din yata na ikaw ay makita n~g m~ga gamot.
Art. Huwag na.
Esp. Hindi. N~gayon din ay tatawag ako n~g isang manggagamot at n~g makilala ang sanhi n~g iyong dinaramdam. (Anyong aalis. Sasansalain ni Artemio.)
Art. Bayaan mo na, at ito'y walang anoman. Kabigatan.
Esp. Hindi, hindi ko matitiis na makikita kang may karamdaman at hindi ikita n~g lunas ang gayon.
Art. Kung mapili ka sa iyong nasa, ay bayaan mo n~g ako ang siyang tumun~go roon. Arimuhanan din ang mabawas sa dalawang piso na ating ibabayad sa Mangagamot, kung siya pa ang paririto.
Esp. Huwag na, at baka ka pa abutan sa iyong pagtun~go doon.
Art. Hindi, huwag kang mag-ala-ala. Sa awa ni Bathala, ang dati kong lakas ay hindi pa din nagbabawa, ni hindi humihiwalay sa akin.
(Aalisin ang nakataling pany? sa kaniyang ulo. Huhusain ang kaniyang buhok, at pagkatapos ay kukunin ang kaniyang sombrero at bago umalis ay magtuturing n~g:)
?Hangang mamaya!
Esp. Hanggang mamaya aking Artemio, at kaiin~gat ka sana sa iyong katawan.
(Aalis si Artemio.)

=II TAGPO=
=Si Esperanza ay nagiisa=
Esp. (Luluhod sa harap n~g isang Kristo. Malumbay) ?Bathala!... ?Bathala!... Ipagkaloob mo po sanang ang sakit na dinaramdam n~g aking Artemio ay huwag maging mabigat. Ipagkaloob mo po Diyos ko, na ang manggagamot na titin~gin sa kaniyang damdamin, ay matuklas ang gamot n~g kanyang karamdaman!... ?Para mo na pong habag sa akin!... At, kung ang ikagagaling po niya'y ang aking buhay, naito po, at maluwag kong inihahandog sa inyo ang aking puso ...
Mula sa labas. ?Tao po!
Esp. (Sa sarili). ?May tao!... (Tatayo sa kanyang pagkakaluhod tutun~guhin ang tarangkahan at bubuksan). ?Tuloy
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 7
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.