Ang m~ga humahakbang n~g walang wawa na di iniíno kung mahusay ó hindi ang lakad, alalaon baga'y iniindayog ang boong katawan kasabay n~g paa ay m~ga magagaspang na tao at un~gas. Yaong nagbabago n~g an~gat n~g m~ga paa, minsan mapahaba at minsan mapaikli ay m~ga taong masasawiin sa hanap buhay at sa pagbabago n~g pagiisip ay di malayong maulol, at madalas naman na mapatigil sa pagiisip at kung minsan ay nagdudumali sa ano mang gagawin. Ang m~ga may hakbang na maiikli at madalas ay m~ga may pusong babaye, kulang n~g tapang at siglá. Ang taong kung lumalakad ay tila nanghihina ang tuhod na napapasulong ang katawan at ulo sa paglakad na tila may nagtutulak sa harapan at sa likuran ay m~ga taong may ugaling pagkababae at walang iniibig kundi ang sarili katulad ni Narciso sa Mitolohiya; m~ga taong han~gal. Yaong m~ga taong ang yapak n~g m~ga daliri ay nalilihis ó nalilisyang patun~go sa labas na nabubungg? ang dalawang sakong ay m~ga taong walang ayos, m~ga pangkaraniwan at mapagpabaya ó malilin~gatin. Ang m~ga taong kung yumapak ay papasok ang dulo n~g daliri na di nagkakaumpugan ang m~ga sakong ang karamihan ay m~ga taong matalino, maliksi sa pagtuklas n~g ano mang ibigin. Yaon namang m~ga pik? ay m~ga taong mahih na ang loob at kung minsan ay nagpapakita n~g ugaling nakayayamot.
Ang alin mang masamang "senyal" ó kasamaan n~g ugali ay nababago alinsunod sa itinuturo sa KARUNUNGANG LIHIM NI HONORIO LOPEZ na ipinagbibili sa kanyang bahay sa halagang P1.70 at kung ipadadala sa bahay n~g nakakaibig bumasa ay magpadala n~g P2.00 sa bahay ni Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila at ipadadala sa nagbilin sa pamamagitan n~g sulat sertipikada. Hindi tumatanggap n~g bayad sa selyo kundi papel na dadalawahin.
Ang KARUNUNGANG LIHIM ni Honorio Lopez ay isang aklat ó librong katutuklasan n~g Astrolohiya ó Lunario Perpetuo na kakikitaan n~g sasapitin n~g tao sa kanyang pan~gin~gibig, paghahanap buhay ibp. Ang Secretos de la Naturaleza ay siyang bahagi n~g aklat na ito na nagtuturo sa pagkilala sa tao, pagtingin sa kabuhayan sa palad n~g kamay, sa m~ga nunal ó taling, tabas n~g pagmumukha. Hipnotismo. N~g tanun~gan n~g panaginip. N~g Oraculo ni Faraon. N~g tanun~gan n~g kamatayan n~g isang tao. N~g Signo n~g Pagaasawa at n~g Paggawa n~g Gayuma. May arte pa n~g pagkaroon n~g magagandang anak, bagay na malaman n~g m~ga bagong kasal. At kalihiman n~g paggamot sa nakukulam.
Totoong makabuluhan ang aklat na ito sa lahat, lalo na sa m~ga kabataan at dalaga n~g makilala nila ang kanilang kapalarang aabutin at ang ugali't magiging kabuhayan n~g taong kinakatungo.
=Aling gulang ng dalaga ang dapat mong pangasawahin binata?=
Ang pahayagang aleman na may pamagat na "Frankfuster Zeitung" ay siyang may bigay n~g kaparaanang dapat gawin n~g isang lalaki upang matuklasan niya ang bagay na gulang n~g isang babae na dapat niyang pan~gasawahin.
Sinasabi n~g naturang pahayagan; n~g upang--anya--ang isang lalaki ay makatagpo n~g isang babayeng babagay sa kanya, hangga sa pagtanda at di niya pagsasawaan habang buhay, ay kailan~gan piliin niya ang sunod sa gulang niyang taglay at na ito ang gulang n~g babaeng dapat niyang piliin.
Halimbawa: ang lalaki ay may gulang na 18 taon hatiin ito sa makatwid ang kalahati n~g 18 ay 9, at ang 9 ito ay dagdagan n~g 7 ang labas 16. Ang 16 na ito ay siyang gulang n~g binibining dapat hanapin n~g binatang may 18 gulang. Sa makatwid, sa alin mang pagsubok para sa iba ay dapat hatiin ang edad n~g lalaki at saka idagdag ang 7 at kalabsan ay siyang gulang n~g babaeng, dapat pan~gasawahin.
?Alin naman ang pagmumukha ó buwan n~g kapan~gakan n~g dalaga na dapat hiran~gin n~g isang binata? Ang sagot ay basahin ninyo sa librong Karunun~gang Lihim ni Honorio Lopez at n~g lalo kang masiyahan ay basahin mo ang Aklat na Ginto ni Honorio Lopez at ang m~ga aklat na ito ay siyang magbibigay sa iyo n~g sagot. Magpadala ka n~g pitong piso kay Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Maynila n~g magkaroon ka n~gayon din n~g m~ga librong naturan.
=Sa ibig bumuti ang buhay at yumaman=
Mga paalala ni Franclin.
Pamahalaan mo sa sarili ang iyong m~ga tikma ó negosyo at húag kang pababahala sa kanila.
Ang sino mang nabubuhay sa pagasa ay mamamatay sa gutom.
Walang pakinabang kung walang paggawa.
Ang paggawa ó trabaho ay siyang nagbabayad n~g m~ga utang at ang paglilimayon ó ociosidad ay nagdaragdag n~g hirap.
Ang kasipagan ay siyang ina n~g magandang kapalaran.
Bunkalin sa boong pagsisikap at tiyaga ang iyong m~ga bukurin, samantalang nagsisitulog ang m~ga halaghag at tamad na tao at ikaw ang maraming mamamandalang ikabubuhay na maipagbibili at maitatag?.
Basahin ninyo ang Dunong ng Pagyaman ni Honorio Lopez at dito matutunghayan ninyo ang madlang aral at paraan sa pagpapabuti n~g sariling buhay upang yumamang madali, sa librong ito ó aklát ay marami ring matatagpuang hanap buhay na makabago at pagkakakitaan n~g maraming salapi. Piso ang halaga sa lahat n~g
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.