kahit;?magbigay loob ka, na di mo man ibig,?upang purihin ka n~g m~ga mabait.
Alin mang Religion ay huag mong tawanan?m~ga dasal nila ay pagpitaganan.?Ang m~ga ugali sa alin mang bayan?gayon din ay dapat na iyong igalang.
Ang sa protestanteng ginagawang kulto,?at ang kay Mahoma, at ang kay Confucio,?at ang sa Iglesia Filipinang bago?ay iyong igalang, sampu n~g Romano.
Ang ugaling moro, ang ugaling insik,?ang sa amerikano, ang sa m~ga ingles,?kastila,t aleman, ang sa taga bukid?at kahit alin pa,y igalang mong tikis.
Ang iyong Religion ay kahit alin man?at ang iyong ugali,y dalisaying tunay:?hayaan ang iba,t huag ipagputakang?lahat ay masama,t ang iyo'y mainam.
X
SARISARING BAGAY NA DAPAT SUNDIN
Sa harap ng iba ay huag kang magbihis,?magputol n~g kuko, maghilod, mag-ahit,?huag kang magpabahin, magpunas, magwalis?at ang magpaputok n~g daliri,y pan~git.
Bawal na totoo sa dakilang asal?sa harap n~g iba'y makipagbulun~gan;?n~guni at lalu pang kasama-samaan?ang nakikibasa sa buk��s na liham.
At gayon din naman ay masamang lubos?ang sa sumusulat kusang panonood;?ang sa nag-uusap naman ay manubok?ay pan~git na lubha at asal na buktot,
Sa harap n~g iba ay huag kang bumahin?n~g napakalakas, sapagka't pan~git din.?Ang labi mut kuk�� ay huag mong kagatin,?ang m~ga paa mo'y huag pakinigin.
Huag mong gagayahin ang asal mababa?n~g sa bawa't bigkas, isang panunumpa?ang m~ga mahalay salitang salaula?na gaya n~g _--?Kulog!_ ... ay kahiya-hiya.
Magmatimtiman ka sa m~ga harapan,?ang masayang mukha'y lubos na kailan~gan?ikaw ay n~gumiti n~g maminsan-minsan?at kung matawa ka ay huag mong lakasan.
Kung nakatayu ka't may kakaharipin,?ay huag kang sumandal sa pinto �� dingding;?ang m~ga kamay mo'y huag may butingtin~gin,?ang dalawang paa'y itayong butihin.
Kung naka-upu ka'y ang iyong m~ga hita?ay huag pagpatun~gin sapagka't pan~git n~ga?at huag mu rin namang paunating lubha?ang iyong m~ga paa sa may dakong gitna.
Sa usapang di mo lubos nalilining,?ay huag kang sumisid n~g lubhang malalim:?ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil;?ang bawat bigk��s mo'y timban~ging magaling.
Ang kahima,t sino,y huag mong pagmamasdang?parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal;?n~guni,t titingnan mong sandali kung minsan,?n~g di parang iyong pinagmamalakhan.
Pintasan ang m~ga birong matutulis,?n~guni at kailan~gan ang huag kang magalit:?kung di magsitigil, ay huag kang dumin~gig,?humanap n~g ibang iyong makaniig.
Ang ganda n~g iba,y huag mong kaingitan,?at gayon din naman ang sa ibang yaman;?subali kung siya kay sa iyo,y mainam,?ay ipagtapat mong mainam siyang tunay.
KATAPUSAN
MABUTI ANG BATANG MAY DAKILANG ASAL KAY SA MATATANDANG WALANG NAMUMUAN~GAN DAKILA ANG DUKHANG MAY UGALING MAHAL KAY SA WALANG TUTONG M~GA MAYAYAMAN.
MGA TALABABA:
[1] Ang DAKILANG ASAL na ito ay akma sa lahat n~g maran~gal na ugali sa Sanglibutan.
[2] Dalaw na _bigay-loob_ ay ang unang pagdalaw sa isang?nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay.
[3] Ang salitang _ipagmaka-an��_ ay siyang katuturan sa?tagalog na dalisay n~g maling salitang "_cumusta_" na nangaling sa wikang kastilang "_?Como est��_?"
[4] Ang kahulugan n~g bali n~g tarheta sa alinmang apat na?sulok ay dalaw.
[5] Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ��?nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g baiwang, kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha.
[6] Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU K��MI SA KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang "_Magtuloy po_ SILA _dine sa_ AMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN".
[7] Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang?pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin.
[8] Mga Liham
(LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA).
M~ga G. G. Miguel Bantog at?Esther Dalisay.
M~ga piling kaibigan.
Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso.
Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git n~g saganang biaya.
Na sa panunuyo.
Feliza Ilawdagat
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA M~GA LUMULUSOK)
G. Jacob Pinkian.
Piling katoto:
Hinatdan kita n~g masay��ng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan.
Ninanais kong ikaw ay dumakila sa ��kadadan~gal nitong ating lupang tinubuan.
Sumasa-iyo.
Abdon Sinagaraw
Octubre 15-1906
(LIHAM SA NAMAMATAYAN)
G. Concepci��n Panghalina
Mahal na Ginoo:
Uma-anib pu ako n~g tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo n~g kamatayang sumamsam n~g mahalagang buhay n~g inyong nasirang kapatid.
?Sumalan~git nawa siya!
Mag-utos pu sila.
Alberto Manin~gas
Octubre 15-1906.
(LIHAM SA KAPAN~GANACAN)
Ninay na giliw:
Binabati kita n~g boong tua dahil sa araw n~g iyong kapan~ganakan. Uma-anib ako sa iyon~g malugod na kasayahan at ninanais ko n~g taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna n~g lalong maligayang kapalaran:
Tangapin mo ang aking masintahing halik.
Ang iyong
Iday.
Octubre 15-1906.
G. CESAR PAN~GILINAN.
Mahal na Ginoo:
Ikinadadan~gal ku po ang aking pag-anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling n~g inyong giliw na asawa.
Ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbun~ga sa ikagiginhawa n~g bayan.
Na sa pagpipitagan,
Leonardo Tagabundok.
Octubre 15-1906.
[Patalastas: IMPRENTA "TAGUMPAY"]
End of the Project Gutenberg EBook of Dakilang Asal, by Aurelio Tolentino
? END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DAKILANG ASAL ***
? This file should be named 13687-8.txt or 13687-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in:
? http://www.gutenberg.net/1/3/6/8/13687/
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Updated editions will replace the previous
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.