Dakilang Asal

Aurelio Tolentino
A free download from www.dertz.in
The Project Gutenberg EBook of Dakilang Asal, by Aurelio Tolentino
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Dakilang Asal
Author: Aurelio Tolentino
Release Date: October 10, 2004 [EBook #13687]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK DAKILANG ASAL ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
DAKILANG ASAL
TINULA NI
Aurelio Tolentino
MAYNILA
Imp. "Tagumpay" 15, Plaza Sta. Cruz?1907
DAKILANG ASAL[1]
I
PAUNAWA
O kabinataang bagong sumisibol,?itong abang lagda sa iyo'y patunkol.?Pakatandaan mo itong m~ga hatol?na dan~gal at buhay n~g lahat n~g dunong.
Ang pagpipitaga't pakikipagkapua?ay siyang sagisag n~g pagka-dakila;?kap��g sa sinuman ito ay nawala,?iyan ay di dapat, humarap sa madla.
Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman,?di sukat ang dunong at lahat n~g inam;?kapag ang sagisag na aking tinuran?ay siyang nawala, ang lahat ay kulang.
Ang pagkamaba��t, ang pagka-mahinhin,?ang pagka-matapat at anyong butihin?ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin,?ang iyong ugali upang magluningning.
Sapul pa n~g ikaw ay batang maliit?may tungkulin ka n~g lubhang mahihigpit,?gaya n~g huag bigyan n~g munting ligalig?ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.
Ikaw ay lumaki at lumaki naman?ang iyong tungkuling akin n~g tinuran:?n~g una'y ang iyong mundo ay kandun~gan?n~g inang malugod, n~gayon ay ang bayan.
II
KATUNGKULAN SA M~GA MAGULANG, MAESTRO, KAPATID, KAMAGANAK AT SA LAHAT N~G KAPWA
Pipintuhuin mo't panuyuang kusa?ang iyong magulang na mapag-aruga,?sila'y pan~galawa ni Poong Bathala?na dapat igalang sa balat, n~g lupa.
?May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan??Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang.?Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang,?puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.
Ang kahima't sila ay nan~gahihimbing,?kapag nain~git ka sila'y gumigising;?kinandong-kandong ka at inaliw-aliw?at pinalayawan n~g saganang lambing.
Sa gayong kalaking utang na tinangap?mo n~ga sa kanila'y ?anong ibabayad??Alayan man sila n~g lahat n~g lin~gap,?kulang at sa utang mo n~ga'y di pa sukat.
Salamat na lamang at di maninin~gil,?ang puhunan nila'y di ibig bawiin;?sakali ma't sila ay alalahanin?n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing.
Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan?ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay,?kasabay n~g bating malugod na "?Inay!"?sa ama'y gayon din, ang bati ay "?Tatay!"
Kung matutulug na saka uulitin?ang halik at bating paalam n~g lambing;?n~guni't sa tui-tui na ito'y bago gawin,?ang kailan~gan nila muna'y siyasatin.
Kung sakaling ikaw ay mapan~gusapan,?sa ano mang bagay kaya'y parusahan,?ay ipag-say�� mo't darating ang araw?na matutunayang iyo'y pagmamahal.
Ang m~ga inali, at ang mga mama,?at ang ina-ama,t ini-ina kaya,?at ang m~ga nuno, at ang matatanda?ay kaila~gang lubos na pintuhuin n~ga.
At ang m~ga iyong lahat na kapatid?ay pakamahalin n~g boong pag-ibig;?sa m~ga alila ay huag magmasun~git?pagka't sila'y kapua, dukha lamang tikis.
Sa lahat n~g tao'y lubos magpitagan,?n~g upanding ikaw naman ay igalang;?sakaling sa iyo sino ma'y magkulang,?kahabagan siya't pagdaka'y talikdan.
Ang maestro'y siyang pan~galawang ama,?ang maestra nama'y pan~galawang ina,?kaya dapat n~ganing pintuhuin sila?at mahaling lubos n~g boong pagsinta.
Binalankas lamang, kung baga sa bahay,?ang iyong ugali n~g iyong magulang;?n~guni't ang maestro'y siyang nagbibigay?n~g dakilang gangda't m~ga kasankapan.
Dahil sa kanila ay maihaharap?ang iyong ugali sa sino mang pantas,?sa pagka't sa dunong ay hindi n~ga salat,?sa lusok na asal nama'y hindi hubad.
At katunkulan mong lubos na mahigpit?sa iyong pag-aaral ang pagsusumakit;?ang lahat n~g turo nila'y isa-isip,?sa lahat n~g hatol nila ay manalig.
Nan~gun~guna sila't ang dala ay ilaw?sa landas n~g iyong madilim na buhay;?tanang hakbang nila ay malapit sundan,?n~g upanding ikaw ay huag maligaw.
III
SA PAGLILINIS N~G KATAWAN AT PAG-AYOS N~G BAHAY
Pagbaban~gon mo na'y agad maghilamos,?magpunas n~g kamay at saka magmumog,?maglinis n~g n~gipin, maghusay n~g buhok,?damit na pangbahay pagdaka'y isuot.
Pagkatapos nito ay agad ganapin?ang datihang iyong katunkulang gawin,?at maminsan minsa'y ang kuko'y putulin?at saka maligong magkubli sa tin~gin.
Ang babayi'y dapat ayusin ang bahay,?linisin ang sahig sampong kasankapan;?sa kani-kaniyang dako ay ilagay?ang lalong maliit na ari-arian.
Bahay na maayos ay parang salamin?n~g nagawing buhay sa pagka-mahinhin;?bahay na magulo'y nagpasabing tambing?n~g ugaling salat sa turong magaling.
Kailan~gang harapi't siyasating lahat?ang sa pamamahay gawang nararapat,?at huag sayan~gin ang kabit nang oras,?magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas.
M~ga kasankapang iyong magagamit,?kung saan kinuha ay isawling saglit;?huag pabayaang masira't mawaglit,?pinuhunan dian ay maraming pawis.
Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan,?ang walis, pamunas, lamesa't upuan,?tanang kasankapang kaliit liitan?may kani-kaniyang dapat na kalagyan.
Makita mo'y kahit iisang karayom?na kakalat-kalat �� kaya natapon,?pulutin mo agad at ilagay doon?sa kung saan dapat, sa lalagy��ng ukol.
Karayum ay mura't walang kasaysayan,?n~guni't hindi ito ang siyang kahulugan:?karayum na wal�� sa dapat kalagyan?ay nagbabalitang musmos ang may-bahay.
IV
SA PAGBIBIHIS
Ang damit na iyong dapat na isuot?ay huag ang masagwa't huag ang dukhang lubos?ang tipon n~g ganda't inam na tibubos?na sa katamtamang sa kulay ay ayos.
Kailan~gang sumunod sa ugaling moda,?n~guni't huag lumampas n~g di
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 9
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.