Cinematografo
The Project Gutenberg EBook of Cinematografo, by Jose Maria Rivera This eBook is for
the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You
may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License
included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Cinematografo
Author: Jose Maria Rivera
Release Date: July 16, 2005 [EBook #16311]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK CINEMATOGRAFO ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG
Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang
dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
DULANG TAGALOG
Mga Dula ni JOSE MARIA RIVERA.
¡¡CINEMATOGRAFO ...!!
DULANG TAGALOG
na may
Isang Yugto at Dalawang Kuwadro
Katha ni
JOSE MARIA RIVERA
Tugtugin ni
Mtro. GAVINO CARLUEN
Itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg Gran Compañia de Zarzuela Tagala ni G.
Severino Reyes, noong ika 1 ñg Junio ñg taong 1918, at nagkamit ñg di kakaunting
papuri.
Imp. ILAGAN y Cia., 775 J. Luna, Tondo., Tel. 8536.
¡¡¡CINEMATOGRAFO ...!!!
DULANG TAGALOG
na may
Isang Yugto, at Dalawang Kuwadro.
Tugma ni
JOSÉ MARIA RIVERA
Tugtugin ni
_Mtro. GAVINO CARLUEN._
MAYNILA
1920
Imp. ILAGAN y Cia,. 775 J. Luna, Tondo. Tel 8336
ALAY:
Sa mga tapat at matalik na kaibigang
_José E. Canseco,
Salvador Kabigting
at Ramón Farolan_.
Boong puso,
ANG KUMATHA.
MGA TAO NG DULANG ITO.
TIBURCIO............G. Eusebio Gabriel
BALTAZARA...........Gg. Felisa Buenaventura
ANGELING............Bb. Juanita Angeles
LUISITONG Makaw.....G. Alfredo Ratia
BRUNO...............G. Joaquin Gavino
MARTINA.............Gg. Ildefonsa Alianza
TIO BESTRE..........G. Eusebio Constantino
TIA MARTINA.........Gg. Antonia del Rosario
MATEA...............Bb. Natividad Nonato
BETENG..............G. Gregorio L. Lopez
MARCOS..............G. Pedro Mariano
PELI................Batang Fortunato Rafael
PULIS...............G. José Suarez
TENDERA.............Gg. Mercedes Nonato
Koro n~g Lalake at Babae.
* * * * *
PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan.
* * * * *
_Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg =Gran Compania de
Zarzuela Tagala= ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ñg Hunyo ñg 1918, at
nagkamit ñg di kakaunting papuri_.
UNANG KUWADRO.
=¡¡SUKAT NA ANG CINE....!!=
=BUGTONG NA YUGTO=
Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan
na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.--Dalawang bintana sa siping ng
pintuan.--Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga
nanonood.--Hapon.
Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng
mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan.
_Tagpo I._
=Si D. TIBURCIO lamang=.
D. Tib:--¡Sussssssss....! Sa lahat n~g araw na isinasal n~g init, ay lumabis naman ang
araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan n~g trambya, dahil sa
hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay
nakita pala n~g isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto)
Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa m~ga man~gan~galakal na lamang!
Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang n~g m~ga taong mapuputi,
dahil na ... munting kibot, ang m~ga makapangyarihan ay nagtatakda n~g m~ga
kautusang.... halos ay makalunod na sa m~ga mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa
ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang ibibigay. Nariyan
ang kailan~gang papintahan umano ang bahay o kaya'y palagyan n~g gayon o ganitong
m~ga ... ¡Sussssssss ...na buhay n~g buhay na ito!! (Hihinto n~g matagal) Ang araw na
magamit n~g patuluyan ang "aeroplano", ay bibile ako agad, n~g upang maligtas na
lamang sa m~ga ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang
amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o kaya'y uupahang
"ventilador"? N~guni't, ipagpatuloy ko n~ga ang pagbasa sa pahayagang ito, at n~g
matalos ang m~ga balitang dala niya. (Muling babasahin ang pahayagang tan~gan:
Babasa) "Sakaling sa loob n~g pitong taon, ay maipakita n~g Bayang Pilipino ang
kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya n~g bayang Amerikano
ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ¡Salamat sa Dios, at kung papalarin ang bill na ito ni
Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya n~g Pilipinas! ¡Maanong totohanin na ang
pan~gakong ito n~g Bayang Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay
mapapalundag: Babasahin) "Pangkat n~g m~ga nakawan". ¿Pangkat n~g m~ga nakawan?
¿Di yata? (Babasahin) "Kagabing magiika 12 at 1 n~g madaling-araw, ay pinanhik n~g
m~ga magnanakaw, ang bahay n~g tagapan~gasiwa n~g aming pahayagan, at matapos na
mabuksan ang lahat n~g m~ga taguan ng damit, ay nan~ga-kadala ang m~ga naturang
magnanakaw n~g m~ga hiyas at pagaari n~g taga pamahala namin, na umaabot sa
halagang tatlong libong piso. Ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.