taos?nang pusò, at tantong ipinan~gilabot,?malamig na pauis ay agád sumipot?at sinidlan niyong di cauasang tacot.
Sa cay Margaritang dinidilidili?ang gayong calunos-lunos na nangyari,?sa lugod at layaw ay lubhang nauili?n~gayo,i, lubos naman ang pagcaruahagui,
Ualang hangang hirap doon sa Infierno?ang ganti sa munting ligaya sa Mundo,?sa sandaling tua,i, nacapalit nito?hirap casakitang hindi mamagcano.
_Capitulo 3.°_
Cakilakilabot ang cay Margarita?na pakikihamoc sa sarili niya,?bago nasundua,i, nahirapan muna?sa nasang maganda niyang pagtitica.
?Oh cahambalhambal na casasapitan?nang sinomang nan~gag papaliban-liban,?niyong pagbabalic loob at ang araw?na icatatapos niya,i, hindi alam!
Ang dalisay niyang pag-aala-ala,i,?capakinaban~gan niyong calulua,?kinikilabutan sa sarili niya?ang caaua-aua na si Margarita.
Nagugunam-gunam na nasa sapiling?ang cabubuliran na calaguimlaguim,?at may pan~ganib pang doo,i, mahulog din?cun ang hinin~ga niya,i, biglang makitil.
Caya n~ga,t, ang luha niyang pumupulas?ay naguing turing nang parang isang dagat,?niyong pagninilay sa pagcapahamac?niyong pagcadaya nang Demoniong sucab.
Sa lupa ay tambing siyang nanic-luhod?nagsisi,t, humin~gi nang aua sa Dios,?pinaglampasan nang mahayap na tunod?niyong pagsisising sa puso ay taos.
Ualang iniisip cundi ang tan~gisan?lahat nang caniyang man~ga casalanan,?pag-pepenitenciang caunaunahan?ang cusang lumayo sa capan~ganiban.
Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang?sa Montepolciano,i, umalis pagdaca,?siya,i, naparoon at nagpatirapa?sa paá nang Amáng tinalicdan niya.
Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad?at nag-pipighating hindi hamac-hamac,?capagdaca nama,i, agád nang tinangap?niyong Amá, yaong alibughang Anác.
Na tumatan~gis na,t, siya,i, nagsisisi?n~guni,t, ang matigas na loob na ali,?ay hindi pumayag at cusang tumangui?at inari niyang casiraang puri.
Ang gayong paghibic at man~ga pagtaghoy?ni Margarita n~ga na ualang mag-ampon,?dakilang ligalig ang nangyaring yaon?sa buhay na naguing parang isang tapon.
Dalauang puo,t, apat ang caniyang gulang?batá pa at ayos na nahihiyasan,?nang sinag na taglay niyang cagandahan?ang sa muc-ha niya ay napagmamasdan.
Yaong pamumuhay niyang namamalas?na masama,t, parang daan ang catulad,?na nasasabugan nang man~ga bulaclac?nang caligayahang labis humicayat.
Siyang tumutucsong muling manumbalic?sa dating casama,t, cagagauang lihis,?iniuurali na sa huling guhit?ay càauaan nang Dios sa lan~git.
N~guni,t, yao,i, hibong isang camalian?pan~gaco nang Dios sa cahit sino man,?na nan~gagsisisi,t, nagtiticang tunay,?ay iguinagauad ang capatauaran.
Sa pagtauag niya,i, ang nag-ualang kibò?paanong cacamtan ang ipinan~gaco,?pag naglibanliban icaw ay di taho?ang camatayan mo,i, cahirapang lalo.
Caya n~ga sa gayong pagbubucas bucas?ay lubhang marami ang nan~gapahamac,?na ang ualang hangang dusa ay linan~gap?n~g man~ga pabayang nagpapacatamad.
N~guni at ang abá na si Margarita?sa udyoc n~g tucso,i, nakikilaban na,?camahalmahalang Pastor ay muli pa?na tumauag pagca,t, hinihintay siya.
Laging nacadipa ang camay sa ati,t,?yayacapin tayo cung siya,i, duluguin,?ang capayapaa,i, ating tatamuhin?at lubos na tayo ay patatauarin.
Panibago namang tinauagan siya?n~g masintang tunay na pag-aanyaya,?inalalayan siya nang pakikibaca?sa dahas n~g tucsong mangahis ang tica.
Ang pangagalin~ga,i, yaon n~ga marahil?niyong pagbabagong buhay na magaling,?ani Jesus iyang tacot mo,i, pauiin?Margarita,t, kita ay cacalin~gain.
Ang magandang tica,i, cusang pinagtibay?at tinatan~gisan sa gabi at araw,?ang lahat n~g m~ga naguing casalanan?at ang halimbauang man~ga casamaan.
Hinahan~gad niya na moling mabaui?ang lubhang malabis na pagcacamali,?n~g cahalayhalay na pamamalagi?sa layaw n~g Mundo n~g pagcalugami.
Agád nang naglacbay doon sa Simbahan?siya sa Labiano, na nasosootan,?nang damit Celicio at natatalian?ang liig at tandang pagtiticang tunay.
Saca ang dalisay na paghin~ging tauad?sa caniyang man~ga cababaya,i, hayag,?at pinagsisihan sa harap n~g lahat?na naguing dahilan n~g pagcapahamac.
Hindi rin naglubag sa bagay na yaon?ang loob nang ali,t, Amá pa,i, caáyon,?pinabayaan na ang lulun~goylun~goy?na Anác na ualang sucat na mag-ampon.
Nang makita yaong calagayan niya?nang caauaaua na si Margarita,?na tulad sa tapong uala nang halaga?caya n~ga,t, lumipat sa bayang Cortona.
Doo,i, mahinahong siya ay tinangap?n~g ilang Se?orang marunong mahabag,?casama ang isa niyang naguing Anác?sa naguing casuyong kinapos n~g palad.
Ang unang guinaua na pinagpilitan?nang taos sa puso at cataimtiman,?ang dalisay na "confeción general"?sa lahat nang man~ga naguing casalanan.
Siyang matibay na pasimula ito?niyong pagbabagong buhay na totoo,?siya,i, naparoon doon sa Convento?nang cagalang-galang na si S. Francisco.
Na namamalisbis ang luha sa matá?niyong malalim na pag-sisi niya,?isinaysay sampu nang pighating dala?sa isa n~gang Pareng Relegioso bagá.
At ikinumpisal niya nang malacas?tanang casalanang gauang hindi dapat,?at hinin~gi niyang boong pagsisicap?ang "Orden Tercera" siya,i, macatangap.
Nang sa penitenteng damit Serafico?tandang pagtalicod sa layaw sa Mundo,?ang Confesor nama,i, napaayon dito,t,?pinanghinapang pang bagcus na totoo.
Pinasimulan nang pag-pepenitencia?sa nasang macamta,i, binigyang pag-asa,?yaong hinihin~ging simula n~g gracia?at sa cabanala,i, nagsanay na siya.
Linalayuan nang parang camatayan?sa loob, ang lahat nang macapupucaw,?ang kilos at anyo,i, hilig na mahalay?niyong maruruming pita nang catauan.
Capahintulutan bilang n~g Se?orang?pinaglilingcurang caniyang asaua,?mangyaring huag pahigpitin niya?ang pagpapasakit sa catauang bagá.
Gayon man ay dahil sa laking pag-ibig?na ang catauan niya,i, bigyan pasakit?inaring di dapat ang nasoc sa isip?tuntun~gan ang lupang alalay na gamit.
Sa idinadaos na pananalan~gin?sa lahat nang oras na macayang gauin,?at ang pagsasanay sa icagagaling?nang caisa-isang caluluang angkin.
Pinatauad na n~ga at cusang linimot?n~g Amang lumic-hang mahabaguiug Dios,?ang cay Margaritang casalanang lubos?at bagcus guinanti n~g magandang loob.
Madalas din namang siya,i, dinadalaw?at tan~gi siyang pinagcacalooban,?n~g sa lan~git bagang m~ga caaliuan?at ang caniyang loob ay pinatatapang.
Na ipatuloy niya ang tun~go n~g lacad?na pinasimulan sa tuntuning landas,?niyong cabanalan na icatutuclas?n~g caligayahang ualang pagcucupas.
_Capitulo 4.°_
M~ga Franciscano ay niyong masuboc?ang cay Margaritang catibayang loob,?na penitente n~gang bagong naglilingcod?sa mapagcandiling mahabaguing Dios.
Sa matining niyang halimbauang bigay?doon sa adhicang man~ga cabanalan,?na sa boong Mundo ay pinasisilang?caya,t, nag-habitong ualang caliuagan.
Nang Ordeng Tercera na cay S. Francisco?na ualang pan~gamba sa bagay na ito,?patuloy ang loob na di nagbabago?sa m~ga pahirap niyang tinutun~go.
Ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.