calinisan, at si Margarita?ito rin marahil ang sinabi niya.
Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid?sa capahamacang di sucat maisip?hindi macasapat sa pagmamarikit?yaong ari nilang caunting nalabis.
Di naman payagan n~g Am��ng ubusin?sa pagmamapuri,t, ualang uastong aliw,?na masunod yaong camaliang hiling?ay sa cahalaya,i, napadalang tambing.
Cahit sinisisi n~g caniyang Ama,t,?binibigyan niyong hatol na maganda.?nang caniyang ali,t, gahasa man bag��?manacanaca ring inaralan siya.
Anopa,t, yaong caniyang cabataan?ay naguing isa nang masamang hantun~gan,?nang lahat nang canyang man~ga cababayan?naguing parang isang sucal nang lansan~gan.
Ito na ang mula nang pagcaligalig?niyong pag-nanasa sa napacalabis,?na sa catauan niya,i, pag-mamarikit?ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis.
Si Eva ang tunay na cahalimbaua?na sa paglilibang na ualang bahala,?sa umang na silo,i, natuntong na cusa?nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya.
Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan?sa pag-mamarikit na nasang calugdan,?nang capua tauo,i, ang cahihihatnan?dinadala tuloy sa capahamacan.
Siyang pag-cahuli sa parayang pain?nang cay Margaritang cabata-ang angkin,?lugsong cabaita,i, hindi macapiguil?bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim.
Binidbid ang gayong caparan~galanan?nang lalaking tacsil na caugalian,?nahulog sa ban~gin niyong cahalayan?ang pag-mamarikit itong pakinabang.
Sa isang binata bagang Caballero?malapit sa Ciudad nang Montepulciano,?nabihag nang gandang paraya nang Mundo?sa pitang mahalay ay cusang nabuy��.
Itinalaga na yaong calooban?sa marumi,t, tacsil nilang pamumuhay,?hindi na naisip ang sila,i, pacasal?cundi ang lumaguing nagsama na lamang.
?Oh saliuang-palad, na dalagang labis?na napabibihag sa pag-mamarikit,?icaw n~ga ang salot na ibinubulid?yaong calulua sa icalalait!
Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad?icaw n~ga ang lasong masidhing camandag,?sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac?ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.
Cusang uinaualang bahala na cahit?talastas mang sala ang pag-mamarikit,?ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig?sa pag-mamasagua niyong pananamit.
Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay?ang labis na lubhang caparan~galanan,?sa nasang tanghaling siya at calugdan?ang puring napala,i, caalipustaan.
Yaong cagandahang ibig na tauaguing?Venus at Floripes Diana,t, Abigael,?ang muc-hang masaya,t, tindig na butihin?mamumutla,t, lungcot ang pagmamalasin.
Ang mapanghalina na mat��ng mapun~gay?at linindi-linding aliw nang lansan~gan,?di mag-abot kisap ay mahuhumaymay,?ang dating maningning lalabo sa tanan.
Mauaualang lahat ang lugod sa iyo?nang tanang casuyo,t, nang cababayan mo,?ang di magcamayaw na puri nang tauo?lilipad na para lamang alipato.
Saca ang ulo mong pinamumutihan?nang perlas, topasio,t, diamanteng makinang,?na inaayos mong pinagpapagura,i,?bun~gong butas-butas ang cahahanganan.
Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca?parang di mo tanto ang bubub��ng dusa,?ang uica mo yata,i, bucas macalaua?madaling magsisi cung naroroon na.
Nagcacamali ca at di natin lining?ang icatatapos nang hinin~gang angkin,?mabuti cung hinay-hinay ang pagdating?nang camatayan mo, at hindi biglain.
Ang cay Margaritang naguing pamumuhay?hapo na sa gapos niyong cahalayan,?at di napupuna sa caniyang paan��n?ang ban~ging malalim na cabubuliran.
Linalagyan din n~ga cung minsan n~g Dios?nang pait, ang man~ga mahalay na lugod,?pinaparam yaong pacumbabang handog?na capayapaang paconuaring dulot.
Manaca-naca ring pinag-cacaramdam?ang nan~galalayong man~ga pamumuhay,?sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang?ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan.
Ipinauauari ang pagca-pahamac?nang nabubulagang na saliuang-palad,?n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad?nag-uaualang kibo,t, uari di talastas.
Ang sa puso niya ay itinutugtog?nang di naglilicat na aua n~g Dios,?parang nan~gun~gusap na madalas halos?cung minsa,i, ualin ding bahala sa loob.
_Capitulo 2.��_
Gayon n~gang nangyari minsang isang araw?tinan~gisan niya yaong caugalian,?na isang babayeng An��c ang cab��gay?na mapag-acsaya niyong cayamanan.
Tinicang magban~gon sa pagca-gupiling?at lisan ang nin~gas na calaguim-laguim,?nang Infiernong apoy na nasa ilalim?nang pa�� niya,t, siya,i, laang sunuguin,
?Ano ang nangyari sa cay Margarita?napucaw sa himbing nang pagtulog niya,?binigyan nang Dios nang cataca-taca?na balitang siyang nagpaala-ala?
N~guni,t, para manding isang maliuanag?na aral, na ualang casaysayang lahat,?ang layaw sa Mundong icapapahamac?malumanay namang siya,i, nakimatiyag.
Ipinauari nang masintahing Am��?minsang isang araw sa cay Margarita,?nang umalis yaong casintahan niya,t,?sa bahay ay siya,i, naiuang mag-isa.
Ualang ano-ano,i, ang ��song maliit?na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig?na tumatahol nang tila nananan~gis?n~g cahambal-hambal na di mapag-isip.
N~guni,t, hindi naman naguguniguni?n~g saliuang-palad na may nangyayari,?na casacunaan sa caniyang casing?bunying Caballerong buhay ay naputi.
Pinauaualan n~ga manding cabuluhan?ang sigaw n~g ��so na calumbaylumbay,?hangang nacaraan ang dalauang ar��w?��so,i, patuloy rin ang pananambitan.
Saca ang damit ay kinacagat niya?niyong pan~ginoon na si Margarita,?tila nag-uiuica uari nang halica,t,?ang pan~ginoong cong casi mo,i, pat��y na.
Dito pinasucan nang paghihinala?ang cay Margaritang loob na mahina,?nag-ulol ang sindac na hindi cauasa?sa taghoy nang ��song hindi nagsasaua.
Lumacad nang doon sa ��so,i, sumunod?sa daang itinuturo,i, naglalagos,?bahagya pa lamang dumarating halos?sa may calalimang ban~gin ay nataos.
Na may ilang tuyo na san~ga n~g cahoy?ang ��so ay nagpatihulog na doon,?at pinasimulang hinucay nang tuloy?na calumbaylumbay, yaong paghagulhol.
Hinaui n~g nan~gan~ginig na camay?ni Margarita ang ilang man~ga sucal?na bilang na nacatatakip sa hucay?nakita ang bangcay niyong casintahan.
Na buloc na,t, hindi sucat na matiis?yaong sumisin~gaw na bahong malabis,?nang cay Margaritang abutin nang titig?sumicdo-sicdo na ang caniyang dibdib.
Uinauari niya ang kinahinatnan?n~g gayong cakilakilabot na bagay,?na sinalubong n~g caniyang caauay?tinadtad n~g sugat hangang sa napatay.
Nang si Margarita,i, pagsaulang loob?sa kinahinatnan n~g palad na capos,?na ang buhay niya ay dagling natapos?sa pagpapasasa n~g sa Mundong dulot.
Anopa,t, yaong mabahong bangcay niya?caramihang uod yaong nakikita,?ang catauang hilig n~g nabubuhay pa?sa layaw sa lupa,i, itong naging hanga.
Ni camunting dun~gis di ibig bahiran?ang catauan niya niyong nabubuhay,?ang caniyang labis na pagcapihican?n~gayon nama,i, siyang pinangdidirihan.
Yaong sa puso niya,i, siyang bumabaca?at pagpipighating naalaala,?sa kinabuhusan n~g pag-ibig niya?at ang catumbayan niyong calulua.
?Sa abang-aba co! ?caya,i, napasaan?ang calulua nang sauing capalaran,?saan cundi doon sa Infiernong bayan?ang sagot n~g voces na umalin~gawn~gaw?
Magpahangang sa caibutura,i, taos?nang pus��, at tantong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.