Búhay na Pinagdaanan ni Juan
Tamad na Anac ni Fabio at ni
Sofia
The Project Gutenberg EBook of Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad
na Anac
ni Fabio at ni Sofia, by Anonymous This eBook is for the use of
anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever.
You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project
Gutenberg License included with this eBook or online at
www.gutenberg.net
Title: Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni
Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinango sa Novela
Author: Anonymous
Release Date: July 29, 2005 [EBook #16386]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BÚHAY
NA PINAGDAANAN NI JUAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar
Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
[Patalastas: Imprenta at Libreria ni J. Martinez]
=BÚHAY NA PINAGDAANAN=
NI
=Juan Tamad=
NA ANAC NI
FABIO AT NI SOFIA.
SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,
NA HINAN~GO SA NOVELA.
* * * * *
=MAYNILA, 1920.=
* * * * *
IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
NI
=J. MARTINEZ=
P. Moraga 31-36, Tel. 5005 P. Calderón 108, Cabildo 253
Intramuros.-Tel. 3283.
BÚHAY NA PINAGDAANAN
NI
=Juan Tamad=
NA ANAC NI
=FABIO AT NI SOFIA=
SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,
NA HINAN~GO SA NOVELA.
Oh serenísimang maauaing Iná sa tauong cristiano na iyong oveja, sa
lupa at Lan~git n~galan mo ay siyáng tinatauag namin sa toui toui na.
Icao po ang Torre at cabán n~g tipán Iná nang sumacop sa sala nang
tanan, cami pong inapó ni Eva,t, ni Adán sa lubós mong aua cami,i,
nananaban.
Ituto mo rin po Ináng mapagpala masayod na lahat yaring ninanasa,
mapuról cong isip capós na acala matutuhan co rin ang isasalita.
Man~ga camahalang napapauang nobles may sinimpang dunong at
tahó sa leyes, manipis cong alam at salát na isip nangahás cahima,t, di
talastas batid.
Lumalacad aco,i, piquít ang capara ang landás na daa,i, hindi tanto,t,
taya, pan~gahás cong isip doon umaasa sa pa-honrang lin~gap nang
m~ga bihasa.
Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip lathala nang verso,i, ayos sa matouid,
sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis anyayang pa-honra ay inihihibic.
Pinupuring tunay niring sumusuyo ang man~gag anyayang
malin~gaping puso, cahit di dalisay sa lustre,i, malabo ay paparahin
nang brillante at guintó.
Gayon din sa hindi,t, aayao lumin~gap yaring si I.A. nag papasalamat,
itong ninanasang ibig na matatap ay búhay nang isang sa novela,i,
banság.
Na dili umano,i, nang panahóng una sa reinong Portugal sabi sa novela,
sa sacop din nito na Visadang villa doon ay mayroong pobreng,
mag-asaua.
Fabio ang lalaqui tunay na pan~galan ang casi,t, esposa ay Sofia naman,
mag-asauang ito,i, buhat nang macasal sapól sa dálita,t, ualang
pamumuhay.
Capagca bata na ay itong si Fabio hanap búhay niya ay pag jujuego,
nang magca asaua,i, siya ring oficio na pinagcucunan canilang sustento.
Maguing ilang taón yaong pag sasama matrimoniong mahal nag
supling namun~ga, nang isang lalaquing quias ay maganda naguing
n~gala,i, Juan nang mabinyagan na.
Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan dito sa cay Juan niyong pag
mamahal, palibhasa,i, uala at iisa lamang di ibig ni Fabiong bata ay
oouang.
Ináng si Sofia,i, ualang guinagaua arao, gabi cundi ang pag-aarugá, si
Fabiong asaua ay palaguing uala hanap ang sugalan at pagalagala.
Pagsapit nang hapon ooui sa bahay dadaan sa tinda,t, mamimili naman,
madla,t, sarisaring man~ga cailan~gan na cacanin nila sa pag
hahapunan.
Doon sa canila cun siya,i, dumating sa casi,t, esposa ay sisiyasatin,
baca ang anác tang mutyang guiniguilio pina-iiyac mo,t, di mo
linilin~gil.
¡Iná co! ang sagót ni Sofia naman uala acong gaua cun hindi hauacan,
cahit nag luluto,i, quinacaulayao sa pan~gin~gilag co na baca
omouang.
Anitong si Fabio na sintang esposo gayon n~ga ang aquing ibig
guinugusto, icao ay hindi man macapag trabajo bata,i, houag lamang
pababayaan mo.
Pagcaca umagang macapag almusal paalis na siya,t, punta sa sugalan,
sa aua n~g Dios guinagaling naman sa touing ooui ay may panalunan.
Lumalaqui naman anác nilang ito di nag cacaramdam sa aua ni Cristo,
matanto at siya,i, mahal na totoo ang sugo nang iná,i, hindi asicaso.
Ináng nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya,
loob ay malinis sa anác na sinta palibhasa,i, bugtong at iisa isa.
Nang mag cabait na,i, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay,
sa man~ga capoua,i, hindi omaabian na naquiquilaró sa canino pa man.
Sa capan~gilagan nang catauan niya at ang catamara,i, siyang
nagdadala, aalis sa bahay tatanan sa iná susuot sa pulóng casucala,i,
sadyá.
Siya ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.