Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal

Pascual H. Poblete
Buhay at Mga Ginawa ni Dr.
Jose Rizal, by

Pascual H. Poblete This eBook is for the use of anyone anywhere at no
cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give
it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License
included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal
Author: Pascual H. Poblete
Release Date: April 29, 2006 [EBook #18282]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK BUHAY AT
MGA GINAWA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks
to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa
pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli

Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented
separately in this edition.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa
isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong
ito.]
BUHAY AT M~GA GINAWÂ
NI
DR. JOSÉ RIZAL
NA SINULAT
NI
PASCUAL H. POBLETE

José Protasio Rizal Mercado
Maicling casaysan nang canyang buhay
Ipinanganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan ng Calambâ,
sacóp ng lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio ng taóng
sanglibo walóng dáan animnapo't isá.
Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora
Alonso at Quintos ang canyáng iná.
Ipinanganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra ng taóng
1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila ng ica 5 ng Enero ng
1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp ng
Tundó, Maynila, ng taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 ng
Junio ng 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong ng

wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa
colegio ng Santa Rosa at marunong ng wicang castila.
Ang naguíng mga anác ng mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina,
Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa,
Trinidad at Soledad.
Bininyagan si Jose Rizal ng araw ng sábado, icadalawampo't dalawa ng
Junio ng 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco
sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas,
páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág.
Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.
Pinangalanang Jose, dahil sa ang iná ng Doctor Rizal ay
namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pangalawang pangalang
Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario,
ng siyá'y ipanganác.
Hindi dating tagláy ng amá at n~g m~ga capatíd n~g amá ng ating
Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong
Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa
mahigpit na pag uusig ng m~ga fraile sa mga nag-aapellidong
Mercado.
Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang
tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman
ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó
mang damóng pacain sa m~ga háyop.
Pagdatíng sa icatlóng taón ng gulang ng musmós na si Jose Rizal ay
tinuruan na siyá ng canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala ng
madla ang cagalingan niyáng tumulâ ng wawalóng taón pa lamang ang
canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na
tinakhán ng lahát n~g mga manunulang tagalog sa lalawigang
Silan~gan.[1]
[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp
de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

Sa pagcakilala ng amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan ng isip at
malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá
siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g
Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na
pinangangasiwaan n~g mga páring jesuita.
Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara
at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno
n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay
n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing
sangcala'y ang panghihimagsic ng mga manggagawâ sa Arsenal ng
Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang mga calupitáng
dito'y guinágawâ ng mga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó
ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa
pagsasangalang sa mga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang mga
nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.
Lumipat itó ng pagtirá sa Ateneo Municipal at ng naroon
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 60
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.