Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

Pantaleón S. Lopez
A free download from www.dertz.in

The Project Gutenberg EBook of Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong
Apô-Apô (Kasaysayan), by Pantaleón S. Lopez
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with
almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or
re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.net

Title: Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)
Author: Pantaleón S. Lopez
Release Date: November 7, 2005 [EBook #17023]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
0. START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK APÔ-APÔ
(ZARZUELA) AT KUNG ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online

Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net
.
Special
thanks to Matet Villanueva, and Ateneo Rizal
Library-Filipiniana
Section for helping to reconstruct
some portions of this project. (This
file was made using
scans of public domain works from the
University of Michigan Digital Libraries.)
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
"APÔ-APÔ"

(ZARZUELA)
"Kung sinong Apô-Apô"
(KASAYSAYAN.)
Pantaleón S. Lopez
MAYNILA
Limbagan nina Fajardo at Kasama
Daang Carriedo Blg. 101, Sta.
Cruz
=1908.=
Zarzuelang tagalog na may isang bahagi,
ikatha ni P. S. Lopez, at
tugtugin ni Mateo
Varios na pinamagatang:
"APÔ-APÔ"
M~GA TAO SA OBRA.--M~GA ARTISTA.
Soledad......G. Máxima Gonzales.
María........Bb. Petrona Polintan.

Ludovico.....G. P. S. Lopez.
Tio Agong....» F. P. Ballecer.

Bakokoy......» Juan Bernabe.
Tio Pedro....» E. Peña.
Totong.......» F.
Peña.
KAPISANAN N~G PANDAY.
Tanging bahagi

_Pagbubukas n~g tabing mamamasid ang isang
taller n~g pandayan
si Ludovico at m~ga panday._
ESCENA I.
MUSICA No. 1.

Coros.--Itong ating kabuhayan
ang mag panday gabi't araw
siyang tan~ging kabuhayan
n~g
kapatid at magulang.
Ludovico.--Kapalara'y sinakbibi
kabuhayay kinandili
at guinhawa'y humalili,
palad n~ganing
tantong apí.
Coro.--Bawat palo n~ga sa bakal
n~g martillong nasa kamay
pawis nag tagtagastasan.
sa katawang
n~g lulumay.
hot, hot, hot,
SALITAAN.
Agong.--Luduviko kapatid ko: dahil saiyo ay diko maikakailâ na ako'y
guminhawâ sanhî sa mabuting iyong pamamanihala nitong aking
kabuhayan.
Vico.--Diko po itinuturing.
Agong.--Sa gayon ay maraming salamat aalis.
Pedro.--Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag tiwalâ
n~g labis sa ating apô-apôan, sapagkat dinguín mong madalas asalin
niyan:
Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong
gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang
nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito?
Vico.--Dalawang taon lamang.
Pedro.--¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan
niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo n~g isang tungkos na inútil at
walang ini-isip kung di ululín ang m~ga kaawa-awa, walang bigóng

kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang
paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan.
Vico.--Katoto: masalág ko ang iyong pan~gun~gusap, si Tio
Agong
ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay
walang man~gun~gutos, tuturan mong siya'y pan~gulo n~g isang
kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan n~g ulol
walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang
ako'y kaniyang pagtaksilan.
Pedro.--Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong
wika: na
ang mapagkatiwala madalas mapan~ganyaya iyong tatandaan aalis.
Lalabas si Soledad Malungkot.
ESCENA II.
Soledad.--Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapdî,
sa puso,t, panimdim ang isasangunî,
pag iinutan ko, na maimungkahî

sabahay naito'y huag mamalagui.
Vico.--Ikaw'y asawa ko ano mang masapit
ikaw lang ang tan~ging sa dib-dib naguhit
nag papagal ako kasi ko at
ibig
sa iyo ang dahil....
Soledad.--Dinguin mo ang sulit:
Ibig kong sa bihin n~gayong ipamalay
sa iyong kasamá ikaw,i,
humiwalay.
Vico.--Ang lahat mong sabi aking hahadlan~gan
pagkat diko ibig at di katuiran.
Ako'y kilalá mong inanák sa pagod

sapagtatrabaho'y nabuhos ang loob
ang pandayang ito kung kaya
lumusog
ay dahil sa akin.

Soledad.--¡Maawain kong Dios!
Vico.--Talastas mong dati ang aking puhunan
sa pandayang ito'y madlang kapaguran
n~gayong sumapit na ang
pakikinabang
manghihikayat kang akoy humiwalay.
Soledad.--Dinguin aking guiliw itong isasaad
na sa pagkahimlay aking na pan~garap
ang taksil na Agong
magdarayat sukab
at sa may asawa ay nan~gun~gulimbat.
Tan~gi pasarito ang dulong himutok
n~g nag bigay agam aking
bun~gang tulog
kahiman daw lan~gít ang iyong idulot
kagantiha'y
lason.
Vico.--Bibig mo'y itiklok aalis si Vico
MUSICA No. 2.
(2 ulit) (Anong sakláp na damdamin
itong aming nararating
ang
asawang guiniguiliw
walang tiguil sa pagdaing) (2 ulit.)
(2 ulit) (¡Oh! Bathalang lubhang mataas
asawa koy iyóng iligtas
sa
m~ga madláng bagabag
malayô sa tanang hirap.) (2 ulit).
SALITAAN.
Soledad.--Hindi malan~gap ko
ang m~ga insal
n~g lilong si Agong
may asal halimao
hindi na
nan~gimi
pag sinta'y ialay
¿sa isang gayako?
ESCENA III.
Lalabas si Pedro, may dalang sulat.

Pedro.--Soledad pag masdan.
Soledad.--Tio Pedro, ikaw po,i, manain~ga: natatanto ko po
na ikaw
ay may dan~gal na taglay, kung ako po ba'y may ipag tapat sa iyo,
ikubli mo po kaya.
Pedro.--Ah, Soledad puputok sa lupa, n~gunit sa aking dila ay hindi;
turan mo.
Soledad.--¿Ano po ba ang pagkakilala mo kay tio Agong?
Pedro.--ha, ha, ha. Isang tawong lasengo, ang sinabi sa umaga na
lilimutan sa hapon,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.