panalo'y macamtan.
Dito na si Burgos cusang sumulat na?ilang ?artículong? casagutan baga?sa lagdang sinulat n~g Fraileng si Coriang?naquiquipagtalo mag-uagui ang pita.
Sa usapíng ito n~g cusang malaman,?ang ating si Burgos dito ay capisan,?ang lahat n~g Fraile lubós n~g tumahan,?tinimpi sa loob yaong cagalitan.
Dito na umusbong sa canilang dibdib?si José Burgos n~ga ay sinumpang tiquís?at paghigantihan gauan niyaong pan~git?lihim na pacaná na asal balauis.
Baga ma't gayon na ay cusang tumiguil?ang lahat n~g Fraile sa gayong usapín,?di rin naampat at napatuloy rin?sapagca't tumauid sa lupain natin.
Sa boong lauigan nitong Filipinas?caguluhang ito cusang lumaganap?dahil sa ang lahat na Fraileng dulin~gás?ay pauang nagbago n~g ugaling in~gat.
Yaong pan~gan~gamcam siyang natutuhan?nang lupa at buquid sa catagaluga't?cusang pataasin ang dating cabuisan?n~g m~ga hacienda na atin di't tunay.
Caya siyang mula n~g panghihimagsíc?niyaong si Eduardo Camerinong sulit?na taga Caviteng nahalal na tiquís?pan~gulo sa hocbo na pauang nilupig.
Isa pang casama ni Eduardong hirang?ay yaong si Luis Parang ang pan~galan?na siyang namuno sa bayan n~g Tan~guay?n~g paghihimagsic sa Fraileng sucaban.
Ang bayan n~g Imus noo'y gulongulo?sapagca't nacuha nitong si Eduardo?caya't n~g mahuli ang dalauang "lego"?sa "casa hacienda" binitay n~ga nito.
N~g ito'y matanto n~g bunying general?nagulo ang diua caya't naisipan?tumauag n~g pulong sa lahat n~g mahal?na m~ga tagalog n~g ito'y mahusay.
Pagca't yaong guló lubhang malaqui na?di na naapula ano mang gauin niya,?hangang sa inabot ang ?casa hacienda??sinilabang tunay n~g nag si pag alsá.
Caya naisipan n~g upang tumahan?caguluhang ito nasabing general,?ang tanang tagalog na may carunun~gan?at caunting yaman bigyang catungculan.
Caya n~ga't inipon si Roxas, Vismanos,?Ascarraga't Tuáson, González na lubós,?Padilla't Esquivel, si Calderóng bantog?saca si Icasa pauang filipinos.
Sila hindi iba ay cusang nahalal??vocales civiles? na puno sa bayan,?saca n~ga sinunod ang ilang cabanghay?niyong cay Regidor ?reformas? na tanan.
Dito na naghalal sa corte n~g Madrid?n~g isang Comisión sa nag-uusig?nitong si Regidor na di naiidlip?tayong calahatan mapaiguing tiquís.
Caya ang Ministro de Ultramar noon?ay siyang namuno gayong pagpupulong,?at ang m~ga vocal sa ganitong layon?m~ga generales na ualang caucol.
Na sina Orosco, Saportillang tunay?Gandara at sina Ochoteco naman,?Coballes na pauang coroneles lamang?Rodriguez, Bona't Pillon iba pang capisan.
Ang pulong na ito pauang nag caisa?at pinaayunan ang tanang "reforma"?nitong si Regidor na capisan nila?gayong pag-uusap sa guinauang junta.
Caya n~g matapos itong pag-uusap?dito sa Maynila'y pinahatid agad?niyaong capulun~gan sa Madrid na hayag?ang naguing pasiya n~g upang malutas.
N~guni sa samá din n~g pamamahala?n~g Gobierno rito'y isinalamuha?sa "junta" n~ga rito yaong fraileng madla?uala n~g inimbot cundi ang masamá.
Dina naalala itong ating Burgos?doo'y isinama't cusang inilahóc?caya sa uala rin dito'y napanuod?na "caliuanagan" tanang filipinos.
Sa gayong nangyari yaong caguluhan?dito sa Maynila, Bulacan at Tan~guay?Silan~ga't iba pang m~ga lalauigan?ay lalong lumubha apuy ang cabagay.
Ang man~ga pinuno't tanang autoridad?dito sa Maynila'y nagulong cagyat?caya napatulong sa loob na tapat?n~g m~ga tagalog may dunong na in~gat.
N~g upang maampat cusang mapatiguil?caguluhang ito na ualang cahambing?caya sinunod na ang lahat n~g hilíng?n~g tanang tagalog may dunong na tambing.
Si Padre Gómez n~ga ang siyang guinaua?comisióng nahalal cusang papayapa?sa cay Camerino na naghimagsic n~ga?sa bayan n~g Tan~guay, Imus na daquila.
N~g ito'y parunan niyaong Padre Gómez?ay hindi nalaon ang paghihimagsic,?dahil sa pan~gaco n~g autoridades?sa tanang tagalog na nag-alsang tiquís.
Caya ang "tratado" biglang pinirmahan?sa bayang Navotas n~g bunying general?sa pinamansagang balitang tulisan?na si Camerino at si Luis Parang.
Ang lahat n~g Fraile noo'y nan~gag-galác?pagca't napayapa caguluhang cagyat,?at tanang ?hacienda? nilang ini-in~gat,?ay muling babalic na di magluluat.
Baga ma't sila'y cusang nagastahan?nag-gugol n~g pilac na hindi mabilang,?di na alumana humusay n~ga lamang?lacad n~g panahong man~ga caguluhan.
Ang general noong balitang D. Cárlos?de la Torre n~gani ang pan~galang lubós?na naguing mabuti sa man~ga tagalog?at sa tanang Fraileng nag-asal balaquiot.
Nabalita naman sa panahong yaon?ang ating si Gómez cura sa Bacoor?dahil sa guinaua at pag dedefensor?sa tanang tagalog na piniit noon.
At gayon din naman sa pagpapahusay?sa nangyaring guló sa bayan n~g Tan~guay,?caya yaong puri at uagás na dan~gal?ay tinamó niya sa catagalugan.
Dahil sa mahiguit na tatlong libong ganap?ang napi-it noon tagalog na lahat?na napacaualan cay Gómez nagbuhat?sa cárcel n~g dusa na dilang bagabag.
At pati ni Parang sampuo ni Eduardo?cusa ring nagcamit n~g mabuting trato?sa man~ga castila tumirá pa rito?sa bayang Maalat may ?pencióng? totoo.
Saca sinunod pa ang pinag-usapan?niyaong caayusang magcura sa bayan?at yaong "reforma" niyaong pag-aaral?ay pinaghusay din na hindi naluatan.
Nagcaroon pa noon n~g carrera civil?lahat n~g tagalog may dunong na tambing?caya si Vivencio del Rosario natin?sa Lagunang bayan ay nag alcalde rin.
At si D. Mariano Villafranca naman?sa bayang Misamis alcaldeng nahalal?na pauang tagalog may dunong na taglay?nagcamit n~g tungcol sa cacastilaan.
Nagcaroon pa rito n~g m~ga Jueces?pauang filipino't man~ga Relatores,?at lahat pa disin n~g m~ga napiit?dito nacauala't cusang nacaalis.
Pinatiguil pa n~ga ang pag-eembargo?sa tanang lupain n~g naramay rito,?at pinagalang pa man~ga bahay dito?sa tanang justicia nagalang totoo.
Sa madali't sabi ating pagbalican:?ang cusang sinapit nitong si Luis Parang?sampuo ni Eduardo Camerinong hirang?niyaong macaraan yaong ilang arao.
Pagca't di nalaon sila ay piniit?pinatay sa bitay, sa namucong galit?sa dibdib n~g tanang Fraileng m~ga ganid?uala n~g inimbot cung di gauang pan~git.
Sila'y nag-gasta rin n~g lubhang malihim?sa general ditong lumabo ang tin~gin?sa saganang pilac canilang inyahin?mapapatay lamang dalauang butihin.
Naualang halaga ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.