Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos

Honorio López
ᄬA free download from www.dertz.in ----dertz ebooks publisher !----
The Project Gutenberg EBook of Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos by Honorio Lopez
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos
Author: Honorio Lopez
Release Date: August 20, 2004 [EBook #13233]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG TUNAY NA BUHAY NI P. DR. ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]?[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
ANG TUNAY NA BúHAY
NI
P. Dr. JOSé BURGOS?=at nang man~ga nacasama niya=?=na sina P. Jacinto Zamora,=?=P. Mariano Gómez at ang=?=nadayang Miguel=?=Zaldua=
SINULAT NI HONORIO LóPEZ?Periodistang tagalog, Director artístico sa Kapisanan nang man~ga autores lírico-dramático La Juventud Filipina at Autor nang maraming casulatan: Kalendario, istoria, biografia, etc., etc.
=ICALáUANG PAGCAHAYAG.=
MAYNILA: 1912.
=IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA=?NI?=J. MARTINEZ.=?_Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok._
=Ang ala-alang handóg=
_Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872._
_HONORIO LóPEZ_.
[Larawan: P. DR. JOSé BURGOS.]
=Sa man~ga nanasang liyag=
PASIMULA
Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib,?tapát na pagsintang namahay sa isip?na maipahayag canilang sinapit,?tanang guni-guni'y linupig na tiquís.
Cusang pinatuloy tumiim sa hagap?ang pinanghauacan ang nanasang liag?may ganáp na bait camahalang in~gat,?macapagpupuno sa caculan~gang lahat.
Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan?n~g canilang ?búhay? sa Mundong ibabao,?na cusang natapos sa abang bitayan,?sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan.
Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat,?unang ?monumento? ng pagpapahamac?niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat?n~g dunong at yaman tubong Filipinas.
Sila namang tunay ang unang larauan?na dapat tularan nating calahatan?sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan?nitong ating bayang lagui sa ligamgam.
Caya ang marapat, oh m~ga capatid:?silang m~ga ?Martir? alalahaning tiquís,?huag lilimutin laguing isa-isip?alang-alang baga sa m~ga sinapit.
Gayon din naman sa cailan pa man?dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan?na nagcucunuari ?Ministrong? maran~gal??n~g Dios na Poon?, bago'y m~ga hunghang.
Caya ang mabuti ay tularang lubós?m~ga halimbaua ni na Padre Burgos,?Gómez at Zamora na pauang tagalog?sa tinubuang bayan marunong umirog.
Sa baua't may nasang ibig na bumatid?n~g canilang búhay tunay na sinapit?basahing tuluyan pagtiagaang tiquís?cusang ipatuloy itong natititic.
Bahala na sana inyong camahalan?mag lapat nang ganap sa labis at culang?sa baua't talatang inyong matagpuan?uari'y nalilihis doon sa catuiran.
N~guni't ang samo co bago mo punahín?ang lihís sa uari, maiguing linin~gin?maca ca sacali naman na malinsil?sa daang casamaan malagos na tambing.
Cung magcacagayon ang pasasalamat?sa camahalan mo aquing iguinagauad?at mag-utos naman sa lahat nang oras?sa laang capatid na casuyong tapat.
=Honorio López.=
=ANG TUNAY NA BúHAY
NI
Dr. JOSé BURGOS, Pbro.=
AT NANG MAN~GA CASAMA.
PúNO NANG SALITá
Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad?Fernandinang sacdál sagana sa galác?sa buong Iloco na ualang catulad?doon naguing tauo si Burgos na hayág.
Taóng isang libo ualong daang tunay?apat na puo't dalua siyang cabilan~gan?nang siya'y ianác nang ináng hinirang?may tacot sa Dios, mabuting magmahal.
Siya'y na-uucol sa isang ?familia??na iguinagalang natatan~gi baga?sa buting ugali at gauang maganda?sa ciudad na yaong mayaman sa sayá.
Mulang camusmusan nitong ating Burgos?sa bait na taglay uala nang aayos?gayon din sa talas nang isip na impóc,?caya't maaga siyang pinaturuang lubós.
Hindi nalaunan caniyang pag-aaral?naisipan n~gani nang m~ga magulang?dito sa Maynila iluas na tunay?upang pag-aralin sa San Juan de Letran.
Caya iniluas itinuloy muna?sa bahay nang canyang tióng sinisinta?teniente práctico nang artilleria?Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga.
Siya'y itinirá na hindi naluatan?sa Letrang colegio, ang nacacabagay?ay duc-hang ulila sa m~ga magulang,?sa loob nang Dios tinangap din naman.
Sisiyám na taón cabilan~gang edad?nang siya'y parito at masoc na cagyat?sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad?nang caniyang budhi at loob na in~gat.
Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan?hangan sa sinapit at cusang nacamtan?ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral?sa "artes" nahayág ang siyang pan~galan.
Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin?gumising sa caniyang puso ang tun~guhin?yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing?sa "eclesiásticong carrerang" mahinhin.
At hindi na niya tinuloy na lubós?"carrerang derechong" sinisintang puspus?nang m~ga magulang, ang cusang sinunod?ang buco nang dibdib gumising sa loob.
Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan?Teologiang mahal sa isang maalam?na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan?na hindi nalaon ay naguing Cardenal.
Dito na tinamó yaong mantong azúl?at belang mapula na ualang caucol,?caya ang caniyang familia n~ga noon?ang toua nang dibdib ay hindi gagayon.
Madali't salita nang ito'y malaman?na sa Pagpapari ang pag-aaralan?nang caniyang magulang cusang binayaan?tanang hanap buhay sa ciudad nang Vigan.
Dito sa Maynila sila'y tumahan na?dahil sa pagsunod sa anác na sinta?na di man
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 12
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.