A free download from www.dertz.in
The Project Gutenberg EBook of Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos by Honorio Lopez
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos
Author: Honorio Lopez
Release Date: August 20, 2004 [EBook #13233]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG TUNAY NA BUHAY NI P. DR. ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]?[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
ANG TUNAY NA B��HAY
NI
P. Dr. JOS�� BURGOS?=at nang man~ga nacasama niya=?=na sina P. Jacinto Zamora,=?=P. Mariano G��mez at ang=?=nadayang Miguel=?=Zaldua=
SINULAT NI HONORIO L��PEZ?Periodistang tagalog, Director art��stico sa Kapisanan nang man~ga autores l��rico-dram��tico La Juventud Filipina at Autor nang maraming casulatan: Kalendario, istoria, biografia, etc., etc.
=ICAL��UANG PAGCAHAYAG.=
MAYNILA: 1912.
=IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA=?NI?=J. MARTINEZ.=?_Plaza Moraga 34-36, Plaza Calder��n 108 at Estraude 7, Binundok._
=Ang ala-alang hand��g=
_Sa cay P. Dr. Jos�� Burg��s (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 ta��n), P. Mariano G��mez (85 ta��n) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lub��s na dinaya nang man~ga fraile, inihahand��g co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitay��ng itinay�� sa pooc nang Espaldon �� Bagumbayan nang ic�� 28 nang Febrero nang 1872._
_HONORIO L��PEZ_.
[Larawan: P. DR. JOS�� BURGOS.]
=Sa man~ga nanasang liyag=
PASIMULA
Sa tap��t n~g nasang namuco sa dibdib,?tap��t na pagsintang namahay sa isip?na maipahayag canilang sinapit,?tanang guni-guni'y linupig na tiqu��s.
Cusang pinatuloy tumiim sa hagap?ang pinanghauacan ang nanasang liag?may gan��p na bait camahalang in~gat,?macapagpupuno sa caculan~gang lahat.
Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan?n~g canilang ?b��hay? sa Mundong ibabao,?na cusang natapos sa abang bitayan,?sa pagsintang lub��s sa tinubuang bayan.
Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat,?unang ?monumento? ng pagpapahamac?niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat?n~g dunong at yaman tubong Filipinas.
Sila namang tunay ang unang larauan?na dapat tularan nating calahatan?sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan?nitong ating bayang lagui sa ligamgam.
Caya ang marapat, oh m~ga capatid:?silang m~ga ?Martir? alalahaning tiqu��s,?huag lilimutin laguing isa-isip?alang-alang baga sa m~ga sinapit.
Gayon din naman sa cailan pa man?dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan?na nagcucunuari ?Ministrong? maran~gal??n~g Dios na Poon?, bago'y m~ga hunghang.
Caya ang mabuti ay tularang lub��s?m~ga halimbaua ni na Padre Burgos,?G��mez at Zamora na pauang tagalog?sa tinubuang bayan marunong umirog.
Sa baua't may nasang ibig na bumatid?n~g canilang b��hay tunay na sinapit?basahing tuluyan pagtiagaang tiqu��s?cusang ipatuloy itong natititic.
Bahala na sana inyong camahalan?mag lapat nang ganap sa labis at culang?sa baua't talatang inyong matagpuan?uari'y nalilihis doon sa catuiran.
N~guni't ang samo co bago mo punah��n?ang lih��s sa uari, maiguing linin~gin?maca ca sacali naman na malinsil?sa daang casamaan malagos na tambing.
Cung magcacagayon ang pasasalamat?sa camahalan mo aquing iguinagauad?at mag-utos naman sa lahat nang oras?sa laang capatid na casuyong tapat.
=Honorio L��pez.=
=ANG TUNAY NA B��HAY
NI
Dr. JOS�� BURGOS, Pbro.=
AT NANG MAN~GA CASAMA.
P��NO NANG SALIT��
Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad?Fernandinang sacd��l sagana sa gal��c?sa buong Iloco na ualang catulad?doon naguing tauo si Burgos na hay��g.
Ta��ng isang libo ualong daang tunay?apat na puo't dalua siyang cabilan~gan?nang siya'y ian��c nang in��ng hinirang?may tacot sa Dios, mabuting magmahal.
Siya'y na-uucol sa isang ?familia??na iguinagalang natatan~gi baga?sa buting ugali at gauang maganda?sa ciudad na yaong mayaman sa say��.
Mulang camusmusan nitong ating Burgos?sa bait na taglay uala nang aayos?gayon din sa talas nang isip na imp��c,?caya't maaga siyang pinaturuang lub��s.
Hindi nalaunan caniyang pag-aaral?naisipan n~gani nang m~ga magulang?dito sa Maynila iluas na tunay?upang pag-aralin sa San Juan de Letran.
Caya iniluas itinuloy muna?sa bahay nang canyang ti��ng sinisinta?teniente pr��ctico nang artilleria?Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga.
Siya'y itinir�� na hindi naluatan?sa Letrang colegio, ang nacacabagay?ay duc-hang ulila sa m~ga magulang,?sa loob nang Dios tinangap din naman.
Sisiy��m na ta��n cabilan~gang edad?nang siya'y parito at masoc na cagyat?sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad?nang caniyang budhi at loob na in~gat.
Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan?hangan sa sinapit at cusang nacamtan?ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral?sa "artes" nahay��g ang siyang pan~galan.
Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin?gumising sa caniyang puso ang tun~guhin?yaong "Pagpapari Sacerdociong" tambing?sa "eclesi��sticong carrerang" mahinhin.
At hindi na niya tinuloy na lub��s?"carrerang derechong" sinisintang puspus?nang m~ga magulang, ang cusang sinunod?ang buco nang dibdib gumising sa loob.
Caya n~ga't pagdaca ay pinag-aralan?Teologiang mahal sa isang maalam?na fray Ceferino Gonzalez ang n~galan?na hindi nalaon ay naguing Cardenal.
Dito na tinam�� yaong mantong az��l?at belang mapula na ualang caucol,?caya ang caniyang familia n~ga noon?ang toua nang dibdib ay hindi gagayon.
Madali't salita nang ito'y malaman?na sa Pagpapari ang pag-aaralan?nang caniyang magulang cusang binayaan?tanang hanap buhay sa ciudad nang Vigan.
Dito sa Maynila sila'y tumahan na?dahil sa pagsunod sa an��c na sinta?na di man nangyari caibig��n nila?ano mang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.