Ang dilim n~g gabi ay maaari na marahil na maglin~gid sa kanila sa m~ga mata ni Tirso at ni Elsa.
Nang m~ga sandaling hinihintay nina Martinez at Dr. Nicandro ang panunod na pagpanaog sa sasakyan n~g mestisa't n~g makata, ay siyang paglunsad sa malapit sa kanila n~g isang malaki't mabigat na katawan n~g isang lalaking ang kulay n~g mukha ay nakikipan~gagaw sa dilim n~g gabi.
--?Isang matabang negro!--ang naibulong na punongpuno n~g mangha n~g kutsero sa dalawa niyang sakay.
--?Negro! ?Negro n~ga!--ang hindi naman magkantututong sambot n~g dalawa.
At noon di'y namasdan nilang sila'y nilapita't kinikilala n~g tinurang negro. At pagkalapit sa kanila'y tumanong:
--_What are you doin, here, hombre? Por que sigue conmigo_?
Ang kutsero, sa kabiglaana't pagaakalang siya ang tinatanong, ay halos mautal sa pagsagot n~g:
--No gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre....
Salamat sa ganitong nakatatawang tugon n~g kutserong nahintakutan n~ga yata sa itim at laki n~g tinukoy na amerikano, si Martinez at si Dr. Nicandro ay kapwa malamig ang loob na humin~gi n~g nauukol na paumanhin matapos na ipaliwanag ang kanilang pagkakamali. Ang amerikano'y anyong nagalinlan~gan pa sa m~ga ipinahayag n~g dalawang magkasama, subali't dahil sa napaghalatang sila'y m~ga tao ring may pinagaralan, alangalang sa kanilang malinis at sanay na paggamit n~g inggles, saka sa mabuting ayos n~g kanilang pananamit na di mahihintay sa m~ga may masasamang loob na dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, ay nagkibit na lamang n~g balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang bahay na nakaurong sa daan.
Gayon na lamang ang nangyaring tawanan n~g m~ga naliho n~g kadiliman n~g gabi. At habang nililisan nila ang pook na yaon, ang pagn~gin~gitn~git n~g loob ay pinararaan sa matunog na halakhakan.
--?Pero wala ka bang nakitang isang babae't isang lalaki sa m~ga nasalubong natin sa may tapat n~g "Germinal"?--itinanong ni Martinez sa kutserong nagtututop n~g tiyan sa di mapigil na tawa.
--Mayroon n~ga po....
--?Ay saan nagtun~go?
--Aywan po ba; ang boong asa ko'y talagang ang nasusundan natin.
At si Dr. Nicandro'y halos hindi makapagsalita sa pagiihit n~g tawa.
--?Ano, G. Martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa Pasay upang matiyak kung siya n~ga o hindi ang ating nakita?--ang tanong makailang saglit.
--Hindi na po kailan~gan,--ang tanggi n~g tinukoy.--?At di ba kayo naniniwalang talagang siya at si Silveira ang nasalubong natin?
--Naniniwala rin, n~guni't ?nasaan sila? ?Ano't isang matabang negro ang nakatun~go natin pahinto n~g ating sasakyan?
--?Ang buwisit na negro!
At sumunod na naman ang pagkakain~gay n~g tawanan.
Sa mungkahi ni Martinez, ay minarapat n~g dalawang makikisig na binatang kabilang sa, hanay n~g m~ga nabibighani n~g dilag ni Elsa n~guni't di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang bar sa Santa Cruz upang kung mangyayari'y lunurin ang malaking pagkabigong kanilang kinamtan sa loob n~g ilang kopita n~g alinmang inuming pumapaso sa lalamuna't dumadarang sa diwa. Anopa't dahil n~ga sa kabiguang iyon at pagkapahiya pa sa harap n~g isang amerikanong itim, ang pagkamanggagamot ni Dr. Nicandro ay walang nagawa kundi makiayon sa gayong mungkahi n~g kasama.
* * * * *
Sinarili ni Martinez at ni Dr. Nicandro ang isang munting mesa na nasa isang dulo n~g tindahang iyon n~g sarisaring alak, n~g sa isipan nila'y walang namumugad kundi ang larawan ni Elsa at ni Tirso na magkapiling n~g boong laya, sa loob n~g isang kalesang aywan nila kung saan nagtun~go.
Ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa liwasang Goiti. At sapagka't nagkakilala sila sa sayawan sa "Club Nacionalista" nang isang gabing kasama ni Martinez si Elsa, ang ginawa n~g manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito n~g ang mestisang sinabi ang tukoy n~g kanyang pakikipagusap.
Sa pagniniig nilang iyon ay dili ang hindi sila nagkatapatan n~g kanikanyang loob hinggil kay Elsa, at napagkaisahan n~ga tuloy na sila'y magsadya kapwa sa Pasay, at magpasumalang maganyaya sa mestisa sa pakikigalak sa Bagong Taong bumubun~gad,
Si Martinez na sadyang may ugaling di makapagsarili n~g lihim, at si Dr. Nicandro na masasabi namang halos mahibanghibang na sa n~galan at larawan n~g mestisa, ay kapwa hindi gumamit noon n~g pagkakaila at ang tuyo at lagay n~g isa ay ganap na sumakaalaman n~g isa pa. Anopa't sa wakas n~g kanilang salitaang iyon ay lubusang napagtalastas n~g isa't isa na sila ay kapwa nabibilang sa m~ga lalaking gayong pinagpapakitaan n~g mabuting loob ni Elsa ay kung ano't hindi naman magkamit n~g kanilang minimithimithi. At kapwa sila umamin, lubha pa nitong masalubong n~ga nilang kasarilihan ni Elsa sa dilim n~g gabi si Tirso, na ang m~ga lakad n~g makatang ito ay talagang malayo na ang nararating na kung pakahahabulin pa nila'y dili ang hindi mangyari ang sila'y uyamuyamin at n~gisihan na lamang.
--Wala na tayong nararapat gawin, G. Martinez, kundi ang pawiin na sa ating alaala ang mestisang iyan, ang wika n~g manggagamot nang maparaan sa lalamunan ang unang tungga n~g nakalalasing na inumin.
--?Ah! Kung sa ganang akin n~ga ay walangwala na ang lahat,--iniayon naman n~g pinagpayuhan.--N~guni't ang hindi lamang yata karakarakang mapaparam sa gunita ko ay ang di mabuting iginanti sa akin n~g lalaking pinautan~gan ko
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.