敚Ang Mestisa
The Project Gutenberg EBook of Ang Mestisa, by Engracio Valmonte This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Ang Mestisa Ikalawang Bahagi (Second Volume)
Author: Engracio Valmonte
Release Date: October 17, 2004 [EBook #13773]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG MESTISA ***
Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=ANG MESTISA=
=Mga iba pang Aklat ni E.L. Valmonte=
=ILAW NG KATOTOHANAN= (Unang bahagi) Aklat na naghahatid n~g liwanag sa isip at umaakay sa kaluluwa sa landas n~g tapat na pagkakilala sa Diwa at Buhay n~g Sangmaliwanag. Kahinahinayang na di mabasa. P0.80 ang bawa't sipi.
=Tinatapos sa Limbagan=:
"=Ang Mestisa=" (Unang Bahagi) Ikalawang pagpapalimbag.
"=Mga Inang Walang Anak="
"=Lupit ng Tadhana="
"=Ilaw ng Katotohanan=" (Pan~galawang bahagi)
=NOBELA
ANG MESTISA (Ikalawang Bahagi)
KATHA NI
ENGRACIO L. VALMONTE "Kasapi sa Aklatang Bayan"
Unang Pagkapalimbag
Hunio, 1920=
IMP. ILAGAN Y CIA. 775 Juan Luna, Tundo, Maynila Telépono 8836
=Handog=
_Sa karapatdapat na Pan~gulo n~g Aklatang Bayan na si G. Precioso Palma._
=Ang Maykatha=
XV
?MAPALAD KAYA SI TIRSO?
"Kahi't saang tumatahip na lupa ako maparoo'y hintayin mo ang sulat ko, bago ka lumiham sa akin."
Ang hindi pagkakaroon n~g katuparan n~g ganyang pan~gakong iniwan ni Teang kay Tirso ay di sasalang lumilikha na n~g kabalisahan sa kalooban n~g makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang araw sa gitna n~g kanyang mainip na paghihintay. Nang gabing marinig niya ang ganyang mahigpit na pan~gako sa bibig n~g kanyang kasi, ay di niya inakalang pakatatagal na n~g gayon n~g hindi siya tatanggap n~g sulat, palibhasa, kung totoong sa Nueba Esiha lamang ang uwi, ay di naman kalayuang gaano ang nasabing lalawigan upang mabilan~gan n~g maraming araw ang lakad n~g koreo hanggang Maynila. N~guni't n~gayong panay na "wala po" ang isinasagot sa kanya n~g tagadalang-sulat kailan pa ma't ito'y kanyang abatan sa pagdating at pagtanun~gan n~g bagay na inaantabayanan, ayawayaw man niyang maghinala ay hindi rin siya makalaban sa sarisaring bintang na naguumukilkil sa kanyang ulo.
Kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong pangyayari na pagkakapariwara n~g matimyas na pagasa n~g isang lalaking paris niya na mapalayo sa kinaroroonan n~g kanyang giliw. Ang dalaga at ang binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na paguulayaw, ay nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, mananatili kapwa sa kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling tibok n~g puso. Ang lalaki ay maiiwang buongbuo ang pagasa sa pan~gako n~g babae: magtataman sa pagaaral, lilimutin ang pagbubulagsak, magbabawas n~g nilibotlibot at pagaaksaya n~g panahon, sa paguupanding pagdating n~g tipanan, pagkatapos n~g pagaaral ay lalo siyang magiging karapatdapat sa mata't pagmamahal n~g kanyang liyag. Datapwa't ang babae, na kapatid n~g kahinaang loob at hinlog n~g pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, lumilimot sa pan~gako at kumikita n~g bagong ligaya sa lilim n~g pakikipagsuyuan sa iba. ?Oh, gaanong pagasa n~g lalaki ang nalibing sa laot n~g kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin n~g di iilang babae!...
At, si Teang at si Tirso ay naging isang dalaga ri't isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. Tulad sa karaniwang nangyayari, si Tirso ay naiwan ding walang tan~ging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan n~g budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan n~g pan~gun~gusap ni Teang. Subali't ... ?nasaan ang katuparan n~g pan~gakong iniwan sa kanya n~g babaeng ito? ?Bakit walang sulat? ?Siya kaya,--si Tirso,--ay magiging isa rin diyan sa m~ga lalaking nawalatan n~g dibdib at nalurayan n~g puso sa ulos n~g balaraw na walang pan~gigiming itinatarak n~g babae? ?At si Teang kaya naman ay isa pa ring babaeng katulad n~g di iilang kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap n~g bangkay n~g m~ga pusong kanilang pinaglalaruan?...
--?Oh! Hindi naman magkakagayon marahil ...--ang nawiwika n~g naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay.
At ang pinakatubig na pangpatay sa siklab n~g masusun~git na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika:
--Kaipala'y hindi lamang siya magkapanahon sa higpit n~g pan~gan~galaga n~g kanyang ina.
Kung nababanggit namang ganito ang ina ni Teang, ay kasunod nang agad na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya n~g matandang; iyon dahil sa kanyang pagkamason. Ang kanyang pagkamason ay bikig na humahalang sa lalamunan n~g naturang matandang nabubulagan n~g pananampalataya't nahihibuan n~g m~ga tagapan~galaga n~g kadiliman, kaya't kailan man ay hindi n~ga yata makatutuloy na maluwag sa loob ang kanyang malinis na pakay. At dito siya untiunting nahihila n~g pagaakalang marahil ang babaeng pinagsisimpanan niya n~g lahat ay nagbabago na n~ga n~g loob at tumataliwakas sa kanilang salitaan. Subali't
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.